CHAPTER 5

14 0 0
                                    


Natapos ang klase namin sa Accountancy halos dalawang oras ang tinagal kaya laking tuwa namin ng matapos.

"Tara milktea? Nagugutom ako," aya ni Asther. Lahat naman kami ay pumayag, may isa't kalahating oras pa naman kaming vacant kaya pwede pang kumain.

Lumabas kami ng room. Ang iba naming mga kaklase ay pinili nalang matulog, yung iba naman gumagawa ng kanilang research at yung iba kumain din.

"Tapos niyo na part niyo sa research?" Tanong ko.

"Ipapasa ko nalang sa leader namin para kapag may babaguhin mabago na hanggat maaga," sagot ni Lili.

Saaming lahat si Lili ang mas focus sa pag-aaral. Honor student ika nga kaya matataas ang expectation sakanya. I hate expectations.

"Matatapos na yung sa'kin," sagot naman ni Asther.

"Same," sabay kaming sumagot ni Marie. Si Shai ay wala dahil sa rehearsal niya sa pageant. Siya kasi ang representative ng section namin kaya excuse siya for a week pero kahit gano'n ay hindi namin siya nakakalimutan i-updated sa mga lessons.

Agad kaming pumasok sa isang Milktea shop na malapit sa campus. Medyo marami ang tao dahil sikat 'tong puntahan ng mga taga Rowan University dahil malapit lang at masarap ang mga pagkain.

"Dito po kayo ma'am" ani ng babaeng halos kasing edad lang namin, siguro ay part timer. Tinuro saamin ang pwesto. Gusto namin kainan 'to dahil sa ambiance at serving ng pagkain nila. Double deck ang mga pwesto pwede sa baba at pwede sa taas. Naka upo lang kayo sa lapag na may maliit na table sa gitna at parang nag p-picnic.

"Anong sayo?" Tanong ni Asther nang maka upo sa soft pillow at kinuha ang menu sa may maliit na lamesa sa gitna namin.

"Fries tsaka uhm... milktea yung salted cream cheese and nutella," ani ko at inilapag ang pera sa lamesa.

Si Asther at Marie ang nag order dahil self service rito. Kami naman ni Lili ang naiwan.

"Hinatid ka ng Papa mo kanina?" Tanong niya. Tumango ako. Pinaningkitan niya ako ng mata at parang hindi naniniwala.

"Bakit sabi ni Madi, nakita niya raw kayo ni Andrei sabay na pumasok?"

Nanlaki ang mata ko. "Ah ayon?" Umayos ako ng upo dahil nawawala na ang puwit ko sa soft pillow. "Hindi, nagkasabay lang kami pag pasok ng gate kanina. yan ah ang i-issue" saan naman nakuha ni Madi na sabay kaming pumasok ni Andrei? At paano nakarating agad sa mga kaibigan ko?

"Edi sabay pa rin kayo pumasok-"

"Ng gate," putol ko.

Dumating na sila Marie at Asther na parehong may hawak ng tray. "Ano pinag uusapan niyo?" Tanong ni Asther.

"Sabi ni Madi sabay pumasok si Yeye at Andrei diba?" Ani Lili.

Naghanap pa ng kakampi hindi nalang maniwala sa'kin. Grr.

"Ay oo 'te chika ni Madi kanina pag pasok, shookt nga ko may pambungad na chismis siya eh," si Marie ang sumagot.

Kinuha ko ang order ko at tinusok ang straw tsaka sumipsip. "Maraming namamatay sa maling akala" inirapan ko sila.

"Hoy mga Mare!" Rinig ang boses ni Peachy nang makita kami kasama niya si Louisa at agad na umakyat sa pwesto namin.

Himala wala silang Celeste na kasama. Nasaan kaya 'yon?

"Ang ingay ng bunganga mo, tayo lang ba tao ha?" Ani Lili at iginala ang paningin sa paligid, ganon din ang ginawa ko at napansin na wala naman pakielam ang mga tao saamin. Tumabi naman sakanya si Peachy at kumuha sa pagkain nito.

Fall Apart (Squad Series #1)Where stories live. Discover now