Kabanata 6

25 1 0
                                    

Author's Note:

Nawa ay nasa ligtas na kalagayan ang lahat. Isang maikli ngunit malamang update para sa maulan na gabi. Ang kabanatang ito ay isang patikim para sa mga susunod na bahagi ng kwento.

Please vote, comment and share.

*****

Durian Candy

Kasabay nang mabagal na pag-usad ng ambulansiya, ang unti-unti ring pagbagal nang tibok ng puso ni Alena. Dumoble ang pamumutla nito at walang tigil sa panlalamig ang buong katawan. Maging ang mga aparatong nakakabit sa bibig at kamay ng dalaga ay tila naantala rin ang bisa, dulot ng trapiko. Humigpit ang kapit ng matanda sa kamay ni Alena.

"Nandito lamang ako, iha."

Bulong ng ale na animo'y siguradong naririnig at nauunawaan siya ng walang malay na dalaga.

Nang makarating sa East Avenue Medical Center ay agad na dinaluhan sila ng mga nurses upang mabilis na asikasuhin si Alena. Nakahinga nang maluwag ang matanda dahil mabilis na naiadmit ang dalaga.

--

Nakabibingi ang katahimikan sa loob ng silid. Tanging ang paghahagaran lamang ng mga kamay ng orasan ang maririnig. Sumalubong sa singkit na mga mata ni Alena ang liwanag na nagmumula sa kukurap-kurap na bombilya. Napasapo siya sa kanyang ulo. Muling nagbalik sa kanyang balintataw ang mga nangyari. Tila nahintakutan ang dalaga nang mapagtanto ang lahat. Napasabunot siya sa kanyang buhok at hindi naglaon, tinakpan ang magkabilang tenga.

"Hindi, hindi maaari. Hindi!"

Umalingawngaw ang sigaw ng dalaga sa kabuuan ng silid. Ipinikit nang mariin ang mga mata, ang liwanag ay napalitan ng kadiliman. Naghahanap, tumatakas at nagpupuyos sa galit ang dibdib. Tinatangay ng bangungot ng kahapon. Nagsimulang manigas, na maging ang buong katawan ay hindi na magawang maikilos. Pumatak ang mapanganib na likido sa mga pisngi. Hindi maampat, ni hindi mapigil. Ang paulit-ulit na sigaw ng dalaga ay dumadagundong na tila tumatagos sa kabilang ibayo. Nagsimulang bumiyahe ang tunog, hudyat ng paghingi ng saklolo. Ang pagbigat nang dibdib ni Alena ay bumabalot sa kanyang sistema. Gustuhin mang makaahon ngunit nalugmok sa kalaliman, sa kalaliman ng dilim. Mahigpit na hinawakan ang dibdib at pilit na pinakakalma ang sarili kahit wala pa ring tigil sa pagpatak ang mga traydor na luhang muling nabuhay at nagkamalay. Bago pa man tuluyang makalimot si Alena, mayroong isang lalaking humahangos na pumasok sa loob ng kanyang silid. Bahagyang naumid ang dila ng lalaki at pansamantalang natigilan nang makita ang kabuuan ni Magdalena. Nangilid ang mga luha sa mata ng lalaki at nang makabawi, agad na dinaluhan ang babae.

Hinapit ng lalaki ang babae sa baywang at isinandal ang ulo nito sa kanyang matipunong dibdib. Hinaplos niya ang buhok ni Alena upang pagaanin ang loob nito. Samantala, ang babae ay nagpupumiglas at pilit na kumakawala sa pagkakayakap ng lalaki.

"Bitawa-n mo ako."

"I'm already here, you are safe now."

Humigpit ang yakap ng lalaki sa dalaga dahil hindi niya nais na pakawalan ito hangga't hindi ito kumakalma.

"Please, bitawan mo na ako."

"It's me, it's Blue."

Natigilan naman ang dalaga sa huling tinuran ng binata. Iniangat nito ang mukha at bahagyang inilayo kay Blue upang magtagpo ang kanilang mga mata.

"Blu-e?"

Tumango ang lalaki, bahagyang ngumiti at pinahid ang mga luha sa mga pisngi ng dalaga.

"Stop crying, I'm not going to leave."

"Talaga?"

"Oo, hindi kita pababayaan kaya huwag ka ng umiyak."

Ang huling tinuran ng lalaki ang tuluyang nagpakalma sa dalaga. Ang pighati sa mga mata nito ay napalitan ng pagkamangha at pagkasabik. Hinawakan ni Blue ang magkabilang pisngi ni Alena bago banayad na hinalikan ito sa noo.

"May masakit ba sa iyo?"

Iling lamang ang naging sagot ng babae. Tinitigan nang mabuti ng binata si Alena na animo'y tinatantiya kung nagsasabi ba ito ng totoo. Nang makuntento sa reaksiyon ng dalaga, kinurot niya ito sa pisngi at bahagyang ginulo ang buhok. Pilit namang iniiiwas ni Alena ang kanyang mukha sa huli. Sinamantala naman ng binata ang pagkakataon at mabilis na hinigit ang kaliwang kamay ng babae at mayroong inilagay dito.

Nanlaki ang mga mata ni Alena nang mapagtanto kung ano ang ibinigay ng binata.

"Salamat Blue, paborito ko talaga ang Durian Candy," dulot ng galak, niyakap ng babae ang lalaki na siyang ikinabigla ng huli.

Ginawaran ni Alena nang matamis na ngiti si Blue bago sinimulang lantakan ang isang balot na Durian Candy. Hindi naman maitago ang pagkamangha sa mukha ng binata. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Naantala lamang ang pagtitig ni Blue sa dalaga nang makarinig sila ng tatlong katok mula sa pintuan. Pumasok ang isang lalaking may maaliwalas na awra. Kapansin-pansin ang ngiti nito sa labi. Nakuha rin ng bagong dating ang atensiyon ni Alena.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Miss Asuncion?"

Napansin ni Blue na tila nawalan ng kulay ang mukha ng babae kaya mabilis niyang ginagap ang kaliwang kamay nito upang hawakan nang mahigpit. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng lalaking bagong dating ang ginawa ni Blue kaya lalong lumawak ang ngiti nito.

"Dr. Pine-da?"

Kasabay nang mahigpit na paghawak ni Blue sa kamay ni Alena, ang pagbitaw ng dalaga sa isang balot na Durian Candy, dulot ng matinding kaba na namumuo sa kanyang dibdib.

The Two Sides of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon