"Minahal mo ako diba?" Nanghihina kong tanong.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kaniya.May ginawa ba akong mali? Nagkulang ba ako?
"I'm sorry Caryl pero--."Pinutol ko ang kanyang sasabihin.
"May pagkukulang ba ako? Wala naman diba? Please wag mo akong iwan nagmamakaawa ako sa'yo."Niyakap ko sya ng mahigpit, habang ang aking mga luha ay patuloy parin na umaagos. Ang sakit. Sobrang sakit. Bakit nangyayari sa akin ito.
Makikipaghiwalay siya sa akin ng walang sapat na dahilan."Caryl please. Ayoko na ikaw ay mahirapan pa. Minahal kita oo. Pero people do change. I'm sorry. Hindi ikaw ang nagkulang sa relasyong nabuo natin. Ako ang nagkulang, dahil hindi ko man lang nasuklian ang paghihirap at pag aahon ng relasyon natin. I'm no longer inlove with you. The feelings are now gone. Please Caryl, let me go. I don't want to be a prisoner in your love. I just want to end our relationship." Mahinang sabi nito sa akin. What!? I don't know why he's breaking up with me. Am I not perfect for him?
Hindi ako makapaniwala. Panaginip lang to diba? Gusto ko ng magising sa bangungot na ito. Nahihirapan ako masyado.
"I want to let you go."
"Yan lang ba ang dahilan mo? O sadyang may ma..ma.. mahal ka ng iba?"
Hindi kaagad sya nakapagsalita sa tanong ko. I knew it. He fell inlove with another girl.
"I-i'm sorry caryl, hindi ko sinasadya. I fell out of love to you. Hindi ko sinasadya. I'm so sorry." Bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, tinutusok ang puso ko.
"Why?" My heart is satrtig to fall into pieces. I don't know why but I still manage to say those words without a single crack in voice.
"Caryl.. Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan?" Alam kong ayaw niyang malaman ang sasabihin niya dahil para na rin hindi ako masaktan.
"It's because you're always comparing yourself to others. Hindi mo ba alam Caryl? Pinagtatanggol kita sa mga kaibigan ko dahil alam kong hindi ganoon ang ugali mo--."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at binigyan siya ng isang malaking sampal. Naniwala siya doon!? Bakit siya pa na mahal ko ang manghuhusga? Hindi ko na kinaya ang lahat kaya't tumakbo ako palayo kay Airon.
Punong puno ng luha ang aking mga mata. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Sobrang sakit. Ayoko na, hindi ko na kinaya.
Hindi pa ba sapat ang mga pagsasakripisyo kong ginawa? Ayoko na.
*beep*
Nanlalabo na ang aking mata ng hindi ko namalayan ang pagdating ng sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/29991617-288-k724953.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Into Pieces
RomanceMontefalco Series #1 Started: October 4, 2014 @adikkaychoco