1

65 4 0
                                    


"I'm going to the Philippines" sabi ko sabay inom ng wine, I'm here at Lynelle's house ang nagiisa kong kaibigan dito sa New York.

Inirapan nya ako na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko

"You're kidding right?" Sabi ni Lynelle

Umiling ako at tininginan ko sya ng mabuti

"Why? Hindi bat dinala ka nila dito para itago" she said while pouring wine in her glass

"Yes, but I'm not going to my father mahal ko pa ang buhay ko para magpasira sa asawa nya" I said while still looking at her

Tumawa sya ng bahagya at tiningnan din ako

"Kung ganon saan ka naman pupunta Calista?" Pangaasar nya

I smirk and drink my wine again.

"Its none of your business Lyn" sabi ko sa kanya dahil alam kong isusumbong nya lang ako sa tatay ko para hindi tumuloy.

"Alam ba to ni Tito?" She ask

I nod, pero ang totoo ay walang pang nakakaalam maliban sa kanya.

Nagsalubong ang kanyang kilay na para bang hindi naniniwala

"You're lying Calista Anastasia" she said

I just look at her, I get it hindi ako makakapagsinungaling sa kanya.

"I just wanna be free Lynelle" I said to her habang nilalaro ang wine sa cabernet glass

"But your free here" sabi nya

"Malaya ako dahil pinatapon nila ako dito Lynelle at para sa akin hindi ito kalayaan" sagot ko sa kanya habang may nagbabadyang luha sa aking mga mata

Pinagmasdan nya akong mabuti at tumango ng bahagya tila ba ay naiintindihan nya ako.

"How can you go there?" Tanong nya

"Matagal ko na tong plano Lynelle, nag ipon ako para handa ako sa lahat" sabi ko para hindi sya magalala sakin

She sighed.

"How about your house and car?" Dadag na tanong nya

Naplano ko na lahat I trace my mommy's side and contacted my only lola, and luckily gusto niya din akong makasama at kunin kay daddy noon pa pero hindi nya alam kung nasaan ako. Bumili ako ng ticket papuntang Pilipinas, wala ng problema don ang pag alis ko nalang dito ang problema ko.

"I have na" sagot ko at uminom ulit ng wine

"Paano ka naman aalis dito Cal?" She said in a worried tone

I shrug, yun ang hindi ko naplano. Nagiisip syang mabuti habang hinihintay ang sagot ko.

"Bahala-"

"I will help you" putol nya sakin.

Biglang umaliwalas ang aking mukha, kahit na tinapon lang nila ako dito masaya padin ako dahil nakilala ko si Lynelle sya ang kasangga ko sa lahat, sya ang naging pamilya ko dito.

"Pero ayaw kitang madamay at ang pamilya mo Lyn" pagtanggi ko

"Trust me" sabi nya habang hawak ang balikat ko.

I just hug her, and some tears fall down on my cheeks. I will miss this girl.

"I don't want you to go Cal but I know your tired of this shit, lalo na sa mga nangyayari sa buhay mo masyado ka nilang sinsakal If you think that is the solusyon to your problems I will support you, I'm just here if you have a problem there" maiyak iyak nyang sabi

I bit my lower lip to stop my tears.

"I know Lynelle, I am too, just call me okay?" Sabi ko habang kumakawala sa yakap namin.

After the drama and plan we had, umuwi na ako sa tinutuluyan ko dito sa New York.

"Mam Cali tumawag po kanina si Sir hinahanap po kayo sabi ko po ay nakina Mam Lynelle kayo" bungad sakin ng nangagalaga sa bahay ni papa.

Ngumiti ako ng bahagya at tumango

"Tatawagan ko nalang po sya" sagot ko

Ngumiti sya at umakyat na ako sa kwarto Ko. Huminga ako ng malalim at dinail ang numero ng tatay ko.

"Totoo bang gusto mong sumama Kay Lynelle sa Brooklyn Calista?" Kalmadong bungad ni daddy

Ito ang plano namin ni Lynelle sana ay gumana man lang

"Yes dad, Can I come?" Tanong ko sa kanya ng may pag aalinlangan.

Randam ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

"Calista disi otsyo ka na alam kong napalaki ka ng nanay mo ng maayos at natutuwa ako dahil nagmana ka sa kanya ng katapangan at kalakasan ng loob" sinserong tono nya sa linya

Inaamin kong may parte sa puso ko ang galit at pangungulila sa kanya dahil sa naging sunudsunuran lamang siya sa kanyang bagong asawa na nagpabago sa ikot ng buhay ko.

Bumuntong hininga ako at tila nangunguna ang hikbi ko bago makapagsalita

"S-sorry dad" hindi ko na nakayanan at tumulo na ang luha ko

Ilang segundo bago sya nakapagsalita
at muling huminga ng malalim

"Mag iingat ka Calista, patawad anak dahil hindi ko magampanan ng ayos ang pagiging ama ko sayo naiintindihan kong may galit ka sakin pero anak tandaan mo para din ito sayo balang araw ay maiintindihan mo din ako" batid kong umiiyak na sya sa kabilang linya

Umiling ako na para bang nandito lang sya sa harapan ko at nakikita ako. Hindi ko sya maiintindihan kailanman kung bakit ganon nalang ang pagsunod nya sa babaeng iyon gayung siya ay lalaki. Hindi ko sya maiintindihan kung bakit hinayaan nya lang ang babaeng iyon na ipatapon ako dito ng ganon nalang at hindi ko din maisip kung bakit nya iyon nagawa kay mommy pero mahal ko sya, mahal ko ang tatay ko ng buong buo kahit gano kasakit ay nangingibabaw padin ang pagmamahal ko sa kanya.

"Sige dad, magpapahinga na po ako maaga pa kami bukas" yun nalang ang naisagot ko

"Sige anak, I love you" sinserong tono nya

Hindi na ako sumagot at binababa nalang ang tawag.

Hindi pa ako inaantok kaya binuksan ko muna ang tv sa aking kuwarto pero agad ko ding napatay dahil sa aking nakita, Ang dahilan kung bat ako nandito.

"Pati sa showbiz ay plastik din siya" bulong ko sa sarili ko at napairap sa kawalan

Naisip ko tuloy baka tinapon nya ako dito para maisip ng lahat na ang iniidolo nila ay perpekto ang pamilya at masayang masaya.

Nice move ha, kabit lang naman dati witch.

Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako dahil sa pagiisip at hindi na nakapaglinis ng katawan.

Alasingko ng umaga nag impake na ako dalawang bagahe ang dala ko. Ang paalam ni Lynelle kina daddy ay isang buwan pero alam ko sa sarili Kong hindi lang isang buwan ako mawawala. Bahala na.

Mayamaya pa ay dumating na sa Lyn at tinulungan ako sa aking mga gamit

"Mam magiingat po kayo" bilin ni Manang Ester

Ngumiti ako at niyakap ko sya

"Salamat sa pag aalaga sakin dito manang Ester" sinsero kong sabi at kumwala din sa yakap.

"Sa tono mo ay Parang di ka babalik" nagaalala nyang tanong

Ngumiti ako at hindi na umimik sa halip ay hinarap ko nalang si Lynelle na nagiintay.

"Are you ready?" Tanong ni Lynelle

Tumango lang ako at sumunod sa kanya papuntang sasakyan.

Habang papaalis sa lugar na akin nading nakalakihan hindi maalis sa utak ko ang pait at saya na nangyari sakin sa mansyon na iyon.
Unti unti tumulo ang aking mga luha

"Goodbye New York.."

Kathang Isip (Ben And Ben Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon