Chapter 22

669 80 51
                                    


Tumuloy na kami sa classroom. As I expected, late na naman si Sir Martin ngayon. Sa pagkaka-alam ko this week ang susunod naming ranking ayon sa mga nakausap nina Lance kanina sa corridor. Maghihintay lang kami sa school announcement kung ano ang gagawin.


Nagtataka tuloy ako kung ano ang ipapagawa nila saamin. Papahawak ng baril? Common masyado. Magpapasabog ng bomba? Exciting. Pero pakiramdam ko mas interesting yung iniisip nilang laro o kung ano man ang tawag doon. Ang plano lang is ipapababa ko rank ko. That's all. Para di na ako pag ungkitan ng punyetang third inheritor nila rito.


Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid nong nakapasok na kami. Halos wala pa ang karamihan sa silid. Agad naman naghiyawan at nagpalakpakan ang mga lalaking kaibigan nina Lance at Jacob nong makita kami.


"Nandito na ang Ramp Princess ng section natin." rinig kong sabi ng isa. Agad naman ako nagtaka at nong makita ko sila ay tuwang-tuwa ang mga ito na nakaupo sa kanilang area. Inaasar ako kasi kasama ko si Lance.


"Si Hannah Agile." aniya pa nong payat sa dulo na may glasses. Di ko naman maiwasang takpan ang mukha ko at itago ang tawa ko roon. Hindi ko inexpect na ganoon magiging salubong nila saamin.


Katabi ko pa rin si Lance habang nasa likod namin sina Sam. "Maki-upo muna kayo saamin. Hann. Samantha." sabi ni Jacob na ngayon ay seryoso kaming tinignan para pumayag kami ni Samantha.


Nagtinginan naman agad kami ni Sam. Hinintay kong pumayag siya dahil game ako. She just nodded na parang walang problema rito. "Okay. So ano naman gagawin namin doon?" tanong niya.


"As usual. Kantahan." sagot ni Jacob sabay kibit balikat at inunahan na kami sa paglalakad.


Nagtinginan naman kami ni Lance habang nagtataka pa rin si Sam. Nginitian naman niya ako habang nakatitig saamin at inalalayan ako na maka-akyat.


What a gentleman.


Agad dumeretso si Jacob sa seat ng mga barkada niya. Nagkamayan at nagbatian ang mga ito. Habang kami naman na tatlo nina Sam ay tahimik lang. Sinenyasan ako ni Lance na tumabi sa kanya sa bakanteng espasyo na nakita nito. Si Sam ay dumeretso lang sa tabi ni Jacob na nasa likrang bahagi namin.


"Medyo nagulat nga ako. Expect ko kasing pumangit si Hannah dahil sa ginawa sa kanyang nong Cloe, pero bakit parang gumanda?" narinig kong pagbobola nong matabang lalaki na may hawak-hawak na gitara. Nakaharap pa ito kay Lance, kanware ito ang kausap. Napangiti na lang ako rito.


Natawa na lang nang marahan si Lance sabay iling. Hinarap ako ng isa sa kanila bago pa ako maka-upo. Tinaasan ako nong morenong lalaki. "Nagpakulay ka buhok?" tanong nito sakin.

Teen Militia: School For The Criminals [Novel #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon