Kabanata 3

36 2 0
                                    

First Day

Hindi na mabilang ni Alena kung ilang beses na siyang nagpalakad-lakad sa sala habang mahigpit na hawak ang kanyang cellphone. Masarap man ang hapunan sa nagdaang gabi dahil sa lutong kare-kare ni Tita Meding, hindi pa rin siya nagkaroon ng sapat na tulog. Hindi mapakali ang dalaga. Hindi na rin mabilang kung ilang beses na niyang tinitingnan ang oras. Alas nuwebe na ng umaga. Isang oras na lamang ay magsisimula na ang una niyang klase sa unibersidad. Nangangatog ang kanyang mga tuhod, umiikot ang kanyang sikmura, daig pa niya ang nakakita ng isang malamig na bangkay dahil sa pagkaputla. Nagsisimula na ring mabuo sa kanyang isipan ang mga imahe ng mga taong kaakibat ang panghuhusga at pangliliit sa kapwa. Nilalamon siya ng matinding kaba.

Napapitlag ang dalaga sa gulat dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone.

"He-hello?"

"Susmaryosep! Salamat sa Diyos at natawagan din kita, anak. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pantawag. Hindi ka na rin kasi muling nagtext sa amin matapos ang huli kong mensahe sa iyo kahapon. Kumusta ka, anak? Nasa eskwelahan ka na baga?"

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Alena nang marinig ang boses ni Manang Dolores mula sa kabilang linya.

"Ayos la-ng po ako, manang. Wala pa po ako sa school."

"Sigurado ka ba? Bakit ganyan ang boses mo, ang lungkot naman yata."

"Ayos lang po ako, wala po kayong dapat ipag-alala. Sige na po, ibababa ko na ang tawag at baka ho mahuli pa ako sa una kong klase."

"Sige anak, mag-iingat ka ha. Kapag nagkaproblema sabihan mo agad kami at luluwas kami agad diyan ni Senyo. Mahal ka namin ng Tatang mo."

"Mahal ko rin po kayo ni Tatang." Nang matapos ang tawag, huminga siya nang malalim upang pigilan ang mga luhang nagbabadya sa pagpatak. Namimiss na niya ang kanyang tatang at manang. Lumaki siya na mas malapit sa mga katiwala nila sa bahay kaysa sa kanyang mga magulang na laging abala sa trabaho. Mabilis na kinuha ng dalaga ang may kalakihan niyang backpack sa sofa at lumabas na ng bahay patungo sa sakayan ng jeep.

Matapos isara ang gate, nangunot ang noo ni Alena dahil sa nakaparadang sasakyan sa harap ng kanyang apartment. Kulay abong toyota fortuner. Natuon ang pansin ng dalaga sa isang lalaking prenteng nakasandal sa sasakyan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino ito. Nakasuot ang lalaki ng simpleng white t-shirt na hapit sa katawan, sweat pants na kulay itim at black rubber shoes. Nakasuot ang lalaki ng shades kaya hindi makita ng dalaga ang mga mata nito. Tumatama ang sinag ng araw sa mukha ng lalaki kaya malinaw sa paningin ni Alena ang mamula-mula nitong pisngi at labi. Muling napatingin ang dalaga sa ibabang bahagi ng lalaki. Nagtagal ang paningin niya roon.

Napansin ng lalaki kung saan nakatingin si Alena kaya napangisi ito.

"Sinusubukan mo bang makipaglaro sa apoy?"

Nangunot ang noo ng dalaga at napatingin sa lalaki.

"Ha?"

"If you're not, then stop staring baka pagsisihan mo."

"Ano ba-ng sinasa-bi mo? Saka bakit ka ba nan-dito?"

Muling napangisi ang lalaki dahil sa tinuran ni Alena. Hinubad niya ang suot na shades bago lumapit sa dalaga at inilapit ang mukha rito.

"Bakit ka nauutal?"

"B-lue, ano-ng ginaga-wa mo?"

Lalong inilapit ni Blue ang kanyang mukha kay Alena, patuloy namang inilalayo ng dalaga ang kanyang sarili. Ngunit, hinapit siya ni Blue sa baywang gamit ang kaliwang kamay nito kaya lalong naglapit ang kanilang mukha, maging ang kanilang mga katawan. Bumibigat na ang paghinga ni Alena. Iniiiwas niya ang kanyang tingin ngunit maagap ang binata. Gamit ang kanang kamay ay hinawakan siya nito sa baba upang muling magtama ang kanilang mga mata. Tinitigan siyang maigi ni Blue. Nang magtama ang tungki ng kanilang mga ilong, napapikit na ang dalaga na naging sanhi ng pagngiti ni Blue. Sa halip na halikan sa labi, inilapit ng binata ang kanyang labi sa tenga ng dalaga.

The Two Sides of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon