Kabanata 8

24 0 0
                                    


Breathe

Hindi malaman ni Alena kung dapat ba niyang itulak si Blue dahil sa tinuran nito. Hindi niya maikakaila na nag-alala siya nang husto sa binata, kaya mabilis niya itong nilapitan at ginising. Sino ba talaga si Carmela sa buhay ni Blue? Iisa lamang ba ang Carmela na sinasabi nito sa babaeng kilala ni Alena? Sa tuwing binabanggit ng lalaki ang pangalang iyon ay hindi mapigilan ni Magdalena na hindi mag-alala.

"Blue"

Lalong humigpit ang pagkakahawak ng binata sa pagkakayakap kay Alena.

"Just five minutes, Carmela."

"Hindi ako si Carmela, Alena ang pangalan ko, Blue."

Hindi sumagot ang lalaki, nanahimik na lamang si Alena at hinayaan na yakapin siya nito. Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang dalawang ale na abala sa paghuhuntahan.

"Sigurado ako na magugustuhan ka ni Alena."

"Sa tingin mo, Meding? kung sabagay, bukod sa maganda ay mukhang mabait din ang batang iyon."

"Ale-"

Hindi na naituloy ni Tita Meding ang sasabihin nang makitang nakayakap ang kanyang pamangkin sa dalaga. Tumikhim ang tiya ni Blue upang makuha ang atensiyon ng dalawa.

Sa pagkabigla ay agad na naglayo si Alena at Blue. Nanlalaki ang mga mata ni Blue na animo'y nahimasmasan.

"L-ook, Alena, I'm so sorry. I didn't mean to-"

"It's okay pero gusto kong ipaalala na hindi Carmela ang pangalan ko."

"I know and I'm sorry. I didn't mean to offend you or something."

Bahagyang napataas ang kilay ni Tita Meding nang marinig ang pagtatalo ng dalawa ngunit hindi niya ito ipinahalata. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Aling Corazon sa dalawa.

"Tama na yan, mga anak. Grabe ang bungad ninyo sa amin ha. Gutom lang yan, kumain na muna tayo." Nahihiyang umiwas nang tingin si Blue sa dalaga. Si Alena naman ay umupo na lamang sa kama.

"Iha, siya nga pala si Corazon. Ang ale na nagdala sa iyo rito sa hospital."

Napatingin ang dalaga sa aleng kasama ni Meding. Kaiba sa tita ni Blue, simple lamang manamit ang ale at sa tantiya ni Alena ay kasing edaran ito ng kanyang ama. Nasa late 50's. May kaliitan at katabaan din ang ale.

"Iha, kumusta na ang pakiramdam mo? Ako si Corazon." Maaliwalas na ngumiti sa dalaga ang ale at inilahad ang kamay kaya naman malugod itong tinanggap ni Magdalena.

"Maayos na po ang pakiramdam ko, ako po si Alena. Salamat po sa pagligtas ninyo sa akin. Kung hindi po dahil sa inyo, tiyak na pinaglalamayan na ako ngayon."

"Alena! huwag ka ngang magsalita nang ganyan," sabat ni Tita Meding.

"Pasensiya na po, tita."

"Huwag mo ng uulitin iyon, iha. Paniguradong magagalit ang iyong ama kapag nalaman niya."

"Bakit po parang sobrang close kayo ng daddy ko?"

"Sinabi ko naman sa iyo na matagal na kaming magkakilala at ibinilin ka niya sa akin. Kapag may nangyaring masama sa iyo, paniguradong malilintikan ako."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Tama na ang mga tanong. Mabuti pa iha, kumain ka na. Ibinilin ni Dr. Pineda na pakainin kita upang mabawi mo ang iyong lakas."

Tango na lamang ang isinagot ng dalaga at itinuon na ang atensiyon sa pagkain.

"Mabuti naman, Alena at maayos na ang kulay ng iyong mukha. Noong dinala kita rito, halos hindi ka na makilala. Ingatan mo ang iyong sarili, iha," biglang banggit ni Aling Corazon habang pinagmamasdan ang dalaga.

The Two Sides of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon