YERI’S POV
Binalibag ako ni mama papasok ng bahay. "What the fuck is this! Wala ka na bang ibang alam na gawin sa pamilyang ito kung ‘di puro’s kahihiyan?" Binato ni Mommy ang cellphone at do’n ko nakita ang hubad na larawan ko.
I looked at Tito Aldo, and I saw his evil smile. Tumayo ako at binato ang cellphone. “KASALANAN MO! ANG BABOY MO! ANG SAMA MO! MAMATAY KA NA LANG HAYUP KA! TANGINA MO—” naputol ang sasabihin ko ng isang malakas at malutong na sampal ang natamo ko kay Mommy.
“Wala kang karapatan na sabihin ‘yan sa Tito Aldo mo!”
“Mommy, please ako naman ang paniwalaan mo,” pagmamakaawa ko.
Agad na hinawakan ako ni Mommy sa braso ko at saka ako hinila papunta kami sa bodega at doon ako binalibag. Ang pag-iyak ko’y walang humpay at hindi ko na alam kung ano ang gagawin pero biglang may dumating at agad na niyakap ko.
“PAANO KANG NAKAPASOK! ALAM MO BANG TRESPASSING ‘YANG GINAGASA MO!”
“NAPAKASAMA MO! ANONG KLASE KANG INA AT HINDI MO PINANINIWALAAN ANG SINASABI NG ANAK MO!” galit na sigaw ni Zainbien.
“Huh! Wala kang karapatan na pangaralan ako. Isa pa, wala ka rin karapatan sa kung ano ang gagawin ko kay, Yeri!”
“Girlfriend ko siya kaya pananagutan ko na rin siya. Lahat ng hirap at sakit niya ay alam ko—pero niya ina ay hindi alam ‘yon!”
“SINABING WALA KANG KARAPATAN, EH!” Sinampal ni mommy si Zainbien at napaupo ito sa sahig.
“Zainbien.”
“Girlfriend? Ngayon mayro’n kang relasyon sa babae na ‘yan? Huh! Mahirap lang ‘yan. Sa eskwater pa nakatira, tapos babae pa talaga naisipan mong patulan? Really Yeri?” tila nanghahamon na sabi ni Tito Aldo.
“Mahal ko si Zainbien at wala na kayong pake ro’n,” sabi ko saka inalalayan na tumayo si Zainbien at saka umalis sa harap nila.
Umak’yat kami ng k’warto at pinaupo ko siya sa kama. Gano’n pa man ay hinayaan ako ni Mommy na dumito si Zaimbien. Isa pa, umalis na naman si Mommy and I'm scared to be alone again. Hinawakan ni Zainbien ang kamay ko.
“Tara sa bahay. Do’n ka matulog para sigurado akong ligtas ka,” nakangiti n’yang sabi.
Tumango ako saka may kinuhang note book sa drawer at saka kami umalis. Nang makarating sa bahay nila ay do’n ako sinalubong nila Tita na may pag-aalala sa kanilang mga mukha. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa ‘kin at inaamin kong ang sarap no’n sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na mayro’ng taong nag-aalala para sa iyo. Lumipas ang ilang araw at hindi ako umuuwi ng bahay. Hindi na rin ako pinilit ni Mommy na umuwi gano’n pa man ay hindi na rin ako pumapasok. Pumasok ngayong araw si Zainbien at naisipan kong sunduin siya sa school nila.
Pagkarating ko do’n ay agad na kuminang ang mga mata niya na makita ako. Agad akong tumakbo papalapit sa kan’ya at saka ko siya niyakap. Napagpasyahan namin na gumala muna bago umuwi ng bahay. All of the sudden, lahat ng bigat sa pakiramdam ko’y nawala. This is because of this girl. She makes me happy every each day.
“Happy monthsarry!” bati nito sa akin at saka ako binigyan ng stick-O. “Pasensya na ah, iyan lang kaya ng pera ko. Pero h’wag kang mag-alala babawi ako sa susunod—” hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng bigla kong i-kiss ang lips niya.
