Mission Accomplished

14 4 3
                                    

"Natapos mo na ba mga assignments mo?" my sister asked. I was playing in my room when she suddenly barged in.

"How about knocking first?" I said with annoyance in my tone.

"Why? May di ba ako dapat makita lil brother?" natatawa nitong tanong. I shot her with my angry stare na mas lalong ikinatuwa ng kapatid ko.

She always had the talent to get into my nerves every time. I can really tell she's doing so good to the point where I want to kick her out of the house.

"I'll do my assignments later, get out," I commanded her though I know it would be pointless. Hindi ko na sya nagawa pang tingnan dahil abala ako sa paglalaro ng game console.

Sa halip na umalis ay pumunta sya sa unahan at tinakpan ng buong katawan ang screen. "Oh? So mas mahalaga pa yang game na yan kesa sa paggawa ng assignments mo Hiro?" nakapamewang nyang sabi.

"Can you stop bothering me?" naiinis kong sagot. "I said I'll do it later, bingi ka ba?"

"Mom told me to remind you. I'm just doing what I am told. Now get up there and do your assignment. That game can wait for later."

Hinila nya ang kanang kamay ko at pinipilit akong patayuin. Wala na akong nagawa kundi ang sundin sya.

Pagbaba ko ng staircase ay dumiretso ako sa living room para kunin ang bag ko. I saw my sister going to the sofa with a bowl of popcorn on her hand.

"Want some?" pag-alok nya sa akin. Umiling ako at dumiretso na sa kwarto.

Nang makarating ako sa loob ay ini-on ko ang ilaw sa lamp shade na nasa study table, at nagsimula nang gumawa ng mga assignments. Pagkatapos ay bumaba ulit ako upang maghilamos at magtoothbrush. Naabutan ko sya na nanonood ng palabas sa t.v.

Masyado itong nakatutok doon kaya di na nya namalayan na bumaba ako. After cleaning myself, I decided to sleep because I have early class tomorrow. Napangiti ako habang may naalala. Yes, tommorrow will be the day.

***

I woke up early to find my yaya preparing my breakfast. "Ya, si ate umalis na ba?" tanong ko sa kanya.

"Ay opo, maaga syang pumasok sa trabaho. Monday daw ngayon kaya baka matraffic," pagpapaliwanag nito sa akin. I just nodded and then started to eat.

"Eh si mama umuwi po ba kagabi?" muli kong tanong habang kumakain.

"Hindi po eh, mukhang nagpalipas sya ulit ng gabi sa opisina."

My mom is a workaholic woman. I don't despise her for that though. Mahirap ang maging single mom kaya kailangan nyang magextra effort sa pagtatrabaho. Sa pagma-manage ng kompanya namin.

My dad, Arthur Dela Vega, was the former CEO of the Dela Vega Group of Companies. Unfortunately, he died 6 years ago due to cardiac arrest. Kaya sinalo ni mama lahat ng naiwan niyang responsibilidad both as CEO of the company and being a father to both I and Ate Trisha.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagkain at pagkatapos ay inasikaso ko na ang aking sarili. Inabot ako ng isang oras sa pag-aayos pero maaga pa naman kaya hindi ako gaanong nagmadali.

Paglabas ko ng bahay ay nakaready na ang aking driver na ihatid ako sa school. I am currently a Grade 12 TVL track student with Automotive Servicing as my specialized subject.

After school ay agad na akong dumiretso sa bahay. Nagpalit ng damit at humarap sa aking game console para maglaro. Hindi pa man nag-iinit ang pagkakaupo ko nang biglang may kumatok sa pintuan. I immediately opened the door. Tumambad sa akin si Yaya habang hawak ang kanyang cellphone. She was trembling.

"S-ser, wag po kayong mabibigla," nagkakandautal-utal na ito sa pagsasalita. I put my hands on her shoulders at marahan itong pinisil para pakalmahin sya.

I looked straight at her before asking, "Kalma lang yaya, ano bang nangyari?"

"Sir, si Mam Trisha"panimula nito. Namumula na ang kanyang mata and is about to cry. "Yung kapatid nyo daw po naaksidente. Nagmalfunction daw po yung brake ng sasakyan kaya bumangga sya."

"S-saang ospital daw sya dinala? tanong ko. My voice was also trembling but I did not lose my composure. Mas mabuting kumalma sa mga gantong sitwasyon.

"San Lazaro Private Hospital daw po sir," pagsagot nito habang marahang humihikbi.

I didn't waste a single minute. Dali-dali akong nagpahatid sa aming driver papunta sa ospital kung saan daw isinugod ang ate ko. Pagdating ko roon ay dumiretso ako sa isang desk at nagtanong sa naka-upong nurse.

"Miss may pasyente ba kayong Trisha Dela Vega? She had a car accident, I'm her brother."

May tiningnan muna ito bago nagsalita. "Yes sir kakarating lang ng pasyente, she's at the ER. Right wing po, pinakadulong room."

Patakbo kong tinungo ang emergency room. There I found mom sitting on a bench. Mugto ang mga mata nito, at patuloy na humihikbi.

"Mom" pagtawag ko sa atensyon niya. She directed her eyes to me, she averted my gaze and pretended not to hear my call. Sumalampak ako sa sahig at sinamahan siyang maghintay sa update ng kalagayan ng ate ko.

Bumukas ang pintuan ng ER at lumabas ang isang lalaki na naka medical coat. "Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong nito.

"Yes Doc, I'm her mother, Celeste Dela Vega. Tell me ok na ba sya? Is she already safe?" sunod-sunod ang pagsasalita ni Mama. I can really tell that she is panicking. Well it is to be expected, anak nya ang nasa loob ng kwartong iyon. Nagaagaw-buhay.

"Wag po kayong mabibigla misis" he paused and heaved a sigh before continuing. I already knew what we are about to hear.

"Your daughter's dead."

"What?! H-hindi totoo yan. D-doc we have money, I can pay you. Please save my daughter Doc, hindi sya pwedeng mamatay!" Napaluhod na sya at umiiyak. She's desperately clutching the doctor's coat.

"We already did what we could. Her brain suffered too much tension from the acccident. She didn't make it. I'm sorry Mam" pagkatapos ay bumaling naman ito sa akin. "She will be transported to the morgue after an hour. Dun nyo na lang sya puntahan," he tapped my shoulders and then left.

Lumuhod ako sa tabi ni Mama at hinaplos ang kaniyang likod. She violently shook my hand away. Matalim syang tumitig sa akin habang umiiyak.

"It should have been you and not Trish! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi sya!" she shouted. Patuloy ang paghagulgol nito hanggang sa nahihirapan na siyang huminga.

She suddenly collapsed on the floor kaya agad akong umagapay. Luckily ay nasa ospital kami kaya agad na nai-admit si Mama. She was put on a room for monitoring.

"Masyadong nashock ang mama mo sa nangyari kaya sya hinimatay, she needs to rest for a couple of hours" the doctor said.

After an hour ay dumiretso na ako sa morgue. I saw a body wrapped in white blanket, so I approached it. Bahagya kong ibinababa ang tela sa may bandang mukha nito at tumambad ang itsura ng ate ko.

She was barely recognizable. Wasak ang ulo nito at namamaga ang mukha. Her skull is even visible maybe due to the severity of damage she acquired from the accident.

Muli kong ibinalik ang tela upang takpan ang kanyang mukha. I etched a smile on my face while looking at her corpse.

"Mission accomplished" I uttered joyously. Ibinaba ko ang aking mukha sa bandang tenga nito. "Serves you right bitch. Don't worry, Mom will follow you soon".



One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon