Kabanata 4

39 4 0
                                    

Author's Note:

This chapter is dedicated to my friend. She told me that one of her dreams is to be a character in a particular story. Sana sa pamamagitan ng kabanatang ito ay nagsilbi akong daan upang matupad ang isa sa kanyang mga pangarap.

Feel free to vote and comment :)

Do not hesitate to share your thoughts regarding this chapter. 

Enjoy Reading!

*****

New Friend

Nagmamadaling binaybay ni Alena ang dulong bahagi ng hallway at hindi nagtagal ay nakita na rin niya ang hinahanap. Huminga muna nang malalim ang dalaga bago napagpasyahang pumasok sa loob ng silid. Sinalubong siya ng malamig na hanging nagmumula sa aircon. Inilibot ng dalaga ang kanyang tingin. Maaliwalas at halatang bago pa ang mga arm chairs, mayroong malaking white board sa unahan, malaking TV na maaaring gamitin sa mga presentations, mesa at upuan para sa propesor at kapansin-pansin ang mga mag-aaral na abala sa kanya-kanyang ginagawa na siyang ipinagpasalamat ng dalaga. Napahinga nang maluwag si Alena ng mapagtanto na wala pa ang guro para sa kanyang unang klase. Pinili niyang maupo sa dulong bahagi ng silid.

Nang maupo ay inabala na lamang ni Alena ang sarili sa pakikinig ng music sa kanyang cellphone.

"Excuse me, freshie ka?" Naramdaman ng dalaga na may tumapik sa kanyang kanang braso. Bahagyang natigilan si Alena at napaayos nang upo.

"Sorry, freshie ka?"

Tango lamang ang isinagot ni Alena sa kumausap sa kanya.

"Pasensiya ka na ha kung medyo madaldal ako. Gusto ko lang naman makipagkaibigan." Binigyan siya ng matamis na ngiti ng babaeng kaharap.

"Oka-y lang, medyo na-gulat lang ako sa iyo."

"Anong course mo?"

"Theater Arts, ika-w anong course mo? freshie ka rin?"

"Hala, same course pala tayo and hindi na ako freshie. Actually 5 years na akong nag-aaral dito." Nanlaki ang mga mata ni Alena dahil sa tinuran ng kausap.

"Pangatlong shift ko na kasi ng course eh. Una, engineering, pangalawa econ tapos ngayon nga theater naman."

Napatitig si Alena sa kausap. Maaliwalas ang mukha ng babae. Bilugan ang mga mata, hindi katangusan ang ilong na bumagay naman sa kanya, tama lamang ang kapal ng labi at ang nakakuha sa atensiyon ni Alena ay ang matambok nitong mga pisngi na animo'y kay sarap pisilin. Ang itim na itim nitong buhok na umabot hanggang balikat ay bumagay din sa babae. Simple lamang din ito kung manamit ngunit nakadagdag ang kaputian nito upang lumakas ang kanyang dating. Naputol lamang ang pagtitig ng dalaga sa kaharap nang panggigilan nito ang kanyang kanang pisngi.

"Alam mo ang cute mo. Huwag mo akong masyadong titigan. Straight ako girl ha. Saka totoo lahat ng sinabi ko. Mukha kang nagdududa, wala eh mukha pa rin kasi talaga akong freshie hanggang ngayon." Taas noong sabi nito kay Alena at kumindat pa. Pasimple niyang hinimas ang kanyang kanang pisngi at hiling niya na sana ay hindi ito mamula mamaya.

"Hin-di lang kasi a-ko maka-paniwala eh. Para kasing ang bata mo pang tingnan." Napaiwas siya nang tingin sa kaharap ng makitang lalong lumawak ang ngiti nito, senyales na nagustuhan ang kanyang tinuran.

"Talaga? talaga? ihh, kinilig ako. Ako nga pala si Carell." Napailing si Alena dahil sa mga inaakto ng kaharap, daig pa nito ang bata. Pumalakpak pa ito na animo'y kilig na kilig bago kinuha ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan.

"Alena, Ako si Alena."

"Nice to meet you, Alena. Magkaibigan na tayo mula ngayon ha."

Tumango na lamang si Alena kay Carell bilang tugon. Napukaw ang atensiyon ng dalawa nang mapansing tumahimik ang buong silid. Dumagundong ang isang baritonong boses na naging sanhi rin upang mapaayos sila nang upo ni Carell.

The Two Sides of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon