CHAPTER 1

368 12 3
                                    

jinsushis thank you po😊❤

SHIN'S POV

Nandito ako ngayon sa loob nang aking kotse papunta kami ngayon sa Airport kasama ko si GrandMah, gusto ko mang hindi sya iwan pero gusto ko munang makalimot sa mga masalimoot na nangyari sa akin.

Tahimik lang kami dito sa loob nang kotse walang nagsasalita hanggang sa ilang minuto ang lumipas biglang nagsalita si GrandMah.

"Zen ok ka lang ba?
Mag-iingat ka dun ha!"

Bago ako sumagot nginitian ko muna siya, hindi ko ipinakita sa kanya ang malungkot kung mukha.

"Oo naman po Tsaka wag na po kayong mag-alala mag-iingat po ako dun".

Ngumiti nalang siya sa akin bilang sagot niya, pero alam kung mabigat sa kanya

(After 1 Hour)

"Zen nandito na tayo sa Airport" Saad ni GrandMah

Nginitian ko nalang sya at tinanguhan bago ako lumabas sa aking kotse. Sumunod naman sya sa akin at bigla na lang nya akong niyakap at niyakap ko naman sya pabalik.

Hanggang kumalas na kami sa pagyayakapan namin ni Grandmah at napatingin naman ako sa Driver namin na Si Kuya Fredo, sila nalang mag-asawa ang matitirang kasama ni GrandMah sa mansyon

Nginitian ko siya at nagsalita

"Kuya kayo na po munang bahala kay GrandMah ha!"

"Opo Maam" -kuya fredo

Yun lang ang sinagot niya bago ako umalis.

Nandito na ako ngayon sa loob nang aming eroplano,Oo tama kayo nang nabasa amin itong eroplano, kay Daddy ito nakapangalan pero ipinasa na nya sa akin ito bago sya nawalan nang hininga dahil yun ang sinabi ni GrandMa

"FLASHBACK"

Nandito ako ngayon sa aking kwarto nang biglang pumasok si GrandMa at Mommy

Diko muna sila pinansin, tsaka umupo nalang sila sa aking kama kung saan din ako nakaupo nang may biglang inilabas ni GrandMa na isang Brown Envelope

"Apo Zen! May gusto kaming sabihin nang Mommy mo sayo"

Napatingin naman ako sa kanila bago ako sumagot

"Ano po yun GrandMa?"

Mahinhin kung tanong kay Grandma

"Bago kase pumanaw ang iyong Daddy ay napagpasiyahan niya na ipangalan lahat sayo nang kanyang pagmamay-ari, Ang kanyang Kompanya, Mall,University, at ang Airport"

Saad ni GrandMa at napatingin naman ito kay Mommy

"Oo anak lahat yun ay nasa pangalan muna at ang University na nandun sa Pilipinas ay sayo din naka pangalan ang S.V.Z.G. University"

Naka ngiting saad naman yun ni Mommy

Bakas naman sa aking mukha ang lubos na pagtataka hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Madami palang iniwan sa akin ni Daddy, sapagkat hindi ko na sya nasilayan mula pagkabata ko.

Well yun ang sinabi sa akin ni GrandMah, that my Father is Gone

Soft Hearted Girl, Turned Into NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon