7

15 3 0
                                    

Matapos makapaghapunan ay nag punta akong muli sa tabi ng dagat para makapag isip, Naupo ako sa may buhanginan at ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang sariwang hangin.

"Sebastian! Ali na!" napabukas ang aking mga mata sa lakas ng tawag ng isang babae mula sa seaside restaurant.

"Huyat anay!"sigaw pabalik nung lalaki habang tumatayo sa pagkaka upo sa buhanginan na ilang metro ang layo mula sa kinauupuan ko.

Agad napakunot ang aking noo, Ngayon ko lang narinig ang ganong lenggwahe. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaki habang palakad sa gawi ko hanggang sa napatingin na din siya sa akin at ngumiti, kaya nag iwas na ako ng tingin at hindi sya nginitian pabalik.

Nang mawala ang presensya nya sa aking likod ay pipikit sana akong ulit ngunit may naramdaman akong tumabi sa akin kaya napalingon ako.

" Why are you looking at him?" takang tanong nya

He's pertaining to the guy earlier.
kumunot ang noo ko.

"ano naman ngayon?"takang tanong ko din.

"I thought your curious about what he said"sagot nya habang nakatingin sa dagat

Ahh, okii

"Well yes, what kind of language is that?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya

"Surigaonon" maikli nyang sabi at tumingin na sakin

Tumango lang ako at ako naman ang bumaling sa dagat.

"Pasaylo-a" sabi nya

Tumingin ako sa kanya ng pagtataka.

"Anong ibig sabihin?"tanong ko

"I'm sorry in english"sabi nya

Napa iwas ako ng tingin

" I'm sorry sa mga nasabi ko sayo nung isang araw naunahan lang ako ng inis" sinserong sabi nya

Tumango lang ako.

"Paano ka natuto ng ganyang lenggwahe?" Pag iiba ko ng topic

Bumuntong hininga sya

"Tinuruan ako ni lolo, ikaw? how did you learn tagalog diba ay sa ibang bansa ka lumaki?"tanong nya

I smile sadly

" Tumira ako dito sa Pilipinas ng labinlimang taon kasama si mommy, noong mga panahong ayos pa ang buhay ko doon sa Manila"I said while playing sand on my feet.

Hindi sya nagsalita kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit?"tanong ko ng makitang nakatingin lang sya sakin

Umiling sya.

"Alam mo ba kaya ako nainis sayo noong araw na iyon dahil naalala ko ang nanay ko, Iniwan nya kami ni tatay at pumunta syang ibang bansa para sa isang lalaki" sagot nya

Napa awang ang bibig ko

"Nagpakamatay si tatay dahil sa pagmamahal nya saking ina" sabi nya habang nakatingin sa malayo

wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha pero alam kong nasasaktan sya.

"Kaya noong nalaman ko nahanap ka na ni tita solana at uuwi ka na dito galing ibang bansa ay nainis ako dahil akala ko noon ay umalis ka nalang bigla pagkatapos mawala ng mommy mo" sabi nya at bumaling sakin

"In short, you judge me" pang aasar ko para naman mabawasan ang lungkot na nararamdaman namin

Bahagya syang tumawa

"Nagalit ako sa inasta mo Calix pero knowing your side, nawala ang galit ko" sinsero kong sabi habang tinitingnan sya

He stared at me, ang kanyang mga matang kulay kayumanggi ay kumikininang dahil ng buwan.

"Do you miss your mom?" He asked

"Kasi ako walang araw na hindi ko namimiss ang tatay ko"dagdag nya

Napatitig ako sa kawalan

" Noong nawala si mommy nag bago ang lahat sakin Calix, simula noong nagkaroon ng bagong asawa si daddy, tama ka nagrebelde ako pero doon sa New York kung saan ako tinapon ng bagong asawa nya, Doon ako natutong uminom ng alak sa murang edad, makipaglandian ng maaga pero isa lang ang hindi ko pinabayaan, ang aking pag aaral dahil yun ang bilin sakin ni mommy bago sya namatay" pagkukwento ko sa kanya

"Nagcucutting ako pero humahabol naman ako sa klase" pagbibiro ko

"Siguro kung nandito sya ay hindi mangyayari ang lahat ng iyon, Kaya miss na miss ko na sya Calix"sagot ko sa at bumaling na sa kanya

Hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mata ko. Matagal tagal narin ng mag labas ako ng saloobin ko tungkol dito. Si Lynelle ang huli kong naiyakan dahil nito.

" Bakit mo napagdesisyunan na pumunta dito?"tanong nya

Pinunasan ko ang aking luha para hindi na nya makita.

"I want to find myself, I want to be free, I want to be happy" sagot ko

"And I think dito ko yun madadama" dagdag ko pa

Ngumiti sya sakin na para bang sinasabi nyang tama ang desisyon ko kaya napangiti ako pabalik.

Hindi na namin na namalayan na lumalalim na ang gabi sa aming pag uusap.Nagyaya na akong umuwi ng maramdaman ko ang antok ko.

Hinatid nya ako hanggang pinto ng aking kuwarto ko.

"Goodnight Cali, see you again maybe after three days, hindi muna kami makakapunta dito may aasikasuhin si lolo sa Maynila" sagot nya sakin

Bigla akong nalungkot dahil wala pa akong ka close dito kundi sya pa lamang.

Pinisil nya nga bahagya ang pisnge ko na agad ko namang ikinagulat

"Don't be sad, explore here,madaming mababait na tao dito Cali"sabi nya habang bumibitaw sa pagkakapisil

Namula ako kaya umiwas ako ng tingin.

"Sige mag-iingat kayo ni Tito"sabi ko habang hindi nakatingin

Napatigil sya ng bahagya kaya tumingin na ako sa kanya

" Pwede naman tayong maging mag kaibigan Anastasia diba?" Tanong nya

Napakunot ako ng noo pero tumango din ako.

"Bakit?" Tanong nya

"Bakit mo ba ako tinatawag sa ganyang pangalan ngayon?"tanong ko naman

He chuckled a bit

"bukod sa malapit ang Cali sa Calix, mas bagay sayong tawagin kang Anastasia" sagot nya habang nakangiti

Tinarayan ko sya

"Ayoko nga" mataray kong sabi

"Wala ka ng magagawa Anastasia, ako lang ang tatawag sayo ng ganyan"pagbibiro nya

"Ikaw ba ano second name mo?para fair, yun din itatawag ko" sabi ko

"Second name ko ang Calix" natatawa nyang sabi

"Eh anong first name mo?" Taka kong tanong

Umiling sya at tumawa

Inirapan ko ulit sya at bahagyang sinuntok sa biceps nya

Tigas ha!

"umalis ka na nga! Baka maiwan ka pa ni tito"sabi ko

"Goodnight Anastasia" sabi nya

"Goodnight Calix" isasara ko na ang pinto ng may bigla syang sinabi

"Ka gwapa nimo" may sinsero sa kanyang boses

Hindi ko iyon naintindihan kaya sinara ko nalang ang pinto.

Ano daw? Kailangan ko na atang mag aral ng ganoong lengguwahe.

Kathang Isip (Ben And Ben Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon