What the heck! Mamamatay tao! Demonyo!
Matapos magwalkout ng kriminal na Prince, hinalungkat ko agad sa bag ko ang cellphone ko. Tatawag ako ng pulis. Ipapakulong ko ang Prince na 'yun pero hinablot ni Ninang ang bag ko at pinakuha nya ako sa mga tauhan nila.
"Bitawan nyo ko! Saan nyo ko dadalhin? Bitawan nyo ko! " sa kabila ng pagpupumiglas ko ay hindi parin ako makawala sa mga taong humihila saakin. Saan nila ako dadalhin? Anong gagawin nila saakin?
Tinapon nila ako sa isang kwarto at ni-lock ako doon. Paulit ulit kong kinalampag ang pinto. Sigaw ako nang sigaw.
"PALABASIN NYO KO DITO! MGA HAYOP KAYO! "
Kung ano ano nang tumatakbo sa utak ko. Nagpapanik na ako. Anong gagawin nila saakin? Anong plano nila? Idedespatsya ba nila ako dahil witness ako? ANO?
Kailangan kong lumaban. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makita si Daddy, si mommy, ang kapatid ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay!
Sinubukan kong buksan ang bintana pero saradong sarado ito. Naghanap ako ng pwedeng magamit at wala sa loob kong binuhat ang fire extinguisher.
Balak ko nang basagin ang salamin sa
bintana nang gumalaw ang pinto at pumasok si Ninang bitbit ang isang maliit na tray na may lamang tubig at gamot. Nakangiti sya saakin na parang walang nangyare." Take this so you can have a proper sleep. " nilapag nya ang tray sa mesa. Ni hindi nya pinansin na hawak ko ang fire extinguisher.
"Tingin mo paano ako makakatulog matapos ang nangyare? " asik ko sa kanya. Paano? Paano rin nila nagagawang matulog sa gabi gayong alam nilang halimaw ang anak nila.
"You'll get used to it soon. "
Gusto kong masuka sa binigkas nya.
WHAT?"YOUR SON IS A CRIMINAL. HOW CAN I GET USED TO IT?! " tumaas na ang boses ko. Sinampal nya tuloy ako.
"If you want to live longer with him, get used to it and shut your mouth up! "
"There is no way I would live with him. Never! " diin ko. Hinding hindi ako magiging parte ng pamilyang ito. Lalong lalo nang hindi ako magiging asawa ng isang baliw at mamamatay tao.
"So what do you want to do now? " she asked obviously challenging me. Nakaarko ang isang kilay nya saakin na parang ako pa ang may problema saamin ngayon. "Call a police? Leave here? Okay. Do what you want. I'm leaving the door open. "
She snapped.Bahagya namang naputol ang dila ko.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa pintuang nakabukas ngayon at sa kanya.Gusto kong mabulok sa kulungan ang Prince na 'yun. Ayokong lumapit sya saakin at mas lalong hindi ko sya kayang pakasalan. Hindi ko kayang tumira sa isang bahay kasama sya, matulog kasama sya, kumain kasama sya, mabuhay kasama sya. Siguradong Papatayin lang rin nya ako kapag hindi ko sinunod ang gusto nya.
Pero anong laban ko? Hawak ng mga Lee ang gobyerno. Lahat kaya nilang bayaran. Lahat kaya nila lusutan.
Isa pa...
"What do you want, Kira? " Ninang repeated her question. "Do you want to back out? Make the deal off? Okay. You still have a minute to decide. Nasa byahe palang ang tao namin papunta kina Greg. Choose Kira. Your freedom or your dad?

BINABASA MO ANG
MARRYING A PSYCHOPATH
Mystère / ThrillerThis is the disturbing story of Kira Buenavista, who was forced to marry a murderous Psychopath and her determination of staying alive.