Nakarating sila sa bahay ni Jacob. Namangha ang pamilya nina Zian sa nakita dahil bihira silang makapunta sa isang malaking bahay na napakaganda at malapit pa sa tabing dagat.
“Napakaganda naman ng bahay mo ijo.” turan ng babae.
“Ah sa si papa po kasi ang nagdesign ng bahay.” saafdni Jacob.
“Pasok na tayo ng makapagluto na kami ni Kuya.” pagmamadaling wika ni Zian.
“Teka bakit kayo pa magluluto, nakakahiya naman sa kuya mo.” nahihiyang sagot ni Jacob.
“Naku Jacob it’s fine. Nagpromise ako kay Zian na ipapatikim ko sayo ang mga special recipes ko.” ngiting wika ni Zach.
“Okay lang yun Jacob, kami na bahala ni kuya ihatid mo na lang sila sa kwarto.” sabay kindat nito kay Jacob.
Nangiti lang si Jacob at medyo namula ang mukha. Natungo ang magkapatid sa kusina at nadatnan ang dalawang kasambahay na nag-aayos ng mga gagamitin sa pagluluto. Nasabihan na pala ito ni Zian kaya naman malinis na sa kusina.
Si Jacob naman ay inihatid si Tita Stella at si Gian sa kanilang mga kwartong tutulugan. Nang mailapag na ni Tita Stella ang mga gamit niya ay sabay silang bumaba ni Jacob patungo sa sala para makapag-usap. Nandun na rin si Gian at nakapokus ang sarili sa cellphone.
“Oh Gian may problem ba?” tanong ni Tita Stella.
“Wala naman po yung bestfriend ko lang po hiniram nanaman ang kotse ko ng hindi muna nagpapaalam.” medyo inis nitong sagot.
Tumawa lang si Stella at tinapik ang balikat ni Gian.
Papunta n asana si Jacob sa kusina ng pigilan siya ni Stella.
“Jacob, hayaan mo na muna ang magkapatid dun sa kusina. Namiss lang siguro nila magluto ng sabay.” ngiti nito habang papaupo na sa sofa.
“Nakakahiya naman po sa inyo.” sagot nito.
“Naku okay lang yun and by the way just call me tita Stella.” ngiti nitong sagot.
“Alam mo ijo ganyan talaga sila magbonding. Magkasundong-magkaasundo sila sa bagay nay an although sobrang dami nilang differences.” saad nito.
“Differences?” taking tanong nito.
“Magkaiba kasi sila. Si Zach kasi naman yata sa daddy niya na sobrang business minded, strict, at sobrang discreet sa totoong pagkatao nya noon. Ayaw kasi niyang madisappoint ang daddy niya. Si Zian naman masyadong easy go lucky. Sya yung unang umamin sakin na nagkakagusto sya sa lalaki at nung nalaman yun ng daddy niya eh ayun nag-away sila.” salaysay nito.
“Pero di bap o siya ang nagmamanage ng resto?” tanong ni Jacob.
“Minanage nya yun kasi naaksidente ang kuya nya.” maiksing sagot nito.
“That’s when I met Zach.” ngiting wika ni Gian.
Nataka naman si Jacob kung paano nagkakilala ang dalawa dahil sa aksidente kaya naman hindi niya mapigilang magtanong. Dahil doon ay matyagang ikwenento ng dalawa ang mga nangyari. Hindi maipakita ni Jacob ang tuwa at kilig sa mga ikwenento sa kanya.
“Biglang nagbago nga yan si Zian dahil naging focus na rin siya sa business after ng mga nangyari. Nagdecide kami na pagbakasyunin muna siya dito para makapagpahinga siya.” dagdag ng babae.
“Hindi ko po alam na nabaril pala siya.” disappointed nitong sagot.
“Ano nga po pala yung. . .” hindi na natapos ang itatanong niya ng bigla silang tinawag ni Zian.
“Mii, Jacob, Kuya Gian halika na kain natayo.” tawag ni Zian mula sa bukana ng dinning area.
Tumayo na ang tatlo at nagtungo sa dinning area at pagkarating doon at halos lumuwa ang mata ni Jacob sa mga nakitang pagkain. Hindi ito ang mga usual na pagkaing nakikita niya sa hapagkainan.
BINABASA MO ANG
DIARY
RomansaAng kwentong ito ay naglalaman ng mga makamundong pangyayari na hindi maaari sa mga hindi open sa same sex relationship. Kung isa kang manghuhusga ay wago nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Si Zian Alexis Tan Gomez at isang manager nang isang hotel a...