“Happy monthsarry thank you for the gift,” nakangiting sabi ko.
She holds my hands, and we walk together with a wide smile. Narito kami sa MOA at nasa sea side kami nakaupo. We watch the sunset. It was beautiful, and that was the happiest moment of my life. I looked at her, and she kissed me on my forehead. Hanggang sa lumubog na ang araw at naisipan na naming umuwi. Sinalubong kami nila Tita at ang gulo ng bahay nila dahil sa mga bata.
Simple ang buhay nila pero masaya. Malayo sa naging buhay ko at malayo sa mundo ko. Natakasan ko man ang mundo ko sa mansion, paniguradong hindi ko matatakasan and masasakit na alaala sa bahay ‘yon. Nang sumapit na ang gabi ay nagsipagtulog na sila Tita. Habang ako ay gising, hawak ang note book ko. Gusto kong magsumbong sa mg pulis pero natatakot akong baka ako pa rin ang maging masama sa mata ng lahat. My stepdad has a video clip of us. He recorded it as proof. I don’t know kung anong gagawin ko makuha lang ang katarungan na gusto ko.
Muli na naman akong umiyak at ramdam ang tila hindi kaaya-aya sa katawan ko. It’s getting worst, pinaranas nito ang impyerno sa ‘kin. Tila narinig ata ni Zainbien ang iyak ko at nagising siya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at agad ako nitong niyakap at pilit na pinapatahan.
“Ang sakit,” sabi ko habang umiiyak.
“Shhhhh.”
“Ina na lang mayroon ako pero hindi ako pinaniwalaan,” dagdag ko pa.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming gano’n at nakatulog ako sa kakaiyak ko. Nang magising ako kinaunagahan ay mugto ang mata ko at napabuntong hininga ako. Pagbaba ko ay bigla akong nasuka ng may maamoy akong hindi kaaya-aya. Agad na nilapitan ako ni Zainbien at tinanong kung ayos lang ba ako.
“Yeri.” Napatingin kami kay Tita.
“P-Po,” nauutal kong sagot bagaman kinakabahan.
“Kailan ka huling nagkaroon anak?” tanong nito na s’yang ikinakaba kong lalo.
“H-Hindi ko na po a-alam,” nauutal kong sagot.
Lumapit sa akin si Tita saka ako pinulsuhan at nakita ko ang Tila panlalaki ng kan’yang mga mata. “Y-Yeri,” hindi makapaniwalang usal ni Zainbien.
Pumatak ang luha ko at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Parang ang sakit naman isipin na mayro’ng bunga ang pangbabababoy sa akin ng mga lalaking ‘yon. Napaupo ako sa sahig at muli na namang umiyak.
Bakit puro kamalasan ang mayro’n ako? Kailan ba ako susuwertihin?
Ngayon may bunga ang pambabababoy nila sa ‘kin. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung paano pang mabuhay. Hindi ko alam kung paano ko haharapin lahat ng sabay-sabay gusto kong sisihin ang sarili ko’t hindi ako naging palaban.
Tulala ako at tila walang naririnig sa paligid. Para akong nabingi at hindi ko alam kung buhay ba ako o patay na. Narito ako sa cr. May nakita akong brade sa may bandang salamin. Tinignan ko ang sarili ko at do'n ko nakita ang kaawa-awa kong mukha. Ang katotoohanan na hindi sang-ayon sa 'kin ang tadhana. Pinaparamdam nitong nag-iisa ako at walang sino man ang kakampi ko kung hindi ang sarili ko lang.
Kinuha ko ang blade. Tila inaakit nito ang katawan ko na laslasin ang pulso ko.
Siguro kapag mnawawala na ako sa mundong ito ay malalaman na ni Mommy ang halaga ko?
“YERI!”
I wish I could end all of this
BINABASA MO ANG
I WISH I COULD [EDITING]
Short StoryProblem, family issue, pain, bully, lonelyness, sadness. I wish I could say my feelings. But I can't. Lahat tiniis ko maipakita lang na malakas ako. Totoong makikita lang nila ang halaga mo kapag-wala ka na sa mundo.