Dalawang linggo na mula nung huling tawag ni Zake sa akin. Hindi ko maiwasang malungkot ngunit pinili kong intindihin ang sitwasyon niya. Kahit sa ganitong bagay man lang maiparamdam ko sa kanyang nasa tabi lang niya ako. Na naintindihan ko siya sa kanyang mga desisyon.
Limang buwan na akong nangungulila sa kanya. Limang buwan na ang nakalipas mula ng umalis siya papuntang Amerika.
Kahit pa nalulungkot ay pilit kong naging kaswal. Hindi ko pinapahalata ni Sofia ang kalungkutang pilit kong kinukubli sa aking puso. Nagpapasalamat na rin ako't kahit pa galit siya sa akin dahil kay Sean ay hindi niya parin ako iniiwasan bagkos mas humigpit pa nga siya. Si Sean naman ay naging permanente kong tagahatid . Kahit pa tutol si Sofia ngunit ipinaliwanag ko sa kanyang walang namagitan samin ni Sean at hindi mangyayaring may mamamagitan sa amin. Mabait si Sean. Maalaga. Para niya akong syota kung ituring . Ngunit pilit kong iwinawaksi ang paghangang naramdaman ko sa kanya. Hindi ako dapat na humanga sa ibang tao. Kay Zake lang dapat.
Pumunta ako sa pad ni Zake. Hindi ko napigilang umiyak ng maalala ang mga alaala namin. Pumasok ako sa kwarto at inilibut ang paningin sa kabuuan. Napangiti ako ng pait ng maalala ang masayang tagpo na nangyari sa amin nang gabing iyon. Subrang saya ko. Siya lang ang nakapagparamdam sakin nun. Naupo ako sa kama habang marahang hinihimas ito. Nadapo ang paningin ko sa kamay kong may suot na singsing. Hindi kita huhubarin dahil hindi ako susuko.
Naglinis ako sa buong pad ni Zake at nakangiting inilibot kong muli ang paningin sa kabuuan nito matapos kong maglinis.
Habang nakatitig sa kama ay may nabuong desisyon ang aking isipan. Desisyon na natitiyak kong hindi magdudulot sa akin ng kapahamakan. Wala akong ibang hiling kundi ang masilayan siyang muli at mayakap ng napakahigpit.
****
"Wow! Saan ka pupunta at nag leave ka ng 1 month? Ang tagal nun ah?" tanong ni Sofia sakin mula sa likuran ko.
"Pupunta akong Amerika Sofia"
At gaya nga ng inaasahan ko ay nabigla siya. Mula nung pumunta ako sa pad ni Zake ay iyan ang nabuo sa isipan ko. Puntahan ko siya sa mismong araw ng anibersaryo namin.
"For real?" bumilog ang matang tanong niya.
"Yes, gusto ko siyang surpresahin sa araw ng anniversary namin ,Sofia. Miss ko na siya masyado. Hindi naman siguro magagalit ang parents niya kung bibisita ako sa kanya, diba?"
"Psh! Oo naman, paniguradong magagalak iyon kapag nakita ka."
Hindi ako nakasagut. Inaalala ko ang gabing tumawag ako kay Zake at ang ina niya ang nakasagut. Bakas sa pananalita nito ang pagiging istrikta . Napabuntung hininga ako nung maalala ang sinabi niya sa akin. Ngayon paman ay gusto ko ng humingi ng paumanhin sa kanya. Pwede ko iyong gawin ngunit sa ibang paraan. Mabibigyan ko ng kapayapaan si Zake na kasama ako.
"Oh eh, tulala na naman?" natauhan ako ng kinalabit ako ni Sofia.
"Inisip ko lang ang magiging kahihinatnan ng lakad ko, Sofia."
"Excited ka naman masyado."
"Hindi ko mapigilan eh,"
"Sesss ... Eh kailan ba ang flight mo?"
"Sa makalawa pero bukas ay hindi na ako papasok."
"Ma miss kita, Shaniah." at yumakap sa akin.
"Ang OA mo. Isang buwan lang naman akong mawawala eh,"
"Kahit na. Wala ng maganda dito sa opisina." nakanguso niyang wika.
YOU ARE READING
Your Promise,Babe
Short StoryPromised makes us to hold on whatever the life may brings.