CHAPTER 1

23 1 7
                                    


Pagkababa ko sa stage ay agad akong pumunta sa mga kaibigan ko na kanina pa naghihintay at ngayon ay nakangiti nang sumalubong sa'kin.

"Galing talaga ni Maye gumiling." Salubong ni Lycel at natatawa pa. Agad ko namang hinablot ang dala niyang tubig at ininuman 'yon. Sumama ang mukha niya sa ginawa ko at hinampas ako nito nang makita niyang ubos na

 I smiled and winked at her na mas lalo niyang kinainis. "Thankyou"

She just rolled her eyes at hinablot ang plastic bottle sa'kin at tsaka tinapon sa may basurahan.

"Saan tayo ngayon?" Singit ni Shai.

We always do this lalo na kapag after exams at cut ang klase.

"Tara sa'min! Walang tao, sila Larah nasa school pa mamaya pa uuwi," aya ni Louisa.

Louisa's family is rich, they have lots of business branches dito sa pilipinas. Kaya naman napilitan si Louisa na i-take ang ABM strand sa senior high school kasi siya ang first born sa family niya at siya raw ang mag 'mamana'.

"May pagkain ba?" Tanong ni Janica.

"Pagkain lang ba problema niyo? Sagot na ng ref namin 'yan"

Agad naman kaming pumayag at nagpaalam ako na magpapalit lang tsaka  mag m-meeting saglit dahil ako ang President ng Dance Troupe dito sa school, hindi ko naman pwede iwanan basta ang members ko. Pumayag naman sila at sinabing hihintayin ako sa may bench malapit sa gate.

Nang matapos ang meeting at nakapag na palit nako ng damit mabilis akong naglakad at tinawag na sila Louisa na naghihintay.

"Kilala niyo si Rovic? Yung vocalist kanina," ani  Louisa at ngingiti-ngiti pa. Siguro ang tinutukoy niya yung banda kanina. Birthday kasi nung Principal ng school kaya may event kanina at may mga performances.

"Landi mo nanaman, isusumbong kita kay Papa Larry!" Singit ni Rovy

Papa Larry is Louisa's dad. Nasanay kaming tawagin na Mama at Papa ang  mga parents ng bawat isa saamin.

"Edi mag sumbong ka, samahan pa kita, gusto mo?" Matapang na sagot nito. Nagpatuloy sila sa pag aasaran at kami ay natatawa lang.

Sumakay kami ng jeep papunta sa bahay nila Louisa gusto niya pa sana mag pasundo sa driver nila kaso pinilit namin na mag jeep nalang dahil ayaw namin maka abala pa.

"Pero uy, infernes ang galing talaga ng Arcane kanina." si Lycel naman ang nag open ng topic.

"Bakit puro kayo Arcane? Mga crush niyo ba 'yon?" Nagtatakang tanong ni Asther. 

Oo nga naman, anong meron sakanila? siguro they are good looking people? well, hindi sila pasok sa taste ko. 

"Hindi ko sila type." Kalmadong sagot ko. Napatingin naman silang lahat sa'kin nang magsalita ako.

"Sana tinanong mo muna kung type ka namin," Sagot ng lalaki na nakaupo sa unahan na tabi ng driver.

Fuck.

Ramdam kong namula ang pisnge ko, hindi makagalaw sa kinauupuan ko, at ramdam ko na pinagpawisan na ako ng malamig. Kung hindi lang ako mamamatay siguro ay tumalon na ako sa jeep dahil sa sobrang kahihiyan.

"Gago ka, Yeye." Bulong ni Janica at pasimpleng kinurot ako sa tagiliran siya kasi ang katabi ko tsaka si Shai.

Awkward silang nakatingin sa'kin. Nang mapunta ang tingin ko kay Peachy, namumula ito at pigil na pigil ang tawa.

Tangina mo Peachy humanda ka sa'kin.

Sobrang pasasalamat ko nang makababa kami. Sana pala nag pasundo nalang kami sa driver nila Louisa.

Fall Apart (Squad Series #1)Where stories live. Discover now