HELXIE'S POV
Hayts.. Ang bilis na ng araw parang kailan lang magkakasama kame.. Ngayon hindi na hayts.. Andito nako sa room. Pumasok nako. Sawa na kase ako kakalibot dito sa campus. Kaya nagpasya na ko na papasok na.
*RINGGGGG* *RINGGGGG*
Hala?! Bat napatawag si lolo?? Mag emergency ba? Sana wag naman.. Lumabas muna ako sa room para sagutin ko na yung tawag. Maingay kase.
"Lo? Napatawag ka? Bakit mo may nangyare po ba???"tanong ko bigla sakaniya. Tumawa naman siya
"Wala apo.. HAHA umuwi ka ng maaga mamaya ah. May surprise ako sayo"tawa niyang sabi
"Huh? Ano naman po yun lo?"taka kong tanong sakaniya
"Secret apo. Uwi ka ng maaga ah bye ingat."sabi niya. Magsasalita pa sana ako eh bigla niyang pinatay. Bastos na matanda si lolo HAHAHAHA juk.
Pumasok nalang ako sa room at nagbasa nalang.. Biglang pumasok si sir castro saamin. Kaya umayos na sila.
"Okay class! May announce ako sainyo since friday naman eh. Half day tayo!"announce ni sir kaya nag sigawan ang mga kaklase ko. Syempre gagala pa yung yan. Sakto naman para makauwi nako.
"Bakit naman sir?"tanong nag isa kong kaklase
"May meeting kame. Kaya sige makakauwi na kayo"sabi niya at nagsilabasan na sila. Ako naman inaayos ko pa yung mga gamit ko.
Natapos ko ng ayusin yung mga gamit ko. Deretso labas na ko. Nagmamadali na kase ako excited ako sa surprise ni lolo baka kotse na yun hahahaha charr.
Andito na si mang simon. Syempre sumakay nako. At maya maya nasa bahay nako.
"Lolo! I'm homeeeee"sigaw ko syempre lumabas naman siya naka chef hat ulit. Feeling talaga -,-.
"Apo. Halika na dali"sabi niya sakin at pinapunta naman ako sa kusina.
Katabi lang kase ng kusina yung dining table. Habang palakad ako eh bakit kinakabahan ako? Sheyt!
.
.
.
"Surprise! Apo andito na si mama mo"sabi niya. At nakita ko si mama andun sa may dining table na naka tingin sakin. Biglang lumandas yung mga luha ko.. Ang tagal kong nag hintay.. Akala ko hindi na siya babalik."Lo! Bat siya andito!"sigaw ko sakaniya at umiiyak ako.
"Apo naman.. Diba gusto mo ng makasama si mama mo?"tanong niya sakin
"Hindi na lo. Oo namimiss ko siya. Pero lo after 2 yrs ngayon lang siya babalik. Ano kung kailan niya gustong bumalik saatin. Dun siya babalik! Wow lang ah!!"sigaw ko at pinunasan ko na yung mga luhang lumalandas sa mga mata ko at pumasok na sa kwarto.
-
Iyak lang ako ng iyak dito hanggang sa nakatulog ako. Kakaiyak. And everything went black.-
![](https://img.wattpad.com/cover/236576025-288-k952174.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm a girl and i'm entering the ALL BOYS SCHOOL!! [COMPLETE]
Novela Juvenilmaling kurso ang pinapasok sakin ng aking lolo pero pano kung ang school na pinapasok sayo at ang room mo ay puno ng mga lalake. dito mo din matatagpuan ang isang tunay na kaibigan na ngayon mo lang naranasan.