Chapter 1: Buhay Probinsya

1.2K 23 6
                                    


Jerome POV

Ako po pala si Jerome, 20 years old na ako at taga Isabela, 5'9 ang taas at moreno. Hindi ako gwapo, hindi rin ako pangit (cute lang siguro). Maganda ang hubog ng katawan hindi dahil sa gym kundi dahil sa mga gawain sa palayan. Tama po, laki ako sa bukid, may sarili kaming mga lupa na natataniman ng palay at iba't ibang gulay. Yan ang kinabubuhay namin at ang tumutustos sa aking pag aaral. Nasa 2nd yr. college na ako sa kursong Marine Engineering gusto ko talagang maging seaman at sa lugar namin ang talagang yumayaman ay yun mga sumasakay ng barko. Kaya todo kayod ang buong pamilya ko para masuportahan ako. Tuwing pasukan lumuluwas ako sa kalapit na lalawigan at nakikitira sa tita ko. Kapag bakasyon naman at walang pasok umuwi ako ng Isabela para makasama ang pamilya at para makatulong narin sa bukid kahit minsan.

Bunso ako sa magkakapatid, 3 kami puro lalaki...(pero may isang pusong babae...ako!). May asawa na ang dalawa kong kuya, may kanya kanya naring silang pamilya. Binigyan na sila ni Tatay ng sarili nilang lupa para sa kanilang kabuhayan. Maganda ang pagpapalaki sa amin kaya lumaki kaming responsable at may takot sa Diyos.

Summer Break....

Sa wakas tigil muna sa pag aaral at ito yun panahon na kailangan ko din suklian ang pagsasakripisyo nila Tatay at Nanay. Kailangan naman tumulong sa bukid at pagsasaka.

Unang araw ko sa bahay, buhay bukid ulit ako at talagang namimiss ko ito. Alas singko ng umaga......

Tok...tok...tok....sunod sunod na katok ang gumising sa masarap kong pagkakatulog....

"Opo...nandiyan na...babangon na po"....medyo inis na sabi ko.

Agad akong bumangon at binuksan ang pinto, si Nanay pala...

"Kayo po pala Nay, bakit po? Masyado yatang maaga ang pagkakagising nyo sa akin"...tanong ko

"Anak pasensya na...hindi ko nasabi kagabi na ikaw muna ang pumunta sa plaza mamayang alas osto at nagpatawag si kapitana ng pagpupulong tungkol doon sa mga estudyante na darating galing manila" payahag ni Nanay

"At maaga kami sa bukid ngayon ng tatay mo at kailangan ng pitasin ang mga tanim nating sitaw at upo" pahabol nito...

"Yun lang po ba Nay...sige po akong bahala....at sya nga po pala Nay pagkatapos ng pulong diretso nadin ako sa bukid para makatulong"...sagot ko

" Salamat Anak....Oh! sya pagtapos mo magligpit ng higaan, bumaba kana at nakahanda na ang almusal baka pag dumating ang mga kuya mo maubusan ka na naman"

Totoo pala iyon naririnig kong usapan ng mga kapitbahay at kaibigan ko. May darating daw na mga grupo ng nursing student mula Maynila at maninirahan dito sa amin sa loob ng ilang linggo. Ang sabi pipili daw si Kapitana ng mga pamilya mula sa aming barangay na magsisilbing foster family nila. Marami ang natuwa at nag-aabang lalo na ang mga kalakalihan sa amin. Balak sigurong pormahan at ligawan ang mga babaeng nursing students. Akala mo naman papatulan sila, sino ba namang taga Maynila ang magkakagusto sa amin mga probinsyano. Kung ang mga kabataan ay natutuwa ang mga magulang sa lugar namin ay may konting pagtututol sa bagay na ito. Siguro dahil hindi pa talaga malinaw ang pakay nila dito.

Maagang pumunta sila Nanay at Tatay sa bukid. Pagkatapos kong iligpit ang higaan agad akong bumaba at tila narinig ko ang dalawa kung kuya na nasa kusina at baka maubusan na naman ako ng almusal.

Kuya Jonathan: "Bunso bumaba kana at mauubusan kana ng pagkain"...

Kuya Julius: "Parito na at kwentuhan mo naman kami at kamusta na ang pag aaral mo?"...

Haay....nandiyan na nga sila at sigurado akong nasa " hot seat" na naman ako....

"Bababa na po....sandali lang"... sagot ko....

Bago bumama kinuha ko muna ang 2 malalaking paper bag. Laman nito ay mga pasalabong sa kanilang dalawa, sa kanilang asawa at sa mga pamangkin ko. Doon napupunta ang konting naiipon ko sa sobrang allowance, alam ko sa simpleng paraan na iyon ay napapadama ko ang lubos kong pasasalamat sa kanila.

"Para sa dalawa kong masisipag...mababait at mga gwapong kuya" panggulat na salita sabay abot sa bawat isa ng kanilang paper bag...

"Wooohhh....kita mo naman talaga itong si bunso oh..hindi talaga nakakalimot" saad ni Kuya Jonathan...

"Iba talaga yan si bunso, bukod sa nag aaral ng mabuti eh hindi parin tayo talaga nakakalimutan" pahabol ni Kuya Julius...

"Ano ba itong dalawang kuya ko...ang lakas mambola... syempre!....ako kaya dapat ang magpasalamat kung hindi dahil sa kasipagan nyo at nila Nanay at Tatay hindi ako makakapag aral. Naku pag nakatapos lang ako at nakasakay na ng barko, antayin nyo lang...hindi lang yan ang matatanggap nyo" pagyayabang ko....

"Teka baka ubusan nyo ako ng almusal..ano bang meron dyan? tanong ko...

"Nagtanong kapa, unang araw ng bakasyon mo, syempre yung paborito mo...pritong tuyo, itlog na maalat na may kamatis at adobong sitaw fresh mula sa taniman natin, si Nanay lahat ng luto nyan" pahayag ni Kuya Julius

"Wow...makakain na nga muna...oopps! wala munang magtatanong ha....kakainin muna ako at talagang na miss ko ito" sambit ko

Habang abala ang dalawa sa bigay kong pasalubong, bigla nalang nabanggit ni kuya Julius ang tungkol sa mga bisita ng barangay galing Maynila.

"Bunso.....ikaw na magsabi kay Kapitana na pumayag na sila Nanay at Tatay para maging foster parent. Tutal nandito kana at may makakasama na iyong estudyante na ka-edad niya dito sa bahay"

"Ha.....ganun ba? hindi ba nakakatakot na magpatira tayo ng hindi natin kakilala"

"Ano kaba bunso,kasama daw un sa grades nila kaya tiyak magiging mababait lahat un. At tsaka mga future nurse un at mukhang anak ng mga mayayaman...kaya sigurado akong matitino ang mga iyon..."

"Naku kung anak mayaman ang mga yun....kakayanin ba nilang mamuhay dito sa bukid..."

"Yan ang alamin mo bunso kasi simula bukas may kasama kana dito.....at sya nga pala doon mo siya patulugin sa kabilang kwarto at nalinis ko na iyun nun isang araw"

Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko at tiyak isang kakaibang bakasyon ang mararanasan ko.

Umibig sa Probinsyano (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon