"Mom.." Bulong ko habang hinahawakan ang puntod ni mommy
Maaga kaming nagpunta sa sementeryo kung saan nakaburol si mommy, malamig ang simoy ng hangin para bang niyayakap ako nito at pinapakalma.
"Anak pasensya ka na at ngayon lang ulit kami nakadalaw sayo, miss na miss ka na namin ni Cali" sabi ni mamita na para bang maiiyak na
"Kung sana lang ay mas maaga ko kayong nahanap" dagdag pa nya at tuluyan ng kumawala ang kanyang mga luha
Inalo ko ang likod ni mamita
"Mamita I'm sure mommy is happy right now, she loves you so much" I said while hugging her
Mamita looked at me
"Apo pinagamot ba sya ni Lenardo?" Tanong ni mamita
I sighed and nod
"Yes mamita, pero hindi na daw nya kinaya" I said while remembering the last word of my mommy to me.
It's so heart breaking seeing her in pain while I can't do anything to save her.
"Napakasakit apo na hindi man lang kami nagkaayos noong nabubuhay pa sya" malungkot na sabi ni mamita
"Sigurado ako na humihingi na ng tawad si mommy mamita" sabi ko sa kanya
"Matagal ko na syang pinatawad apo, ako dapat ang humingi ng tawad sa kanya" sabi ni mamita habang hinahaplos ang puntod ni mommy
"Sigurado din akong matagal ka ng napatawad ni mommy mamita, mahal na mahal ka din nya" paninigurado ko sa kanya
Tiningnan nya ako at binigyan ng matamis na ngiti
"Siguro apo kaya tayo nagkasama ngayon dahil ito din ang gusto nya" sabi nya at hinawakan ang mukha ko
Tumango ako at ngumiti sa kanya
"Alam mo ba ang laging kong sinasabi sa mommy mo tuwing nalulungkot sya at kala nya ay mag isa lang sya?"tanong nya
Napakunot ang noo ko
"When everything seems to be going against you remember that trees loses their leaves every year and they still stand tall and wait for better days to come"mamita said
"Gusto kong tandaan mo di yan palagi apo" dagdag nya pa habang hinahawakan ang dalawa kong kamay
I smile and nod.
"Kuha ko lang sa google apo" pagbibiro ni mamita
Kaya pareho kaming napatawa
Ilang oras kaming namalagi doon, hanggang sa napagdesisyunan na namin ni mamitang umuwi.
Alastres na ng hapon ng makabalik kami sa Siargao,di-diretso na sana ako sa aking kuwarto para sana matulog pero laking gulat ko ng makita ko si Calix aba naka uwi nadin pala sya, nasa may seaside sya at matalim na nakatingin sa akin kaya naman lumapit ako.
"Why are you looking like that?" Taka kong tanong at umupo sa upuan na nasa harap nya
Nakatingin padin sya sakin ng ganoon,aalis na sana ako dahil baka badtrip sya at sakin pa ibunton ang galit nya.
"Bat hindi mo sinabi saking nasa Manila ka pala" malamig nyang sabi
Napatigil ako sa pag tayo at napatingin sa kanya.
Seriously?
"Why would I do that?" Taka kong tanong
"Because we're friends?" Sarcastic nyang sagot
I smirk
"And so?hindi ko kailangan sabihin sayo palagi kung saan ako pupunta Faustus" mataray kong sagot
BINABASA MO ANG
Kathang Isip (Ben And Ben Series #1)
FanfictionA life full of hopes and disappointment that also known as REALITY.