Nagising ako kinabukasan. Ito ang araw na isasama ako ni Sean sa kasal ng kanyang kapatid. Ayaw ko man ay wala na rin akong magawa pa.
10 o clock magsisimula ang seremonya ng kasal. Kaya agad akong nag ayos ng sarili at isinuot ang ipinadala ni Sean kahapon.
RIIINNNGGGG
The service phone in my room rang.
I answered it. "Hello?"
"Good morning ma'am Shaniah Valdez. I would like to tell you that Mr. Sean Guzman is already in the lobby waiting for you to come down." wika nito.
" Okay, " and I ended the call.
Lumabas ako sa kwarto at agad na sumakay ng elevator. Ngumiti naman sa akin ang receptionist na marahil ay ang tumawag sa akin kanina lang. Nakangiti niyang itinuro si Sean na nakatayo sa di kalayuan sa akin.
Nang makita ako nito at agad itong lumapit sa akin na nakangiti.
"Hi beautiful" nakangiti niyang bati.
"Good morning," malumanay kong sagut.
"Let's go?"
"Hmm."
At sumakay na kami ng sasakyan niya.
LULAN ng sasakyan ay hindi ko na maintindihan ang aking naramdaman. Hindi ako nagsalita. Subrang kaba ang naramdaman ko ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. May kung anong takot din akong naramdaman.
"We're here." wika ni Sean kaya napatingin ako sa hinintuan namin.
Huminto kami sa isang malaking simbahan. May ilan-ilan na ring nag sidatingan . Halata sa bawat isa ang karangyaan.
Umibis kami sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Sean ng pinto. Kusa na akong bumaba.
"Napaka special ng kasal nuh?" naisatinig ko habang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng simbahan.
"Medyo. Come" Sean.
Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng simbahan. Marami na ang mga bisita na nadoon. Halos lahat ay dugong Amerika.
Napalingon pa ang ilan saming dalawa ni Sean habang naglalakad papunta sa gitnang bahagi ng upuan.
"Oh, hijo Sean!"
Biglang salubong ng isang may edad na ginang kay Sean.
" Mom!" and he hugged that lady which is his mom.
"I didn't know that you're with a beautiful lady?" sabi nito na sumulyap pa sakin.
"She's my friend mom. Shaniah meet my mom. Mom this is Shaniah." pagpapakilala ni Sean saming dalawa. Nakita ko sa mukha ng ginang na bahagyang nangunot ang kanyang noo ngunit agad ding nawala.
"Shaniah?" nakangiting wika nito sa akin.
"Yes ma'am. Shaniah. Shaniah Valdez. It's my pleasure to meet you ma'am." sagut ko sa kanya at natigilan naman siya.
"Oh, okay. Nice meeting you too. Ah, hijo, excuse me for a while . " paalam nito sa anak.
"Ok," Sean replied.
Umalis naman ang kanyang ina na hindi na kami nilingon pa.
Naupo kami sa isa sa mga upuan doon.
Palihim kong inilibot ang aking paningin. Hindi ko na nakita ang ina ni Sean. Kinabahan kasi ako sa mga titig niya. Para siyang nangunguwestyon kung bakit ako nandito. At parang hindi niya nagustuhan ang aking presensiya.
YOU ARE READING
Your Promise,Babe
Short StoryPromised makes us to hold on whatever the life may brings.