Naunang pumasok sa akin si Sofia. 5Am kasi ang In niya samantalang ako ay 6Am pero sabay ang uwian namin.
Paakyat na ako ng building at agad na pumasok sa department ko. Ngunit bago pa man ako makaupo sa aking pwesto ay natigilan ako dahil sa isang bugkos ng rosas na nasa table ko.
" Oyy, may bago ka atang admirer ngayon,Shaniah?" biglang lapit sakin ni baklang Josh.
" Sino ang naglagay nito?" takang tanong ko.
But he's only shrugging his shoulder. Lumingon lingon ako sa buong department at natanaw ko si Sofia mula sa kanyang upuan na nakatingin sa akin. Magkaiba kami ng department ngunit magkatabi rin lang naman ito.
Lumapit ako sa kanya dala ang rosas.
" Do you know who put this, Sofia?" I asked her habang nakakunot ang noo ko.
"Hindi ko alam. Pero may idea ako kung sino,"
Mas lalong kumunot ang noo ko samantalang siya ay nanatiling nakatingin sa akin.
" Who?" I asked.
"Who else,then?" balik tanong niya sa akin.
Napairap ako ng mata nung makuha ko ang tinutukoy niya.
"Imposible," angal ko.
" Para sayo, imposible. Pero para sa kanya na may gusto sayo. Posible."
"Pwes, hindi ako interesado sa kanya!"
"Dapat lang ,Shaniah dahil malilintikan ka talaga sakin. "
Hindi na ako sumagut at sa halip ay tinalikuran ko na siya. Iniwan ko sa kanyang table ang rosas.
" Hoy! Yung rosas!" sigaw niya.
" Sayo na yan!" sagut ko at naupo na ako sa pwesto ko.
*****
Mabilis na tumakbo ang oras at isang oras na lang ang kulang ay lunch break na.
Natigilan kaming lahat ng pumasok si Mr. Sean Guzman. Agad na natuon ang paningin niya sa akin kaya naman nag iwas ako ng tingin.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa trabaho ngunit muli akong natigilan ng makitang may nakatayo na sa aking harapan.
Napaangat ako ng tingin at hindi nga ako nagkamali. Siya ang nasa harapan ko. Palihim kong sinulyapan si Sofia, nakakunot na masyado ang noo niya at ang sama -sama ng paningin niya sa kin.
" Hi,"
Naibalik ko ang aking atensyon sa taong nasa harap ko.
" Good morning ser Sean," I greeted him.
"Nagustuhan mo ba?"
Nangunot naman ang noo ko.
"Ho?"
"I'm talking about the roses. "
Natigilan ako. Tama nga si Sofia. Nang galing sa kanya ang bulaklak na yun. Muli kong sinulyapan si Sofia at medyo nanlaki ang mata ko hawak² niya ang bugkos ng rosas at itinapon iyon sa basurahan.
" Ms. Shaniah?"
"A-Ahh, sa inyu pala galing yun ser Sean? Para sa akin ba yun?"
"Yes," he answered and then smiled.
" Ah,Salamat ser Sean. Maganda." pilit ang ngiting sagut ko.
" Thank you dahil nagustuhan mo. "
YOU ARE READING
Your Promise,Babe
Short StoryPromised makes us to hold on whatever the life may brings.