Chapter 2: Promdi Kid

1.1K 22 2
                                    

Alas otso ng umaga, halos mapuno ng tao ang plaza. Parang nakakapanibago lang at halos lahat ng tao sa barangay ay narito. Iisa lang naman ang pag uusapan, ito ay tungkol sa mga nursing students galing Maynila. Parang sa tingin ko excited ang lahat dahil first time itong mangyayari sa aming lugar.

.......Ano ba ang gagawin ng mga nursing students dito sa amin sa loob ng dalawang linggo?..... tanong sa isip ko.

Maya maya dumating na si Kapitana para ipaliwanag ang mga mangyayari sa mga darating na araw.  Nakatakdang dumating ang mga nursing students galing Maynila ngayon hapon. Ayon kay Kapitana narito ang mga estudyante para sa kanilang taon taon na "community immersion". Sila ay mamumuhay sa loob ng dalawang linggo kasama ang mapipiling foster family. Dagdag pa ni Kapitana, wala dapat ipag alala ang mga mapipiling foster family dahil ang mga estudyante ay kailangan mamuhay base sa uri ng buhay meron ang kanyang foster family. Walang luho, walang sosyalan....in short susubukan ang simpleng buhay sa probinsya, sa bukid at ang pagiging magsasaka.

........mga taga Maynila, sigurado bang makakaya nila ang buhay magsasaka, mukhang mahihirapan sila nito......

Pero ang tila kinatuwa ng lahat ay ng ibalita ni Kapitana, na kasabay ng kanilang pananatili sa barangay ay magkakaroon sila ng ibat ibang programa. Ilan nga dito ang mga libre pagtuturo tungkol sa kalinisan at mga usapin sa kalusugan. Magkakaroon din sila ng mga feeding program, livelihood program, free dental service gaya ng bunot na halos kinatuwa ng lahat na talagang hindi pa nakakaranas ng ganyang serbisyo. Hindi pa tapos dahil ang pinaka highlight ng pagbisita nila ay ang pagkakaroon libre konsulta sa doctor at gamot, libreng operasyon sa mga bukol at ang libreng tuli sa mga kabataan.

.........wow! parang napakaswerte ng aming barangay at kami ang makakatanggap ng mga ganun serbisyo mula sa mga nursing students na darating. Pero mas excited ako kung sino kaya ang titira sa bahay at makakasama ko.......

Kitang kita sa lahat ng ka-barangay ko ang labis na tuwa at excitement sa mga sinabi ni Kapitana, lalong lalo sa mga programa at serbisyong dala ng mga taga Maynila. Pagkatapos magsalita ni Kapitana, lumapit ako dito para sabihin ang binilin nila Nanay at Tatay.

"Magandang Umaga po Kapitana" bati ko

"Oh, Jerome ikaw pala yan...kelan ka dumating at kamusta ang pag aaral?"

"Kahapon lang po ako dumating Kapitana at ayos naman ang pag aaral. Oo nga pala Kapitana, pinapasabi ni Nanay at Tatay na payag na silang maging foster parents.

"Haay..salamat kung ganun... pakisabi kay Nanay at Tatay mo salamat... ako nalang mismo ang maghatid sa estudyante sa bahay nyo pag dumating na sila mamaya"

"Sige po Kapitana, salamat po! alis na ako at tutuloy pa ako sa bukid"

"Ay sya nga pala pakisabi narin, salamat sa mga gulay na pinadala sa bahay noong isang araw."

"Ok po....mauna na po ako at maraming salamat"

Dumiretso na agad ako sa bukid para makatulong kina Nanay/Tatay at sa mga kapatid ko. Medyo mahaba haba ang lalakarin papunta sa bukid pero na miss ko ito kaya ayos lang sa akin. At isa pa marami akong nakikita at nakakasalubong na mga kabarkada sa daan kaya nalilibang din ako.

Umibig sa Probinsyano (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon