Nagising ako kinabukasan. Napahawak pa ako sa tiyan ko ng bigla ay kumalam ito. Bumangon ako at naupo sa kama. Muli kong naramdaman ang sakit ng maalala ang nangyari kahapon at gaya kahapon ay nag uunahan na naman ang aking mga luha.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap, siguro nga hindi ko talaga ito matanggap.
Pitong taong relasyon na iniingatan ko ngunit sa isang iglap lang ay nawasak lang ito ng ganun kadali.
Ang hirap. Naaawa ako sa sarili ko. Ginawa kong tanga ang sarili ko. Naghintay ako sa taong hindi na babalik. Umasa ako sa taong kinalimutan na pala ako at ang pinagsamahan namin.
Noon , ipinagmamalaki ko siya dahil ang akala ko iba siya sa lahat. Na akala ko hindi niya alam ang salitang manloloko. Pero siguro nga hindi lang siya may alam, kundi marunong pa. Napakamarunong. Nagawa niya akong saktan ng todo sa hindi maipaliwanag na dahilan. Gusto kong mag mura. Gusto kong magalit ng todo. Gusto kong magwala pero hindi pa naman ako nasisiraan ng bait. Kaya ko pa sigurong bumangon muli. Babangon ako ng nag iisa. Nang hindi na siya kasama.
TOOK TOOK TOOK
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Hi," bungad sa akin ni Sean.
"What are you doing here?"
"I'm checking you. How are you?"
"What do you think?"
Nagbaba siya ng tingin. Halatang napahiya.
"I'm sorry,"
"Why you sorry?"
"I'm sorry about what my brother has done."
"It's not your fault so do not feel sorry."
"Still, I'm sorry. Hindi ko alam na may kasintahan pala siya na naiwan sa Pilipinas"
"Let's not talk about it. I want to be alone so you can leave here now. Thanks for visiting. Don't worry. I'm okay." after saying those words, I closed the door and went back to my bed and sit.
ITINAWAG ko na lang sa baba ang order ko . Ayokong lumabas. Gusto kong magmukmuk.
I checked in for one month dahil sana sa plano kong surpresahin si Zake. By next week ay ang ikawalong anibersaryo na namin. Kaso, wala na. Nahinto na at ang masaklap pa. Napakasakit ng pagkawala nito.
NASA kwarto lang ako magdamag. Nakahiga magdamag habang naglalakbay sa kung saan ang aking isipan. Kahit saan na ang narating nito ngunit iisa lang ang laman. Siya lang. Simula ng magkakilala kami. Hanggang sa naging magkaibigan. Hanggang sa nagkagusto kami sa isa't-isa at hanggang sa minahal na namin ng lubos ang isa't-isa.
Ang sarap balikan ang nakaraan. Sana nanatili na lang kami sa nakaraan, hindi na sana ako nasaktan at nabigo ng ganito.
Ang kaisa -isang taong pinagkakatiwalaan ko ay iniwan at ipinagpalit lang ako sa di malamang dahilan.
Ano kaya ang dahilan mo ,Zake? Karapat dapat kaya ang mga dahilang iyan? Mababawasan kaya ang sakit na naramdaman ko kung malaman ko ang dahilan mo? Matatanggap ko kaya ito ng buo na mayroong pag unawa sa aking puso? Sa palagay ko. Hindi ko alam kung makakaya ko ba.
Sana ,hindi na lang kita nakilala pa ,Zake hindi na sana ako nasaktan ng ganito.
****
LUMIPAS ang dalawa, tatlo, apat hanggang anim na araw ay nasa kwarto parin ako. Ilang ulit na ring pumarito si Sean upang kausapin ako ngunit hindi ko siya kinausap. Gusto kong mapag isa.
YOU ARE READING
Your Promise,Babe
Short StoryPromised makes us to hold on whatever the life may brings.