CHAPTER 6

4 0 0
                                    

"Dalian mo na d'yan at late ka na Anak, baka mamaya magkaro'n pa ng epekto 'yan sa grades mo naku, baka hindi ka pa maka graduate niyan," sermon ni Auntie sakin habang nagmamadali akong mag medyas.

Hindi pa nakakauwi si Papa kaya walang maghahatid sa'kin at as usual nagmamadali nanaman ako dahil late akong nagising at sa bagal kong kumilos.

"Opo Auntie, eto na po" ani ko.

Mabilis kong sinukbit ang bag sa balikat ko at hinalikan si Auntie sa kanyang pisnge. "Dalian mo na, late ka na. Mag ingat ka!"

"Opo Auntie!" Nagmamadali kong sabi at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Shit naman hindi pa ako nagsusuklay.

"Oh sakay na! sakay na!" tawag ng manong driver ng jeep at huminto sa waiting shed. Walang pag-aalangan akong sumiksik. bahala na kung magusot ang uniform ko.

"Hoy kuya! 'wag kang manulak, may babae rito oh!" ani ko nang itulak ako ng isang matandang lalaki. 

"Walang babae babae rito, 2020 na uso na ang Gender Equality ngayon," ani to at nangigitgit pa.

"Alam ko ho pero hindi naman kailangan manulak." Sigaw ko at agad na sumampa sa jeep. Finally!

"Neng, wala ng bakante sa susunod ka nalang na jeep dalian mo at aalis na kami" ani ni manong driver. Ano na gagawin ko? nakipag bardagulan pa ako para dito tapos di pala ako makakasakay? 

"Sasabit nalang po ak-"

Napatigil ako ng may humapit ng bewang ko at inupo ako sa binti niya. "Baby, sorry na sige na wag ka na magalit, 'yan tuloy wala ka ng pwesto" tinignan ko siya at gulat pa rin ang mata. 

"Putang ina" bulong ko.

"Sige manong okay na po ayos na po kami ng girlfriend ko, nagkatampuhan lang," ani 'to at inayos ang upo ko. 

Itinakip ko ang bag sa mukha ko dahil sa hiya, paano ba naman nasa amin ang atensyon ng mga pasahero at pati na ng driver tsaka, paano kung may kakilala kami dito? "Tangina talaga, malas," bulong ko.

"Wow, ikaw pa malas ngayon? eh ang bigat bigat mo kaya pasalamat ka diyan kinandong pa kita" bulong ni Brielle. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Ay thank you ha, hindi ko naman sinabing ikandong mo'ko baby," sarkastiko kong sagot at inayos ang  pagkakatakip ng bag sa mukha. 

Nang huminto ang jeep ay agad akong nagmadaling bumaba hindi ako nagkaron ng pagkakataon makaupo sa jeep dahil hanggang makarating sa school ay walang bumaba. Wala akong pake kung maiwan ko si Brielle, sobra-sobra na ang mga kagagahan kong ginawa ngayon. 

"Yeye! Yeye!" sigaw ng kung sino, hindi ko na pinansin at nagmadali ng pumasok sa school hindi ko na nga nabati si kuya Allan dahil sa pagmamadali ko. Ayokong maabutan ni Brielle, please lang.

"Hoy mare! Snob ka na pala ngayon" sabunot ng nasa likod ko. Sumasabay pa sa badtrip ko.

"Pwede ba 'wag muna ngayon badtrip ako," ani ko at umikot.

"Badtrip na badtrip ka ha, anong nangyari?" ani Celeste na natatawa pa at ginawaran ako ng makahulugang tingin

"May pasok pa ako girl! mamaya na, late nako." kumaway ako at nagmamadaling tumakbo paakyat ng building.

Inayos ko ang uniform ko bago buksan ng dahan-dahan ang pinto. Kita kong seryoso na nakikinig ang mga kaklase ko sa seryosong guro na nagtuturo sa harap.

"Good morning po, sorry I'm late" papikit at mahina kong sabi na tila naghihintay ng sermon mula sa guro. Simula ngayon aagahan ko na ang gising ko.

Fall Apart (Squad Series #1)Where stories live. Discover now