CHAPTER 17

82 2 8
                                    

ZAVIER'S POV

Sumasakay na kami sa mga sasakyan namin, nauna na si Ate Zai sa bahay sinundan naman nina Dylan

Nandito na kami ni Shaz sa kotse ko. I don't know why I always felt comfortable with her but my heart always beating weird

Nakaramdam ako nang lungkot nang makita ko siyang matamlay,seeing her sick parang ako yung mas nasasaktan kaya kanina lang na nakita ko na siyang pabagsak, dali dali akong tumakbo para saluhin siya

Walang hanggang pasasalamat sa akin ni Myca kanina, She has this very caring girl and best friend, makikita mo ang lubos na pag-aalala niya

Napatingin ako sa gawi ni Shaz, mahimbing na siyang natutulog, naramdaman ko ring medyo malamig na kaya inihinto ko muna ang kotse ko at siya namang paggising niya

Tinanggal ko ang jacket ko tsaka ko ibinigay sa kanya

"Wear this" saad ko, tinitigan niya pa ako, bago niya kinuha sa kamay ko ang jacket

"Thanks" saad niya tsaka niya ito isinuot

"Just rest, gigisingin nalang kita pag nandun na tayo" saad ko, tumango naman siya

Tinitigan ko muna siya nang ilang segundo tsaka ko ulit pinatakbo ang kotse ko

20 minutes had passed nakarating na din kami, yung mga kaibigan ko nag iimpake na daw sabi ni ate nang tinawagan ako

Kala mo naman dun na sila titira eh ngayong gabi lang naman

"Shaz?" Paggising ko sa kanya

Hinawakan ko ang pisngi niya medyo mainit siya, hanggang ngayon hindi padin mawala ang kaba at pag-aalala ko sa kanya

"Shaz?" Tawag ko ulit sa kanya

Unti-unti na niyang iminulat ang mga mata niya tsaka niya ito kinusot-kusot

Ilininga linga niya ang paningin niya

"Let's go?" Tanong ko

"Yah" agad niyang tugon

Bumaba na ako tsaka ako umikot papunta sa kabilang pinto para pagbuksan siya

"Ay nandito na pala sila sir"rinig kung saad ni Manang Oly

Binuksan ko ang pinto kaya napatingin siya sa akin, abala niyang inaayos ang sling bag niya

"Tara na?" Tanong ko, ako pa ang nagulat sa ginawa niyang paghawak bigla sa kamay ko, parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko

"Tara na" tugon niya sabay baba sa kotse ko

"Good Evening po Sir/Maam" bati sa amin ni Manang Oly

"Hehe, Sir alam niyo po bagay kayo" panunukso niya pa

"Tsss" singhal ni Shaz, tsaka siya unang naglakad, umiling iling naman akong sumunod sa kanya

Pagkapasok namin mga nakakalokong tingin ang bungad nila sa amin

Ano na naman kaya iniisip nang mga ito

"Huy Zav ba't ang tagal niyo, saan kayo pumunta?" Pang uusisa sa akin ni Tristan

Talagang hindi mapigilan ang bibig nang isang to eh

"Wala" saad ko tsaka ako pumunta sa kusina to get water and Medicine, kase ang tamlay niya ngayon, at medyo mainit siya

"Sir ano pong hinahanap niyo?" Tanong sa akin nang isa naming katulong dito

Soft Hearted Girl, Turned Into NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon