PANGLIMA

61 5 0
                                    

YERI’S POV

I don’t know what I am going to do; I am so depressed right now. Sobrang sama ng kalooban ko at gusto ko ng wakasan ang buhay ko. Hindi ko na kaya lahat ng nangyayari sa ‘kin. Gabi-gabi akong binabangungot ng masalimuot kong nakaraan. Kahit pinabayaan na ako ni Mommy na dito tumira kila Zainbien ay halos gabi-gabi pa rin kong tila balisa at hindi mapakali. Lalo’t may bata na sa aking sinapupunan. Zainbien stopped me from killing myself, and now she’s here to comfort me again.

Pumunta ng prisinto si Tita para isumbong ang lahat ng mga pambababoy sa akin ni Tito Aldo. Sinugod ako sa hospital dahil matapos ang nangyari ay nawalan ako ng malay. Naro’n ang mga pulis at naro’n din si Mommy. I saw the anger on her eyes and also to Tito Aldo. Sinugod ako ni Mommy and she slap me.

Anak niya ako hindi ba? But, why she’s being like this?

“Sinungaling kang bata ka! Ano? Pinagtatakpan n’yo ang kabobohan ng bata na ‘yan? Pumayag akong tumira siya sa puder niyo. Tapos ano? Mababalitaan kong buntis ka at ipapakulong mo ang Tito Aldo mo? Tangina naman, Yeri!” bulyaw niya sa akin.

“Nabuntis si Yeri dahil sa lalaki mo! Hanggang kailan ka magbubulagbulagan sa kasinungalingan ng magaling na punyetang ‘yan!” sigaw ni Zainbien.

“Ikaw ang tabal ng dila mo ah—”

“H’wag mong ginaganiyan ang anak ko! Ikaw ang walang k’wentang ina. Mas pinapanigan mo ang hayop na ‘yan kaysa sa sarili mong anak!” Hinawakan ko ang damit ni Zainbien dahil natatakot ako.

“Huh! Sigurado ako! You covered her bitches attitude! Nagpanggap kang girlfriend ka niya para pagtakpan ang totoong boyfriend niya! Malan—” isang malakas na sampal ang natanggap ni Mommy sa akin.

Galit na galit ako sa sarili kong ina, sa taong nasa likuran niya at sa kanilang lahat na hindi ako kayang paniwalaan. ”Nakita mo ba Mommy? Nakita mo ba kung sino ang lalaking kalandian ko?” tanong ko at tuloy-tuloy ang agos ng aking luha.

Sobrang sakit ng dibdib ko ngayon. Ang hirap lumunok at ang hirap huminga. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

“All this time, you spent your time with your fucking business instead of me. All this time, you chose him over me. All this time, you chose to believe in him instead of me,” iyak kong sabi. Ang sakit sobra, para akong lumunok ng bato at daang crayom ang tumutusok sa aking dibdib. “Mommy…” hagulhol na tawag ko. “Please, ako naman ang paniwalaan mo,” iyak kong pagmamakaawa.

Lumuhod pa ako sa harapan nito. Pisngo akong tumigin sa kaniya at ramdam ko ang pagpatak ng luha ni Mommy. Umapaw ang luha sa lahat at ramdam din nila ang sakit na nararamdaman ko. Lumapit sa akin si Zainbien saka ako itinayo. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula kay Mommy. Her voice was gone, and there was no word coming out of her mouth. I feel so hopeless when she does that. I feel so abandoned, and nothing will gonna love me like how much this family of Zainbien loves me.

Mommy left us without a word. Ulti mo sarili kong ina hindi ako kayang ipaglaban. Pero ang mga taong hindi ko naman kaano-ano ay kaya akong ipaglaban. Pinagpatuloy ko ang pagsasampa ng kaso ngunit ang ebedensya niya ay naging patunay na ako ang naging mali—isa akong pariwarang bata na hindi kayang makinig sa magulang. Daan-daan nang sama ng loob ang nasa dibdib ko at hindi ko na alam kung paano pa akong lalaban. Sa huli, kami ang talo at sila ang nanalo. Sa huli, ako ang walang k’wenta.

Kailan ba magiging patas ang mundo? Kailan papanig sa katotohanan ang lahat.

Sa huli kailangan kong umuwi sa mansion. Dumagundong ang takot sa aking dibdib. Dumagundong ang troma sa aking isip. Nabuhay muli ang aking takot. Tinignan ko si Zainbien ang lungkot ng mukha niya. Ang kumikinang na mata nito’y nabahiran ng kalungkutan ng dahil sa akin.

“Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita,” sabi ko sa kaniya habang umiiyak.

She wipe my tears. Saka hinawakan ang aking pisngi at tuluyan na pumatak ang kaniyang luha. “Hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo, o namin. Mahal na mahal kita, Yeri. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito sa buong buhay ko,” sabi ko at inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.

She kissed me.

Ang halik na ‘yon ay hindi ko malilimutan. Kahit kailan ay hindi ko lilimutin ang taong tumanggap ng buong puso sa akin. Tinanggap kung sino at ano ako. Ang buong pagkatao ko. Matapos iyon ay sumama ako kila Mommy. Tulala akong tinatahak namin ang daan. Nang makarating sa bahay ay umakyat ako ng k’warto. Sinara ko ang pinto saka ako pumasok ng banyo at ni-lock ko ang pinto nito. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako ng makita ang tila walang buhay kong itsura.

“Walang maniniwala sa ‘yo, sino ka ba?” tila kinakausap ako ng nasa salamin.

“Gusto ko lang naman, maging masaya, mahirap ba ‘yon?” ngumiti ako ng mapait saka muling tumulo ang luha.

“Hindi ka na magiging masaya. Walang nagmamahal sa ‘yo.”

“Mayro’n! Si Zainbien. Mahal ko ni Zainbien.”

“She loves you at all costs, but she’s not here to rescue you from the evil monster.” Tumingin ito sa isang bagay.

“I wish I could be happy. I wish I could defend myself. I wish I could be strong. I wish I could be enough. I wish I could fight for myself. I wish I could find a place where I could be alone, with no angry shouts, no insults, no words that could tear me apart to hear. I wish I could find a better place where I can rest my mind and forget my miserable life, a place where I could be happy, a place where I can remove my depression. I wish I could be worth it. But it’s all I wish I could…” Kinuha ko ang bagay na ‘yon.

Gusto ko ng magpahinga. Pagod na pagod na pagod na ako. Gusto ko naman papahingahin ang puso, katawan at isip ko. Gusto kong pumunta ng paraiso at takasan ang mundong ito. Tinaas ko ang kamay ko saka tinapat do’n ang blade na hawak ko. Nakatingin ako sa salamin kung saan naroon ang malungkot na ako. Umiiyak, sumisigaw, hindi alam ang gagawin at tila mawawala na sa sarili.

Gusto ko ng maging malaya sa mundong puno ng problema. Sa mundong hindi mo alam kung binuhay ka lang para maging laruan ng iba. Pero may mga bagay na masaya. Ang naging parte ako ng isang pamilyang kahit hindi ako lubos na kilala tinanggap ako ng buong-buo.

Mahal na mahal kita Zainbien.

Buong p'wersa kong hiniwa ang pulsuhan ko. Lumabas do’n ang likido ng dugo at naramdaman kong nanghihina ako. Tinuloy-tuloy ko hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang kakapusan ko ng hininga.

I wish I could be with you forever, Zainbien.

I WISH I COULD [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon