Chapter 4: Unang Gabi, Nagkatabi

869 18 1
                                    

Steve: Walang problema kahit magkatabi tayo at Oks lang kung nakabrief ka matulog kasi parehas lang tayo.

Sabay alis ng kumot na nakabalot sa katawan niya at talagang hindi ko inaasahan ang aking nakita.......

------------------------------------

Jerome POV

Hindi ko inaasahan ganun pala kaganda ang katawan ni Steve. Napaka swerte naman nitong taong ito nabiyayaan na nga ng magandang mukha pati magandang katawan hindi rin pinatawad. Alam kong may katawan din ako pero ibang iba sa katawan ni Steve, kung iyon sa akin ay lumaki dahil sa pagtatrabaho at pagbabanat ng buto, iyon sa kanya naman ay mukhang hinubog ng magandang training sa gym at matinding disiplina sa katawan.

Nakahiga na ako sa kama at nakabalot sa kumot ng biglang binuksan ni Steve ang ilaw sa kwarto. Meron lang daw itong ilalagay sa mukha niya bago matulog. Hindi ko mapigilan ang sarili na tingnan ang ginagawa niya, meron itong cream na nilalagay sa mukha niya. Nakita niyang tinitingnan ko siya kaya tinawag niya ako....

"Tol.....halika dito.....lagyan din kita nito...tumayo ka muna diyan"

Tumayo ako sa kama at tinungo ko siya. Natatawa lang ako at parehas kaming brief lang ang suot. Sa totoo lang naiilang ako pero hindi ko pwedeng ipahalata at baka kung ano ang isipin niya.

"Ano ba iyang nilalagay mo sa mukha?" tanong ko.....

"Moisturize Tol....." sagot niya...

..........ganito ba talaga ang mga lalaki sa Maynila, para naring babae sa dami ng nilalagay sa mukha na pampaganda? pampagwapo? bulong ko sa sarili..........

Biglang humarap sa akin si Steve at nilagyan din ang mukha ko......

"Teka lang Steve....hindi ba mangangati ang mukha ko nito?, first time ko lang maglalagay nyan"

"Hindi.....akong bahala pag naka allergy ka....nurse kaya ako.... ay mali nursing student palang pala...."

Halos magkadikit na ang aming katawan sa ginagawa ni Steve. Pinipigilan ko lang ang sarili baka tigasan ako, tiyak kitang kita iyon at naka brief nga lang ako.

"Matagal pa ba Tol?" tanong ko...

"Ito matatapos na..... kailangan kasi pantay pantay sa buong mukha ang paglagay nito" sagot naman niya

Lumayo ng konti sa akin si Steve at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Tol, san ka nag wowork out?" biglang tanong niya....

"Ha? Hindi uso dito yan.....hindi ko pa nasusubukang mag gym" sagot ko naman.....

"Seryoso....napansin ko, maganda din ang katawan mo.....paano gumanda ng ganyan kong hindi ka nag wowork out?"

"Ah...lumaki lang ito kakabanat ng buto at pagtatrabaho sa bukid"

"Astig....kaya pala parang natural na natural ang dating....bagay sa iyo ang ganyang katawan....tiyak maraming nagkakagusto sa iyo na babae at mga bakla dito sa inyo"

"Nagsalita ang hindi maganda ang katawan....tingnan mo nga yan katawan mo parfect na perfect para sa iyo. Parang iyong mga nakikita ko lang na mga model sa magazine. Ako ang sigurado na maraming nagkakagusto sa iyo. Hindi ka lang gwapo, maganda pa ang katawan mo"

"Pero Tol mas gusto iyang katawan mo....mukhang masarap!"

"Ha.....MASARAP?"

"Oo, masarap kayakap.....Payakap mamaya Tol....mukhang malamig dito sa inyo"

"Baliw.....ayan ang kumot....magkumot ka!" sabay hagis ng kumot sa kanya......

"Steve....matulog na tayo....patayin mo na ang ilaw.....antok na ako"

"Ok....Tol....papatayin ko...."

First time ko may makakatabing lalaki sa pagtulog, except syempre sa Tatay at mga Kuya ko. Bakit ba kasi naisipan kong takutin ang taong ito, tuloy wala akong choice kundi patulugin sa kwarto. Naramdaman ko nalang na humiga na si Steve sa tabi ko. Pinilit kong hindi na gumalaw para isipin niyang tulog na ako. Pero mukhang pasaway talaga itong taong ito at naramdaman ko nalang na kinakalabit ako....

"Tol.....tol......tol....Jerome, tulog kana? Hindi ako makatulog.....nawala antok ko bigla" pangungulit nito....

"Matulog na tayo Steve......magbilang ka 1 to 1,000 para antokin ka" sagot ko naman.....

"Hindi naman ako aantokin sa pagbibilang eh!....iba ang ginagawa ko para makatulog".....

"Edi gawin mo para makatulog na tayo".......

"Sigurado ka....pwede.....baka mauga ko ang kama at hindi ka makatulog"

Bigla akong napa isip kung ano ba ang gagawin niya para makatulog at bakit mauuga ang kama. Loko ito ha, baka mag masturbate pa ito sa tabi ko. Bigla akong humarap sa kanya at sinabing.......

"Loko....kung ano man iyang ritwal mo para makatulog, huwag mong gawin dito sa kama at kwarto ko. Doon sa kabila......mag iiwan kapa ng tiyanak dito"

"Ganun ba? Sabay nalang tayo Tol para masarap tulog natin...."

Malibog din pala itong taong ito, unang gabi palang gusto na ng jamming session. Oo ginagawa ko din iyon minsan bago matulog, pero ako lang mag isa.

"Baliw ka talaga Steve, itulog mo na nga lang iyang libog mo...."

"Sige na nga....next time nalang Tol"

Tumalikod ulit ako sa kanya at mas kumportable ako sa ganun pwesto. Nakakainis at ako naman ang nawala ang antok. Biglang tumahimik ang paligid at nakarinig ako ng mahinang paghilik. Tiningnan ko ang pwesto ni Steve at sa wakas tulog na ang loko. Ibang klase din matulog ang taong ito ang laswa. Naka brief na nga lang, nakabukaka pa. Ang matindi nito nakapasok pa ang isang kamay sa loob ng brief niya at tila nilalaro ang alaga.

Tumalikod ulit ako at kailangan umiwas sa tukso. Mahirap na at kung ano pa ang magawa ko. Papikit na sana ako ng bigla napayakap sa akin ang loko. Narinig ko din itong bumubulong......

"Tol....ang lamig, payakap ha......"

Umibig sa Probinsyano (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon