Bakas sa mga mukha ni Jacob ang pagkagulat ng matanaw niya si Zian sa may gate ng bahay na nakaupo sa isang upuan at may hawak na libro. Isang librong pamilyar ang itsura. Nang ibaling ni Zian ang mata nito sa kanya ay napansin nya angdali-dling pagsara ng aklat na hawak nito at agad na isinilid sa bag.
May konting kaba sa dibdib ni Jacob dahil katulad ito ng diary na itinapon niya noon. Isinantabi niya ang pag-iisip na yun at niyaya niyang maligo si Zian sa dagat. Habang naliligo ay patuloy lamang ang kwentuhan ng dalawa tungkol sa buhay ng isa’t isa. Ibang saya ang nararamdaman ni Jacob dahil ibang klaseng makisama itong si Zian. Napakasweet, malambing, at napakabait nito sa kanya.
“Alam mo hindi ko inaasahan na may mga katulad mo pa pala sa mundong to.” saad ni Jacob.
“What do you mean?” tanong naman ni Zian.
“May mga lalaki pa palang kagaya mo na mabait at madaling pakisamahan. All this time akala ko puro pera lang ang habol nila and sex.” salaysay nito.
“Ha?” gulat na tanong ni Zian.
“Sa panahon kasi ngayon parang wala ng taong matino. Kung hindi pera ang habol sa relasyon eh sex.” malungkot nitong wika.
“Alam mo, natutunan ko sa kuya ko na walang kahulugan ang buhay ng tao kung puro pera at sa sex lang umiikot ang buhay. The true meaning of life is love. Kung wala lang din love para lkang patay na hindi na gumagalaw at hindi na humihinga.” salaysay ni Zian habang nakangiti at hinahaplos ang balikat ni Jacob.
Napatitig si Jacob sa lalaking nasa tabi niya. Kitang kita sa mukha nito ang sincerity. Napaka amo ng mukha ni Zian bagaman ballot ang mukha nito ng bigote at balbas eh litaw pa rin naman ang kagwapuhan nito.
“Jacob! Zian! Mamaya na kayo maligo medyo tirik na araw baka magkasun burn kayo.” tawag ng aunty ni Jacob.
Agad naman tumayo ang dalawa at nagtungo sa loob ng bahay. Agad na nagbanlaw ni Zian sa kwarto niya sa mantalang si Jacob naman ay sa main bathroom ng bahay. Paglabas ni Zian sa kwarto ay wala na si Jacob. Bumalik na raw ito sa resort dahil nagpatawag siya ng emergency meeting sa mga staff dahil may darating daw na artista at doon tutuloy sa resort mamayang gabi.
Pagdating niya sa sala ay naroon ang mga makukulit niyang pinsan. Nakita niya ang pagbaba ng mag-asawang Ben at May.
“Zian, sama ka samin ng tita mo sa bayan para naman makapamasyal ka.” saad ni Ben.
“Sasamahan k asana ni Jacob kaso may biglaang bisita ang resort eh pero don’t worry bukas mageenjoy ka sa mga pupuntahan natin.” dagdag naman ni May.
Tumango lang si Zian at kinuha ang camera at bag niya.
Sumakay sila sa isang jeep patungo sa bayan. Hindi naman io kalayuan dahil wala pang 15 minutes ay nakarating na sila. Medyo nanibago si Zian dahil walng traffic sa probinsyang ito at karamihan ng sasakyan ay mga tricycle lang. Iilan lang ang jeep na makikita mo at mga kotse ay bilang lang din.
“Zian pwede kang magikot dito, maliit lang naman ang bayan na to. Kita na lang tayo dito sa sakayan ng jeep ng 11:30.” saad ng uncle niya.
“Pero Zian kung gusto mo pang mag-ikot ng matagal text mo lang kami ng uncle mo. Dito lang naman ang sakayan pwede kang umuwi anytime para naman maenjoy mo.”dagdag naman ni Aunt May.
Nagpaalam na ang dalawa na maggogrocery kaya naman iniikot ni Zian ang tingin niya sa paligid at hinanap kung san siya unang pupunta.
Maliit nga lang talaga ang bayan. Wala masyadong matataas na builing siguro ay mataas na ang 2 stories at karamihan na dito ay malilit na stores lang. Walang makikitang fastfood stores like Jollibee or Mcdo. Mapapansin mong mga hindi pamilyar na stores lang ang makikita. Tangning PureGold at Mercury drugs lang ang pamilyar sa kanya.
BINABASA MO ANG
DIARY
RomanceAng kwentong ito ay naglalaman ng mga makamundong pangyayari na hindi maaari sa mga hindi open sa same sex relationship. Kung isa kang manghuhusga ay wago nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Si Zian Alexis Tan Gomez at isang manager nang isang hotel a...