CHAPTER 19

61 1 2
                                    

ALLY'S POV

Pagkagising ko, agad kung tinignan si Vien/Shaz, hindi pa siya gumigising

Parang tumamlay ang araw ko, makita ko lang siyang walang malay at nakahiga diyan

Si Shy at Anle, umuwi muna sila sa mansion at papasok sila sa University, hindi naman kami pwedeng magsasabay-sabay na umabsent

Kakaalis lang din ni Ate Zai sinamahan niya kami kagabi dito

Hindi ko alam kung paano ko susuklihan ang kabutihan niya sa amin

Gusto kung malaman kung sino ang may gawa sa kanya ito, ako ang mas nahihirapan sa kanyang sitwasyon

Matagal ko pang pinagmasdan ang mala anghel niyang mukha, hanggang sa may kumatok sa pinto kaya agad akong nagtungo dito upang buksan

"Good Morning" bati sa akin ni Doc

"Good Morning Doc" bati ko pabalik sa kanya

"Hindi pa ba siya nagigising?" Tanong niya

"Hindi pa po Doc eh" usal ko

"Siguro maya-maya gigising na din siya, masyadong malakas ang epekto sa kanya ang Phobia niya" saad pa niya

"Tawagin niyo na lang ako kapag gising na siya" Saad pa niya

"Sige po Doc" saad ko tsaka na siya umalis

Bumalik ako sa sofa tsaka ako ulit humiga!

ELLA'S POV

Gossh Ang Boring

Naglalakad kami ni Anle dito sa Hallway, pinagtitinginan kami nang mga estudyante, ang ilan ay nagbubulong-bulongan pero wala akong oras para pansinin ito

Pagkarating namin sa Room namin agad kung ibinagsak ang katawan ko sa upuan at iyinuko ang ulo ko sa desk ko

Ilang minuto pa kaming naghintay sa prof namin pero walang dumating kaya nagsilabasan na din kami

Parang sumasabay sa amin ang panahon

Boring!

Dumiretso kami ni Anle sa Cafe, punong-puno nang estudyante dito, wala akong balak dinggin ang mga bulongan nila

"Shy" pagtawag nila sa akin

Pagtingin ko sina Zav nandun sila sa isang sulok nakaupo silang apat

Sinenyasan naman kami ni Dylan na pumunta doon kaya pumunta kami agad

"Naka order na kayo?" Tanong ni Anle sa kanila

"Hindi pa" tugon naman ni Dylan

Umupo ako sa tabi ni Joshua, parang wala akong ganang kumain

Pumunta sina Tristan at Dylan sa Counter upang mag-order

"Anong oras kayo pupunta sa Hospital?" Tanong sa amin ni Joshua

"Siguro mamayang 10" sagot ko

Ilang minuto na din, bago dumating sina Dylan at Tristan dala-dala ang mga order namin

"Oh kain na kayo" usal ni Dylan, tinitigan ko lang ang pagkain kung nasa harap ko

Naiisip ko palang ang kalagayan ni Shin/Shaz nawawalan na ako nang ganang kumain

Hindi ko lang tatadyakan ang may gawa sa kanya yun, kapag nalaman ko kung sino

"I am sure girls tayo na ang mananalo bukas" dinig ko

Soft Hearted Girl, Turned Into NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon