PANGALAWA

68 7 0
                                    

YERI’S POV

[SPG MUST 18 ABOVE]

After spending time with Zainbien, I decided to go home. But I don’t know what will happen after this day. My mom is not here and my stepdad is the one who’s here. Dumeretso ako sa kuwarto ko at saka ni-lock ang pinto. Ang mga titig niya ay hindi ko gusto at para akong hinuhubaran. I already told this to my mom, and she didn’t believe me; instead, she believed him over me. Pumasok ako ng banyo para maligo at magbihis. Pero dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang biglang may nangangahas na buksan ang pinto.

Agad kong sinara ang shower at kinover ang sarili ko ng towel. Sobrang kinakabahan talaga ako dahil hindi ako p’wedeng magkamali kung sino ang nasa likod ng pinto. Wala akong makitang kung ano sa cr ko dahil wala akong makitang armas na maari kong ipanlaban sa kaniya. Pero napasigaw ako ng mabuksan niya ‘yon. Agad na pumatak ang luha ko dahil sa takot.

Hanggang kailan ako maiipit sa ganito?

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Walang maniniwala sa ‘kin at alam kong mas kakampihan ni Mommy ang lalaki niya. Akmang tatakas ako pero nahatak niya ako.

Ang nakakademonyo n’yang ngiti ay nakakatakot. Gusto kong tumakbo, tumakas at pumunta sa lugar kung saan wala ang taong ito. Pero bigla nito binuka ang pagitan ng hita ko. Hawak ang baba ko at marahas ako nitong hinalikan.

Ang baboy niya. Ang baboy-baboy niya.

Marahas kong inuntog ang ulo ko sa ulo niya saka ako tumakbo kahit pa nahihilo. Agad akong bumaba at kinatok ang pinto ng mga Yaya ko. Pero tila walang nakakarinig sa ‘kin. Lumabas ako ng bahay at saka tumakbo papunta sa taong kakilala ko.

I know she would help me.

Nang makarating ng bahay nila’y halos naubusan ako ng lakas. Laking gulat ni Zainbien ng makita akong halos himatayin na. Pinapasok niya ako sa loob at doon ay binihisan ako at pinahiram ng maaring masuot. Pinainom ako ng tubig at pilit na pinapatahan. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Niyakap ako ni Zainbien para patahanin.

“Dapat ay ma-i-report natin iyan sa police!” agad na sabi ni Tita.

“H-Hindi r-rin po sila maniniwala,” iyak na sabi ko.

“Shhhh. Ma, bukas na po ’yan. Sa k’warto ko na lang muna matutulog si Yeri,” sabi ni Zainbien at tumango si Tita at inalalayan akong umak’yat nito sa silid niya.

Kahoy lang ang hadan nila at may tatlong k’warto sa taas. Ang gitna ay ang k’warto niya. Pumasok kami roon at do’n ko nakita ang mga poster ng kung ano-ano’ng kpop group. May gitara sa gilid at computer sa gilid ng kama. Maliit lang ang k’warto hindi gaya ng akin. Gano’n pa man humiga na kami ni Zainbien at niyakap ako nito para maramdaman na hindi ako nag-iisa.

Tumama ang sikat ng araw sa mukha ko at nang magising ako’y wala na si Zainbien sa tabi ko. Bumangon ako at saka bumaba. Do’n ko nakita sila Tita na nagkakape habang nagkuk’wentuhan. Ang sarap nilang pagmasdan. Kumpleto at masaya sila. Napatingin sa akin si Tita at agad na tumayo ito upang ayain ako.

“Naku, gising ka na pala. Pasensya ka na, ah. Maliit lang espasyo ng bahay kaya pagbaba mo ng hagdan ay handa ka na rin kumain,” sabi nito at saka natawa.

Bumiti ako at nakita kong ngumiti si Zainbien sa akin. “Ano’ng gusto mo? Coffee or milk?” tanong niya sa akin.

“Coffee,” sagot ko naman.

Pinaupo ako ni Tita saka naman tumayo si Zainbien at nagtimpa ng kape. Binigyan niya pa ako ng pan de sal t’saka ngumiti sa akin. Ang ganda niya at ang kinang ng mga mata niya. Hindi sila gano’n kayaman pero masaya sila sa kung ano ang mayro’n sila. Pero ako? I have all what I need in life, pero hindi ko ramdam ang saya na gusto ko. Matapos mag-almusal muli kaming umak’yat ni Zainbien sa k’warto niya. Kakantahan niya daw ako.

Kinuha niya ang gitara saka pumuwesto sa tabi ko. She’s the girl that the boys want to be their girlfriend. Nag-umpisa na itong tumugtog saka tumingin sa ‘kin at ngumiti. Tila naman kinilig ako sa ngiti na ‘yon ni Zainbien. Gano’n pa man kumanta ito para sa akin.

She’s like an angel to me—an angel who can be by your side whatever happens. Her voice is beautiful, like hers. Her aura makes me feel comfortable. This kind of feeling—I didn’t know what this was—but I don’t want to stop it. I have a crush on her. She makes my heart beat so fast like was running in a running competition.

“YERI!” Nagulat kaming pareho ng may tumawag sa pangalan ko.

Dali-dali kaming bumaba at do’n ko nakita ang galit na mukha ng Mommy ko. Kasama niya ang lalaking muntik na naman akong magahasa. May benda ang ulo niya na gawa ko. But I know that my mom still believes in what that fucking man is saying. Zainbien holds my hand and smiles at me. She taps my shoulder; after that, she sighs and faces my mother.

“Uuwi na po si Yeri,” sabi nito ng may paggalang.

“Kinukinsinti n’yo ang batang ’yan? Nakahanap ka ng kakampi mo? Tignan mo ginawa mo kay, Aldo! Dahil sa pagdadabog mo’y tinamaan mo siya ng baseball bat! Ano! Matapang ka na?!”

Agad na hinila ni Mommy ang buhok ko. “Mommy nasasaktan ako.”

“Masasaktan siya ano ba!”

Agad na pumagitan si Tita sa gitna namin ni Mommy. “Huh! Sutil ang bata na ’yan. Ako ang ina niya kaya wala kang karapatan na pumagitan sa amin! Get out of my sight!”

Tinulak niya si Tita dahilan para biglang umentrada si Zainbien. “Wala ka rin hong karapatan na saktan ang mama ko. Oo nga’t anak niyo si Yeri. Pero tingin niyo ganiyan ang klasing ina ang gusto niya?”

Napahinto si Mommy sa sinabi ni Zaibien. Pumatak ang mga luha ko at hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Kahit naman ano’ng sabihin ko’y hindi rin ako paniniwalaan ng Mommy ko. Hinawakan ko ang kamay ni Zainbien saka ngumiti sa kaniya ng mapait. Sa huli ay sumama ako kay Mommy at umuwi ng bahay.

Kung ano-ano ang sinabi nito na hindi ko naiintindihan. Tulala ako at hindi ako umimik hanggang sa makarating kami ng bahay. Umakyat ako ng k’warto na walang ano ma’n ang lumalabas sa bibig ko. Dama ko ang bigat ng katawa ko at nang makarating ng k’warto ay ni-lock ko ang pinto at hinarang do’n ang sofa.

Napayakap ako sa sarili kong binti at umiiyak at ngayon naramdaman ko na naman ang pag-iisa.

I wish I could be strong.

I WISH I COULD [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon