"Mommy!" Im running towards her
She face on me and gave me her sweetest smile then hug me tightly
"I miss you so much mommy" I said while hugging her
"I miss you too sweetie"she said then hold my chin
" Can I come to you?"I asked
She smile and shook her head
"You're not done yet Anastasia, You have many things to do in your life I just visited you because I miss you baby" she said while holding my chin
Im crying
"But.."
"Anastasia may panahon ang lahat, gusto ko ay maging masaya ka ngayon sa piling ng lola mo dahil hindi ko iyon naparamdam sa kanya mahalin mo sya anak mamahalin ka nya ng lubusan" may sinsesiridad sa kanyang boses
Tumango nalang ako at umiyak mayamaya pa ay unti unting nawawala ang katawan ni mommy at sumasama sa liwanag
"Mommy!" sigaw ko
"Calista!"lumipat si mamita sakin at pinapakalma ako
I looked at her siguro'y kanina pa sya dito sa kuwarto ko
"Nakasama mo ba ang mommy mo sa panaginip mo apo?"tanong nya sakin habang pinupunasan ang luha sa pisnge ko
Tumango ako at tumingin sa kawalan
"Kung ganon bat ka umiiyak?" Tanong nya ulit
Tuningnan ko sya
"Gusto kong sumama sa kanya mamita, pero hindi ko pa daw panahon gusto pa nya na makasama kita ng matagal" sagot ko
Tila ay nagulat sya saking sinabi
"Mamita why didn't I saw you when mommy's got buried" I asked her
She looked away
"Tayo muna mag umagahan apo bago ko iyan sabihin sa iyo dahil may pupuntahan pa tayo" sabi nya sakin
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya pero hindi na muna ako nagtanong dahil may isa pa akong tanong kanina.
Tumango ako at inayos na ang sarili.Sumunod na ako sa kanya and as expected kami lang ni mamita ang magkasama
Tahimik lang kaming nag uumagahan hanggang sa mag salita na si mamita.
"Noong magkasintahan palang ang iyong mga magulang ay tutol na ako sa kanilang dalawa" pagsisimula nya
Nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig
"Kilala ko ang pamilya ng tatay mo apo, Isa sila sa pinakakilalang pamilya sa larangan ng negosyo, sobrang yaman ng tatay mo Cali kaya nagagawa nya lahat ng gusto nya noong binata pa lamang sya"pagku kwento nya
"Nakilala nya si Laura sa isang pagtitipon, mabilis bumigay sa pag ibig ang iyong ina Cali kaya hindi ko namalayan na naging sila na pala ni Lenardo gayung ilang linggo nya palang iyon nakilala" sabi ni mamita habang umiiling
marupok pala ang nanay ko.
"Hanggang sa nalaman ko ang relasyon nilang dalawa dahil nadatnan kong umiiyak ang nanay mo sa kanyang kuwarto napag alaman kong niloloko siya ng iyong ama pero dahil marupok ang iyong ina isang hingi lang ng patawad ni Lenardo ay ayos na ulit" sabi ni lola at umiling ulit.
"Pero tumutol na ako sa kanilang relasyon dahil naniniwala ako na ang manloloko ay manloloko, Ngunit hindi nakinig ang iyong ina,naglayas sya dito dahil sa kahigpitan ko sa kanya pagdating sa iyong ama sinubukan ko syang hanapin pero talagang magaling magtago si Lenardo at ang kanyang pamilya sinubukan ko din silang kasuhan dahil sa ginawa nila pero tumawag si Laura sakin at sinabing tigilan ko na sya at kailanman ay hindi na sya babalik kaya simula noon ay hindi ko na nakita ang anak ko" may lungkot sa kanyang mga mata
Hinawakan ko ang kanyang kamay, randam ko ang kanyang pangungulila kay mommy.
"Hindi ko alam na nabuntis si Laura noon, Hindi ko alam na namatay na ang anak ko noon" pinipigilan nyang umiyak
"Noong mga panahong bumagsak ulit itong hotel na ito dahil sa paghahanap ko sa aking anak, wala akong paki alam noon kung maubos ang pera ko mahanap ko lamang sya"sabi nya habang may kumawala ng luha sa kanyang mga mata
Naiiyak na din ako dahil grabe ang sinapit ni mamita.
"Mag isa nalang ako noon apo, Maagang nawala ang lolo mo, Kaya naman nagpapasalamat ako kay Fernando dahil nanjan lang sya parati para tulungan ako" pinunasan nya ang luha nya at inayos ang sarili
"Kaya noong nagpursugi ako ulit na bumangon ay hindi ako nabigo Nabawi ko ang lahat dito sa hotel, At hinanap ko ulit ang iyong Nanay pero doon ako nabigo, namatay na ang iyong ina at inalayo ka naman ng iyong ama napagalaman ko ding nag asawa kaagad si Lenardo" sabi ni mamita sa dismayadong tono
Knowing the past is so heartbreaking, andaming napagdaanan ni mamita but she's still here, fearless and elegant I admire her for being strong in every battle she conquered.
Tumayo ako at niyakap ko sya mula sa likod.
"Mamita I love you" I said sincerely
She chuckled
"I love you apo, Masaya ako na nandito ka na sa tabi ko para bago man lang ako mawala ay nakita at nakasama man lang kita"sabi nya habang hawak ang kamay ko
"Don't leave me mamita,I hate that" sabi ko naman sa kanya
She chuckled again
"I will not leave, I will guide you apo" sabi nya habang kumakawala na ako sa pagkakayakap
I just smile to her and finished our food.
"Nga pala mamita where are we going?" Takang tanong ko
She sip some coffee before she speak
"To your new school, Siargao De kolehiyo" masaya nyang sabi
Weird name of school huh.
"You will take an exam, then if makapasa ka doon ka na papasok this school year" dagdag nya
I nod and then smile
"Then I'll change my outfit na mamita" tumayo na ako at hinalikan ko sya sa pisnge
"Okay apo, I'll wait for you" sabi nya habang nagbabasa na ng newspaper
I take a shower, Then after that I wear a Highwaist black skirt plus plane white shirt on top and a pair of strappy shoes, Nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok.
Lumabas na ako sa kuwarto ko at pumunta sa direksyon ni mamita, she smiled at me when she saw me.
"You look so elegant apo" masaya nyang sabi
I smile at mamita
"I guess I'm just ready to my new life mamita" I said
"That's good know ija" She smile too
I hope so.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip (Ben And Ben Series #1)
FanficA life full of hopes and disappointment that also known as REALITY.