Chapter 25

62 1 1
                                    



Madison's POV

Agad kong pinigilan si Steve ng balak nya pa ulit itong suntukin.

"Hey Steve!! Stop!!!!" Balak ko pa sanang bumaba sa pagkakabuhat sakin ni Kuya pero hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa akin.

"I have to go" Hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin at dire-diretsong sumakay muli sa sasakyan.

I was about to call him pero pinigilan ko ang sarili ko, kahit papano ay gusto ko pa ring magpasalamat dito.

"Let's go" Hindi na ako nakapalag ng maglakad na muli si Kuya papasok ng bahay. Nakasunod lang sa amin sila Dakari.

"What happened Madi???? Sobrang pinag-alala mo kami!!" Urggg Sofia, don't give that look.

"I'm fine" Saad ko dito

"You're not" Seryoso ang boses ni Kuya habang diretso lang ang tingin sa daan.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya, paniguradong hindi ito maganda.

Wala na ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa kwarto ko, nakasunod pa rin ang mga ito hanggang sa maibaba ako ni Kuya sa kama.

"Why are you waiting for? Kaya ko na ang sarili ko maaari na kayong lumabas" taboy ko sa tatlo, ngunit hindi manlang ito mga natinag.

"Hindi sila pwedeng umalis, may pag-uusapan tayo" Umayos ako ng pagkakahiga bago tumingin kay Kuya.

"What is it?" mukhang seryoso ang pag-uusapan namin ngayon, ramdam ko ang malamig na aura ni Kuya.

"Hindi ka na babalik sa school na yon" bakit parang tila nabingi yata ako sa sinabi ni Kuya.

"W-what?" Pag ulit ko dito, baka namali kang ako ng pagkakarinig.

"Hindi na muli kita papabalikin sa school na yon, masyado ng maraming nangyayari sayo" Naiintindihan ko ang pag-aalala sa akin ni Kuya, pero ngayon pa lang ako nagsisimula. Lalo na at marami pa akong gustong malaman tungkol kay Miles at sa Finley Armada.

"No!! Hindi ako papayag" Reklamo ko dito, hindi ako makakapayag.

"Madi kilala ka na nila, mahirap na. Gusto lang kitang protektahan, pasalamat pa rin ayo at hindi nila alam na ikaw ang Rank 1" I don't care, hindi ako papayag na paalisin nya ako.

"I'm not a kid anymore Kuya!! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaya ko ang sarili ko??? Nagkataon lang na nakababgga ko ang Finley Armada" Hindi ko na napigilang hindi sigawan si Kuya, hindi ako bata para protektahan nya.

"He's right Baby girl, mas makakabuti sayo kung hindi ka na babalik sa school natin" Sang-ayon ni Dakari habang nakatitig sa akin.

"Yeahh I agree" Pag sang-ayon ng dalawa na sinamahan pa ng pag tango.

"No!!n hindi ako papayag!! Nagsisimula pa lang ako. Madami pa akong dapat gawin" This time hindi ko na sila maintindihan, bakit pakiramdam ko pinaparamdam nila sa akin na hindi ko kaya ang sarili ko.

"Hindi ko na muling uulitin ang sasabihin ko Madi, I won't allow you to enter in that school again" Hindi umimik ang tatlo at iniwasan lang ang tingin ko.

"Kahit anong sabihin nyo hindi pa rin ako papayag, that's my final decision"

"Madi!!" Masamang tumingin sa akin si Kuya ng suwayin ko ang gusto nyang mangyari.

HE'S THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon