Chapter 26

61 4 4
                                    



Madison's POV

Nakatulala pa rin ako habang nakatingin dito.

Anong ginagawa nya dito sa bahay????

"Sorry I'm late" Napalingon naman ako sa likod ng marinig ang pamilyar na boses.

She smile at me bago dumiretso sa hapagkainan, at hindi lang ito nag-iisa. Masamang tumingin sa akin si Carter bago sumunod kay Aviana.

"Aviana!!!!" Nagmamadaling pumunta si Dakari sa bagong dating na ang pagkakaalam ko ay kapatid ni Miles.

"What are you doing here???" Seryoso kong sabi para makuha ang atensyon nila.

Imbis na sagutin ako ay nagkanya-kanyang pwesto ang nga ito.

What the heck??

"Ate let's eat!!" Wala akong nagawa ng hatakin ako ni Psalm.

Boses lang ni Aviana ang mararanig hanggang sa matapos kumain ang lahat, patuloy pa rin sya sa pagkukwento ng mga nangyari da kanya sa Spain.

"I'm full" tatayo na sana ako ng pigilan ako ng lalaking kaharap ko.

"Stay Willer" Hindi ko ito pinakingga at nagtuloy sa pagtayo para bumalik sa kwarto ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng humarang sya sa dadaanan ko.

"What?" Sinubukan ko itong lagpasan ng higitin ako nito sa braso.

"What do you want!!?"

"We need to talk" Mas maluwag ang pagkakahawak nya ngayon sa braso ko compare nung mga nagdaang araw.

"Wala tayong dapat pag-usapan" Tumigil ito ng makarating kami sa labas.

"You're not going to attend to our class tomorrow"

"Don't tell me sinunod mo ang utos ni Kuya??" No!! Hindi ako pwedeng umalis.

"Yeah, inaayos ko na rin ang paglipat mo" Bigla namang nagpintig ang tenga ko sa sinabi nya.

"Shut the fuck up!!! Alam kong hindi iyan ang sasabihin mo sa akin" Bigla namang nagbago ang expression nito, I felt his dark aura all over my body.

"Kung gusto mo pang mabuhay ay sumunod ka na lang" Bahagya naman akong napaatras ng humakbang ito papalapit sa akin.

"Don't come near me" Pigil ko dito, pero hindi ako nito pinansin at mas lumapit pa sa akin.

"Death is haunting you, bakit ayaw mo na lang sumunod sa sinabi ni Elijah. Hindi na muli kita ililigtas, wala na akong pakialam kung mamatay ka pa"

"I don't care, hawak ko ang buhay ko kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Hindi mo kailangang sabihin ang dapat kong gawin"

"Let's see Willer, masyado kang matapang"

"I am" Ngumisi lang ito na parang demonyo.

"You're too weak Willer" Nilagpasan na ako nito bago sabihin ang mga salitang yon.

Let's see President, inuubos mo ang pasensya ko.

Naglakad na muli ako pabalik sa loob ng makita ko ang mga ito sa sala. Seryosong nag-uusap ang mga ito.

Tumigil sila ng makita ako, hindi ko na pinansin ang mga ito at nagdiretso na sa kwarto ko.

Naabutan ko namang nasa kama si Psalm at tila iniintay yata ako.

"My baby" Nagdiretso naman ako dito at maingay na niyakap si Psalm.

"Are you okay Ate?" Tila nawala yata lahat ng pagod at sakit ng katawan ko ng maglambing ang baby ko.

HE'S THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon