Chapter 62

331 32 27
                                    

Makapal na usok. Makapal na usok ang pumapaligid kay Joaquin. He's wearing militia clothes which is quite unusual for him. He's covered with bags of bullets and grenades. He looks like one of the rebels but he still acts decent like what we all think of him. Nandito na siya. Dumating na siya sa pamamahay nila, sa kanilang mansion.

"Salamat. Maraming salamat," sabi nito sa kausap. Napatango naman sa kanya si Lee Agile bago isinuot muli ang dalang helmet.

"Wala 'yon. Thanks for taking care of my sister nong nawala kami," aniya. Walang emosyon sa kanyang mukha pero may gustong sabihan ang kanyang mga mata.

Napatango naman dahil rito si Joaquin bago pa man pinagmasdan si Lee habang pinapaharurot ang motor na sinasakyan. Pinanood ng binata ang unti-unting paglayo sa kanya ng totoong kuya ni Hannah. He's still standing at the same ground kung nasaan siya bumaba kanina. Bagsak ang kanyang balikat. Namumutla sa nangyayari sa kanyang paligid. Suminghal na lang si Joaquin bago hinarap ang kanilang mansion- na sa ngayon ay sira na ang kalahating bahagi dahil sa pagpapabomba ng mga militias. He carelessly stroke his curly hair bago nagsimula sa paglalakad. Nakadiretso lang ang kanyang mga mata sa sahig at wala sa sariling pumasok roon.

Inilibot rin niya sandali ang kanyang tingin sa paligid. Doon na witness ng binata ang ilang mga bangkay ng kanilang mga tauhan. Napasapo na lang ng noo si Joaquin at mabigat na suminghal. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang paghihinayang at pagsisisi. Muli itong naglakad at dumeretso sa second floor ng kanilang bahay. Ang marangyang lugar na lagi niyang inuuwian ay nawala na. Natabunan na ito ng bakas ng paghihiganti. Do they really deserve this? Napapa-isip siya kung oo.

"Johannes?" mahinang tawag niya rito, nagbabaka-sakali na makikita pa rin niya ulit sa lugar na 'to ang kanyang kapatid. Hinihiling ni Joaquin na sana buhay pa. Hinihiling ni Joaquin na sana ay nakatakas ito. Pagka't hindi niya kakayanin na makitang wala ang kanyang kuya kahit hindi maganda ang turing nito sa kanya.

"Joaquin?"

He flinched nang marinig ang nanghihinang boses ni Johannes. Nagpalinga-linga lang sa paligid si Joaquin at hinanap ang kanyang kuya. Hindi niya ito agad makita. Naglakad ito nang naglakad at hindi tumitigil sa pagtawag rito. "Johannes, where are you?"

Wala na siyang marinig na boses. Fear embraced him. Mas lalong binilisan ni Joaquin ang kanyang paglalakad at agad na hinanap si Johannes. Hanggang sa may napansin na lang siya sa gilid na natabunan ng malaking dingding. Para itong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Dali-daling tumakbo roon si Joaquin at agad na inangat ang bato na dumadagan ngayon kay Johannes.

"Johannes!" wala sa sariling sigaw nito rito. Natataranta na siya nang makita ang kanyang kapatid na duguan. Puno ng sugat ang katawan nito at halos sumuka na ng dugo.

Nang maialis na ni Joaquin ang bato na umiipit kay Johannes ay agad niya pinahiga ang kanyang kuya sa kanyang binti bago pa man tinignan ang kondiyon nito ngayon. Para siyang nawalan ng salita na pwedeng ilabas sa kanyang bibig ngayon. Tinignan niya ang nanghihinang Johannes ng ilang segundo bago pa man siya nahimasmasan. Agad niya ito tinanong.

"Siguro ka ba na nasa government palace sina Dad? Hanggang anong oras sila magsstay roon?"

"Hanggang mapatumba ng presidente ang mga kriminal na 'yon!" galit namang sagot ni Johannes sa tanong ni Joaquin.

Pero hindi na kayang patumbahin ng gobyerno ang Teen Militia.

Iyon ang nasa isip ni Joaquin nong sinabi iyon ni Johannes sa kanya. Dali-dali namang kinuha ng binata ang kanyang phone sa bulsa ng suot sitong pantalon bago pa man tinawagan ang isang kakilala niyang babae sa Teen Militia.

Teen Militia: School For The Criminals [Novel #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon