CHAPTER 3

12 0 0
                                    


He chuckled. "Ano? May pwet ba yung tinapa?"

Inirapan ko siya. "Bakit ka ba kasi nang gugulat? aatakihin ako sayo, Piste ka!" Hinampas ko pa ito na akala mo close kami.

"Aray! Makahampas, close?"

"Makatawa, close?"

Inirapan niya ako at tahimik umayos ng upo. Nasa harap niya ang gitara niya at nakalagay ito sa bag na hindi ko alam ang tawag.

Attitude amp daig pa babae.

"Bayad nga po." iniabot ko sa katabi niyang matanda ang bayad ko na kanina ko pa dapat ginawa kung hindi lang siya bigla-bigla nagsasalita diyan.

Umayos na rin ako ng upo at tumingin nalang sa labas, wala rin namang gustong magsalita saamin ni Brielle at wala rin naman kaming pwedeng pag usapan. Habang nakatingin sa bintana ng jeep at tinitignan ang mga bawat nadaan ay siyang paglipad ng isip ko. Saan kaya ang bahay nito ni Brielle? Ganito ba talaga siya kadalasang umuuwi? Teka, ano bang pake ko at bakit ko ba iniintindi ang taong 'to eh wala nga siyang ibang ginawa kundi sungitan ako?

Bumalik ang huwisyo ko nang makita kong malapit nako sa bababaan. Inayos ko ang gamit ko at umayos ng upo para mabilis makatayo.

"Manong, para po, sa tabi lang." malakas na pagkakasabi ko. Huminto naman ang jeep at marahan akong bumaba.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko nang mapansin na bumaba rin si Brielle.

Nanlaki ang mata niya at tinawanan ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Funny mo rin, eh, noh?" Tumatawa niyang sabi.

"Anong nakakatawa sa tanong ko, are you stupid?" Iritado kong sabi.

Tumahimik siya at seryosong tumingin sa'kin. "Stupid? Seryoso? Sino ba nag isip na sinusundan kita?" Umiwas ako ng tingin. "Edi ayon ang stupid." Dagdag niya.

"Eh, bakit kasi bumaba ka?"

Tumaas ang kilay niya. "Bakit, ikaw lang ba may karapatan bumaba rito?"

Hindi ako nakasagot kaya sa inis ko ay tinalikuran ko siya at binilisan mag lakad. Naabutan niya naman ako gulat ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Ano?!" Singhal ko.

Bahagyang nanlaki ang mata niya at binitawan ako. "W-wala lang, ge, bye." iniwanan niya ako at lumiko na siya sa unang street.

Napasapo ako sa noo ko at umiling. May sira na 'ata ang ulo niya.

Nang makauwi ako ay wala na si tita sa sala siguro ay nasa kwarto niya na at natutulog. 8pm na rin kasi.

Kumain lang ako at naligo pagkatapos ay nag skincare. Nakahiga na ako ngayon sa kama at binuksan ang cellphone ko. Maraming chat sa GC namin at nag backread ako do'n.

SpermCel: Gaiz, magkaka-love life na 'ata ako.

LILIbog niyo: Naka ilang sabi ka na samin niyan hanggang ngayon wala pa rin.

Peachy bitchy replied to SpermCel: Ayaw mo ako gayahin walang kalandian, good girl lang.

SpermCel replied to Peachy: Wag ako gago,e, lima-lima kalandian mo.

Peachy: Sila ang lumalapit hindi ako, duh.

Mariebiskwit: Nag away pa kayo eh parehas lang kayong malandi.

Louisa: True!

spermCel replied to Louisa: Wow? Maka-true eh balita ko nga hinaharot mo yung Rovic?

Fall Apart (Squad Series #1)Where stories live. Discover now