☽𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝟭𝟲.𝟮

18 3 19
                                    

Warning! There might be profanities that are used in this chapter.

Lycoris Radiata

Third Person's POV

Nalulungkot at gustuhin man nilang magluksa, nagpatuloy parin ang Shizuns sa pakikipaglaban sa mga zombies at sa mga kasamahan ni Nakahira.

Pinasandal ni Masae si Raizo sa gilid at tumayo, hinarap niya ang mga zombies na walang emosyon, pero kung titignan mo ang mga mata niya, makikita mo ang galit na kinikimkim niya at luksa.

Walang awa niyang pinugot ang mga ulo ng zombies gamit ang dalawa niyang katana.

"KAGURA!" Sigaw ni Kaikane nang may ininject si Akane sa likuran ni Kagura.

Babarilin sana ni Kaikane si Akane pero hinila siya ng zombie at pinatumba.

"GET HIM!" Sigaw ni Nakahira.

Tumango si Naizen at mabilis na binuhat si Kagura at tumakbo sila palabas ng lab.

"WAG NIYONG HAYAAN NA TUMAKAS ANG MGA YON!" Sigaw ni Katsumi.

Hinabol naman nina Tatsuhiro, Yukari at Keijiro sina Nakahira habang nakikipaglaban parin ang iba sa zombies.

"SHIT!" Mura ni Kaikane nang malapit na siyang makagat ng zombie.

Binaril naman ni Ayaka ang zombie na nakapatong kay Kaikane at tinulungan siyang makatayo "Are you alright?"

"I'm fine, thanks" Sabi ni Kaikane at tumakbo palabas sa lab para habulin sina Nakahira.

"PUCHA BAT ANDAMI NILA NGAYON!?" Sabi ni Katsumi habang pinagbabaril niya sa ulo ang mga zombies.

"Ugh! Nabahiran ng dugo ang gwapo kong mukha! Maliligo talaga ako pagkatapos neto!" Sabi ni Kyousuke habang minamasdan neto ang mukha niya sa isang durog na salamin.

"Konti nalang mauubos na natin ang mga dugyot na to" Sabi ni Kaden habang pinaghahampas niya ang mga zombies gamit ang metal-made bat niya with spikes.

Si Ayaka naman busy kakabaril sa mga zombies na pumapasok sa lab.

Pero nagulat sila nang mabilis na tumakbo si Masae papunta sa mga zombies at nagawa niyang putulin ang mga ulo neto.

Lumabas agad si Masae sa lab para maghiganti dahil sa sinapit ni Raizo.

"Pota pre nakakatakot si Masae" Sabi ni Kaden.

"Ngayon ko lang siya nakitang ganun kagalit" Sabi ni Katsumi.

"Akalain mo yun? Ubos na zombies hehe makakaligo na ako" Sabi ni Kyousuke.

"Boang puntahan natin sila baka kung ano na nangyari sa mga yun" Sabi ni Kaden.

"Halika na Ayaka-"

Bumaling sila kay Ayaka, habang pinapahiga nito ang bangkay ni Raizo sa mesa, kumuha siya ng puting kurtina at tinakpan niya ang katawan.

"You will remain in our memory, please do live peacefully in your next life" Bulong ni Ayaka kay Raizo.

Nilingon ni Ayaka sina Kyousuke, nginiti-an niya ang mga ito at naglakad palapit sakanila "Let's go and help them"

The Apocalyptic EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon