Escape
Tatsuya's POV
Lumipas ang gabi, wala kaming sinayang na oras. Nag training kami buong gabi, hinanda ang mga weapons namin at sarili.
May mga damit rin na nakatago dito, sakto para pang digmaan.
Hinanda ko na ang armalite rifle at handgun ko. Nilagay ko ang tatlong grenade sa pouch ko. Nilagay ko rin ang dalawang dagger sa pocket malapit sa paanan ko.
Nakita kong hinanda narin ng lahat ang weapons nila.
Ang astig nila tignan shet.
Tumingin ako kay Hidemi at hinanda na niya ang dalawang handguns at rifle niya.
Lumapit ako sakanya at tinapik ang balikat niya "Kaya mo pang lumaban?"
"Yep, I still can" Sabi niya at nilagay ang dalawang handguns sa bulsa niya.
"Good" Sabi ko at humarap na sa pintuan.
Tumabi naman sakin si Ayumi kaya nilingon ko siya at nakita ko na kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yon.
"Hey, don't panic. We can do this, okay?" Sabi ko sakanya.
"Tatsuya naman eh, nininerbyos na nga ako tapos nage-english kapa" Aniya kaya natawa ako.
"Basta wag kang kabahan masyado. Kaya mo yan. Kaya natin to" Sabi ko sakanya.
"Pano kung pumalpak ako at makagat—"
Hinarap ko siya "Wag mo nga sabihin yan. Di kita pababayaan tandaan mo yan"
Tumango lang siya at ngumiti sakin.
Kinausap ko pa ang iba hanggang sa magsalita si Katsumi sa harapan namin.
Humarap ako kay Katsumi at tinuwid ang pagkatayo ko.
"Are you ready, Shizuns?" Sabi ni Katsumi.
"READY!" Wika namin.
Binuksan ni Keijiro ang pinto habang nakatutok ang baril neto sa pintuan.
Tahimik sa labas kaya lumabas siya at chineck ang sitwasyon sa labas ng headquarters.
"All clear" Sabi ni Keijiro.
Tumango si Katsumi "LET'S GO!!!!!"
Nagsimula na kaming lumabas sa headquarters at dumaan sa kabilang emergency exit.
Binuksan ni Keijiro ang pintuan at dumaan kami sa likuran ng ent.
Maingat kaming bumaba sa hagdan at sinundan lang namin ang Zebunchin.
Nagtaka kami nang tumigil kami sa harapan ng isang puting pintuan.
Kinuha ni Keijiro ang susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto.
Napanganga naman ako nang malaman ko na sa garage pala yun.
At dun ko nasilayan ang magagarang kotseng naka park sa loob ng garahe.
"What the fvck, who own these?" Manghang sabi ni Kyousuke.
"These cars are owned by former founders of the Ent" Paliwanag ni Keijiro.
"Waw may pa kotse" Komento ni Kaden.
"Wag ka patalo Kyousuke! Bumili ka ng truck HAHAHAHA—aray!" Sinamaan ni Katsumi ng tingin si Kyoshi ng batukan nanaman siya neto.
"Ang ingay mo!" Asik ni Kyoshi sakanya.
Napailing-iling nalang kami sakanilang dalawa. Nagsimula nanaman sila. Baka nga sila pa magpatayan sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Apocalyptic Eclipse
حركة (أكشن)A Professor named Kin, tried to make a drug that can bring the dead back to life, a resurrection drug. While he is experimenting, he accidentally added a substance that shouldn't be added on his experiment which cause a huge explosion in his lab. Th...