Mabilis na nagdaan ang araw. Isinama ni Zian si Jacob pabalik ng Maynila upang makapagbakasyon rin ito. Masaya ang dalawa at puno ng excitement dahil kasama pa rin ni Jacob pabalik ng probinsya si Zian. Doon na muna ito titira kasama sya.
Pagkarating nila sa bahay ni Zian ay may hindi inaasaahang bisita ang dumating.
“Zian you’re back!” bati ng isang magandang babae.
Balingkinitan ang katawan nito. Kulot ang buhok at singkit ang mata. Mukhang may ibang lahi ang babae dahil na rin sa kakaibang kinis at puti ng kutis nito.
“Fhaye?” bigkas ni Zian sabay yakap ng babae sa kanya.
Sinalubong rin siya ni Stella at ng kapatid ni Zian na si Zach. Nakipagkamay naman si Gian at si Jacob na ipinakilala ng dalawa bilang boyfriend at fiancé ng magkapatid.
“Finally nagkaboyfriend ka na rin. I’ve been waiting this moment. By the way I brought you some pasalubong.” sabay kuha ng mga bitbit nitong paper bags sa sala.
“My favorites!” masayang bulalas ni Zian.
Nakita ni Jacob na sobrang saya ng kasintahan ng makita ang mga damit at pagkaing dala ni Fhaye. Hindi niya pa alam ang mga gusto at ayaw ni Zian. Nakaramdam siya ng konting inggit at selos sa dalawa.
Naghapunan sila kasama ni Fhaye. Nalaman ni Jacob na since elementary pa magkakilala ang dalawa. Naging matalik itong magkaibigan.
“You know Jacob napakapihikan nitong jowa mo. Inamin ko sa kanya na gusto ko sya nung high school and alam mo bang diretsong sinabi nya na hindi nya ako type.” natatawang kwento ni Fhaye.
Natawa rin si Zian pero bakas sa kanya ang konting hiya.
“Alam mo ang daming ayaw nitong jowa mo lalo na pagdating sa tao. Masyadong perfectionist sa attitude sa personality kaya siguro hindi agad nakahanap ng boyfriend.” pang-aasar ni Fhaye.
Nangingiti lang si Jacob sa mga kinikwento ni Fhaye.
“Alam mo ba hindi kumakain ng raisins tong si Zian? Ang arte arte kaya alam mo ako parati yung kumakain kasi sayang naman.” napansin ni Jacob ang pagkuha ni fhaye sa mga raisins sa plato ni Zian.
Menudo ang ulam nila at mahilig maglagay ng raisins ang mama ni Fhaye.
“Pasensya ka na kay Mommy, sinabi ko na kasi na bawasan eh.” medyo inis ni Fhaye habang patuloy pa rin sa paganggal ng raisins sa plato ni Zian.
Mas nakaramdam ng selos si Jacob sa gingawa ni Fhaye. Naiingit siya dito dahil hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang boyfriend.
Tahimik lang siyang kumain habang pinagmamasdan ang kasweetan ng dalawa. Hindi alintana ni Zian ang nararamdaman ni Jacob dahil nakafocus lang ito sa pangungulit ni Fhaye. Namiss rin niya ito ng sobra kaya naman hindi niya napigilan ang sarili.
Nagpaalam si Fhaye matapos nilang maghapunan.
“Zian, tomorrow sa café ha hihintayon ko kayo ni Jacob.” paalala nito.
Nakipagbeso muna siya kay Zian at ganun din kay Jacob bago tuluyang umalis.
Walang kibo si Jacob ng marating nila ang kwarto ni Zian. Medyo Malaki ito kumpara sa kwarto ni Jacob sa probinsya. May sarili itong banyo at walk-in closet.
Naupo si Jacob sa kama habang nagpapalit naman si Zian. Nakaboxers na gray lang ito at white sando ng tumabi kay Jacob.
Niyakap siya nito ng mahigpit.
“Thank you!” saad ni Zian.
“For?” tanong naman ni Jacob at nagkatinginan ang dalwa.
“For being here with me.” ngiting wika ni Zian.
BINABASA MO ANG
DIARY
RomanceAng kwentong ito ay naglalaman ng mga makamundong pangyayari na hindi maaari sa mga hindi open sa same sex relationship. Kung isa kang manghuhusga ay wago nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Si Zian Alexis Tan Gomez at isang manager nang isang hotel a...