Ang Speech Lab

229 1 0
                                    

Itago niyo na lang ako sa pangalang Myra. Nangyari itong nakakatakot na pangyayari noong 1st year highschool pa lang kami.

Second subject namin ang English at ang section namin ang nakaschedule gumamit ng speech lab. Dahil mga kabataan pa napagtripan namin paglaruan ito.Nagkukunwari kami na NASA radio station at kung ano ano ang sinasabi gaya ng mga naririnig sa radyo.Maya maya lang may nagpatugtog ng "Mary had a little lamb" palakas ng palakas yung pagtunog. Kaya tinanong ko yung kaklase ko kung naririnig nya din ba yun. "Kanina ko pa nga din naririnig yan eh baka si mam yung nagpatugtog." Sabi ni Mae, kaya tinanong ko sa teacher namin. "Mam kayo po ba yung nagpatugtog?"

"Ha? anong nagpatugtog? Hindi pa nga nakasaksak kasi inaayos ko pa yung speaker nagloloko kasi." sabi ng teacher namin.

Lahat kami nagtaka at kinabahan sa sinabi ng teacher namin. Sino yung nagpatugtog ng HINDI PA NAKASAKSAK?

Lahat kami ay nagulat at natakot biglang may nagsalitang babae na nanginginig ang boses sa kabilang linya.

WAG KAYONG MAINGAY!! UMALIS NA KAYO! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!

Habang kami ay takot na takot na may nakita akong babaeng nakaitim na makaluma yung suot na damit na sa sulok ng speech lab na nakangisi na parang demonyo at nanlilisik any kanyang mapupulang mating nakatingin sa amin.

Simula noon hindi na pinagamit pang muli ang speech lab at tinakpan na ang salamin nito.

Tungkol naman doon sa babaeng nagpakita napag alaman naming dating sementeryo yung paaralan na pinasukan namin.

SeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon