Two Lives

10 2 1
                                    

"Hanna don't prick that! Mas lalo yang dadami." Nagulat ako sa sigaw ni mama na nasa likuran ko lamang pala. She has her hands on her waist giving me a scolding look.

"Pero ma, pictorial for graduation na namin sa makalawa. I can't have my pics with this thing on my face" pagsagot ko habang hinahawakan ang malaking tigyawat na tumubo sa aking noo. "Bakit ba kasi ngayon pa, hays."

Lumapit siya sa akin at inalis ang kamay ko sa aking noo. "Then don't touch it. Mas lalong wag mong titirisin. It'll just worsen it." She slowly cupped my cheeks and inspected my face. "Mawawala rin to agad, maghilamos ka lang" my mom said. Pagkatapos ay tumungo na ito sa kusina upang maghugas ng mga pinagkainan.

Sinunod ko na lamang ang payo ni mama. Natatakot rin ako na baka nga mas lumala pa at dumami ang pimples ko kung ano pa man ang gawin ko. I finished grooming myself and grabbed my backpack.

"Ma alis na ko!" I was in the porchway as I shouted. Isang kaway mula sa kusina ang naaninag ko kaya naman dumiretso na ako sa kotse na maghahatid sa akin papuntang eskwelahan.

Pagpasok ko ng aming room ay agad akong sinalubong ni Alliah. "Pimple ba iyang nasa noo mo?!" bulalas na tanong ng bestfriend ko.

"May iba pa bang tawag dito?" sarkastiko kong sabi. Napatawa na lamang ang kaibigan ko sa aking sagot. Agad akong umupo sa aking upuan at inayos ang aking mga gamit. Nakabuntot naman si Alliah sa likod dahil magkatabi lamang kami ng upuan.

"Kapag minamalas ka nga naman. Our photo op is two days from now. Kapag hindi yan nawala ay magpapa-picture ka ng may tigyawat."

"You don't have to remind me that. Nag-aalala na nga ako bes." Sino ba naman ang hindi magwoworry sa gantong sitwasyon? Eepal ang pimple na to sa diploma picture ko kapag nagkataon and I don't want that to happen.

Hinawakan ako bigla ni Alliah sa magkabilang balikat bago nagsalita." Buti na lang talaga bestfriend mo ko!" she beamed at me. And I exactly know where this is going.

"Anong produkto nanaman ba ang iaalok mo saken?" pagtataray kong tanong. Dakilang businesswoman kasi ang kaibigan ko na kung ano-ano ang itinitinda. Hindi na rin bago sa akin na isa ako sa mga lagi nyang inaalok ng mga products nya.

"Kabisadong-kabisado mo na talaga ako bes!" marahang hampas nito sa aking balikat saka dumukot ng kung ano sa kanyang bag. "Oh eto pimple-remover cream" alok niya. "Effective to bes. Papahid mo lang twice a day, isa sa umaga isa sa gabi bago ka matulog. The fastest and easiest way to remove that shit on your face" pagpapaliwanag nitong animo'y saleslady sa O-shopping.

Alangan ako kung tatanggapin ko ba ang cream na inaalok ng kaibigan ko. "S-safe ba to?" alala kong tanong.

"Really? Yan talaga itatanong mo?" salubong ang kilay nitong sabi. "Gaga, malamang, hindi naman kita bibigyan ng ikamamatay mo noh?"

"Oo na. Naninigurado lang naman" bawi ko. "Siguraduhin mo lang na safe at effective to. Baka masira mukha ko."

"Sus, trust me. It's safe and DFA approved. Marami rin yang good reviews online. Just smear it into your face. Ikaw rin sige ka, malapit na pictorial natin" pananakot nito.

Sa huli ay binayaran ko rin sya kapalit ng pimple-remover cream na inaalok nya. Nang matapos ang klase ay agad akong umuwi sa bahay. Wala akong naabutang tao, maybe my parents are still at work.

Mom and dad are both genetics specialist in a world-renowned company. Normal na sa akin na lagi silang late umuwi dahil na rin sa kanilang trabaho.

Kinagabihan ay agad akong naghilamos. Before I slept, I smeared the cream on my forehead right where my pimple is. I immediately fell asleep afterwards.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon