"Bata pa lang daw ako, may pagkasaltik na agad," sabi ni Lola, sabay lingon sa akin na parang gusto akong batukan.
Mabilis daw akong makalimot. Ulyanin, kumbaga. Laking probinsya kaya siguro gan'to kaligalig. Ewan ko ba, pero parang gusto ko lang naman na lahat ng tao nakangiti. Yung tipong walang umiiyak dahil iniwan ng mahal nila. Lahat busog. Lahat nakakakain.
Pero sa totoo lang, masarap ding tumakbo kapag nag-aasaran ang mga tao. Paborito kong tumawa habang sinasaway ni Lola Inkang na "para sa’yo yan, para handa ka nang mag-asawa!"
Paglalabahin ka sa tirik na araw, alas tres ng madaling araw ka gigisingin para magluto.
"Sayang ang init ng araw kung di maglalaba. Atsaka, para sa’yo yan, para handa ka nang mag-asawa!" linya niya palagi. Napabuntong hininga na lang ako. Baka nga pinalaki lang ako ni Lola para ibenta sa matandang Amerikano, kakabanggit niya ng asawa-asawa na ‘yan.
***Flashback***
Nag-flashback ako bigla, naalala ko 'yung unang beses na pinaglaba ako ni Lola.
"Mali ‘yan, Ibyeng! Parang hinahaplos mo lang ‘yung damit, hindi nilalaba!" sigaw ni Lola habang tinuturo ako mula sa bintana ng bahay. Nakasuot siya ng batik na daster na parang lumang kurtina. "Mas bilisan mo, ang bagal mo! Para kang batang pinaglihi sa pagong!"
“Eh bakit ikaw hindi naman naglalaba, Lola?” tanong ko, pilit na pangingiti.
“Ang dila mo talaga, daig pa ang bulaklak ng sampalok! Bilis, dali!” sabay palo sa aking puwitan ng kahoy na kutsara. “Para sa’yo yan, para handa ka nang mag-asawa!”
At dahil maliit pa ako nun, wala akong nagawa kundi magpatuloy sa paglalaba kahit alam kong hindi ako aasawa—kailanman! Pero masarap isipin ‘di ba?
***End of Flashback***
Pero ngayon... tahimik. Sobrang tahimik ng bahay. Halos malaglag na mga tutule ko sa sobrang tahimik. Wala nang boses ni Lola na araw-araw nagbubunganga. Wala na ‘yung tunog ng kahoy na kutsara na kumakalampag sa mesa para gisingin ako.
Napatingin ako sa lumang kubo na kinalakihan ko. Parang kailan lang, pinagsasabihan ako ni Lola na matuto sa mga gawaing bahay. Hindi dahil sa mag-aasawa na ako ha, wag kang chismisera. Pero hinanda niya ako para mabuhay ng mag-isa, na wala siya.
Hinahaplos ko ang picture frame na hawak-hawak ko, ang itim na damit ko nakababad sa ulan habang unti-unti na akong naiiyak.
"Hoo hoo hooo, bakit naman ngayon pa ako naiyak naulan na nga eh! Hoo hoo hooo!" Sinasabi ko sa sarili ko habang parang baliw na umiiyak sa gitna ng ulan. “Inang, bakit ngayon ka pa nawala? Akala ko ba hihintayin mo akong ikasal?”
Naaninag ko ang isang lalaking papalapit. Matangkad, matipuno, at may dalang payong. Ah, si Jorlandi, b3b3 q#0.
"Ibyeng, lagot ka kay Lola mo. Bakit mo daw dinala ang litrato niya sa labas habang naulan? Pinapasundo ka niya sakin. Sumukob ka," sabi niya habang iniaabot ang payong sa akin.
"Hay nako, ang gwapo niya talaga lalo na kapag sa malapitan," isip ko habang amoy na amoy ko na ang pabango niyang pang-sosyal.
“Ang bait mo talaga, Jorlandi. Ikaw lang naman talaga ang pwede kong asahan—”
Bigla kong narinig ang mga tsismosang nagtatago sa gilid ng kalsada.
"Uy, ayan na naman si Ibyeng, ano na naman kaya ang sumanib na demonyo diyan?" bulong ni Marites kay Linda.
"Ilayo natin ang mga anak natin baka mahawa sa kabaliwan niyan," sagot naman ni Oryang, yung nagtitinda ng uling at kamukha ni Shrek.
Napangiti na lang ako ng pang-maldita habang kumapit sa braso ni Jorlandi.
Pag-uwi namin sa bahay, nakita ko na naman ang mga tsismosa na nagkumpulan sa harap ng tindahan.
“Tignan mo si Ibyeng, Mare, hindi na talaga maayos yan. Siguro may sumpa siya,” sabi ni Aling Marites habang kunyaring bumibili ng mantika.
"Oo nga, ano? Dapat siguro lagyan natin ng bawang ang mga pintuan natin. Baka bigla na lang manggulo 'yan sa gabi!"
"Sa totoo lang, bakit pa kasi tinatanggap ni Ka Inkang ang mga kalokohan ng batang 'yan? Dapat pinapalayas na eh!" dagdag ni Oryang, sabay tindig na parang reyna.
Di ko na lang sila pinansin at pumasok na ako sa loob ng bahay. Pero eto na si Lola Inkang, buhay na buhay na naman.
"IBYENG! Ano na namang kagagahan ang naisipan mong umiyak-iyak sa gitna ng ulan? At aba, ang lupit mo ha, sinama mo pa ‘yung litrato ko!" Nandito na si Lola, sabay palo sa likod ng ulo ko.
“Yamete, yamete kudasai,” bulong ko, pilit na iniwasan ang susunod niyang palo.
"Kung ano na namang kalokohan ‘yan! Ikaw talaga, napakalukaret mo!" sigaw ni Lola, sabay sabunot sa akin.
“Lola! Sorry na ho! Hoo hoo hoo! Di naman ako nagluluksa! Hoo hoo hooo!”
Sa kabilang dako, nakikinig pa rin ang mga tsismosa, hindi ako tinatantanan.
“Tingnan niyo, mga mare. Si Ibyeng, nakangiti pa habang sinasabunutan ng Lola niya,” sabi ni Marites.
“Oo nga, nakakatakot na talaga ‘yang si Ibyeng. Dapat ‘yan, ilayo na sa barangay natin. Hindi ko alam kung anong klaseng espiritu ang sumanib diyan,” dagdag ni Oryang, habang ang mga alagad ni Shrek ay nag-umpisa nang magkalat ng kwentong aswang tungkol sa akin.
Lumabas ako saglit ng bahay at inirapan sila.
"Hi, mga showbiz newscaster! Tutal marami na naman kayong na-feature na storylines sa buhay ko sa public podcast niyo, siguro naman deserve niyo ng isang group hug 'di ba?", saad ko at bigla ko na lang silang niyakap bago pa sila magreact.
"HAHAHAHA, babush!" Sabay pahid ng sipon sa damit ni linda, at kumaripas na ako ng takbo pauwi.
----Nagtatampo ako pero pumasok na rin ako sa bahay. Sinalubong ako ni Lola Inkang na nakapamewang, at may hawak na mangkok ng mainit na lugaw.
"Ibyeng, magpalit ka na ng damit! Baka magkasakit ka niyan," utos ni Lola.
"Ayoko nga, Lola! Hoo hoo hoo, gusto ko pa umiyak. Baka sakaling magpa-masahe ka sakin!" pang-aasar ko habang dahan-dahang tinatanggal ang tsinelas at umupo sa bangko.
"Kung gusto mong magpaluha, ako ang bahala!" tugon ni Lola na may matalim na tingin.
Napangiti ako ng maloko, pero di ko pa rin sinunod. Tumayo pa ako at nag-pose na parang artista, "Lola, hoo hoo hoo, baka naman may award ako sa pagluha!" biro ko habang pilit na humihikbi.
Hindi pa ako tapos magsalita nang biglang lumipad ang hawak niyang mangkok ng lugaw, slow motion, parang nasa pelikula.
“Loooolllaaaaaa yuuuunngggg mannggkookkk, bakiiitt naliippaaaddd?” sigaw ko habang nakikita ko na ang mangkok, diretsong papunta sa mukha ko.
At ayun na nga, tuluyang bumagsak ang mainit-init na lugaw sa mukha ko.
“HOY! HOOOOOO HOOOOOO HOOOOOO!” sigaw ko na halatang napaso. "Bwiset ka talaga, Marites!" pahabol ko, sa inis at hindi ko alam kung bakit nasabi ko ‘yun.
Si Lola naman, kalmado pa rin. "Ayan! Palit ka na ng damit ngayon, di ba?" sabay lingon sa akin na parang wala lang nangyari.
---
BINABASA MO ANG
Dancing on Starlight [ON-GOING]
عاطفية'May kwento daw 'yang si Ibyeng?' panimula ng tsismosang si Linda. 'Nako,nako, kwento-kwento nga ngayon na gumanda na daw ang buhay ng tililing?' segunda ng maganit ang buhok nasi Oryang 'Bakit kaya iyan nakawala sa kahirapan, ano?' takang tanong ng...