Chapter 5: Maganda Ang Gising

1K 24 3
                                    

Tumalikod ulit ako at kailangan umiwas sa tukso. Mahirap na at kung ano pa ang magawa ko. Papikit na sana ako ng bigla napayakap sa akin ang loko. Narinig ko din itong bumubulong......

"Tol....ang lamig, payakap ha......"

-------------------------------

Jerome POV

Nagising ako ng wala na si Steve sa tabi ko. Tiningnan ko ang orasan at 6:00 palang ng umaga. Bumangon ako para silipin kung nasa kabilang kwarto siya, pero wala din siya.

........ang aga naman yata niyang gumising, nasaan na kaya iyon at ano naman kaya ang ginagawa........

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng higaan. Bumaba na ako para hanapin ang loko. Nasa hagdan palang ako ng may naamoy akong masarap na niluluto.....

"Nay....ano po ang niluluto nyo? Ang bango ha"

"Tol, gising ka na pala......mabango ba?"

Nagulat ako at hindi pala si Nanay ang nagluluto kundi si Steve. Aba at marunong din pala sa kusina itong taong ito. 

"Nasan si Nanay at bakit ikaw ang nandiyan?" tanong ko....

Biglang sumilip si Nanay at nandun din pala siya sa kusina at pinapanood si Steve.

"Nandito lang ako Anak at itong si Steve, ang aga agang kinulit ako at siya daw ang magluluto ng almusal natin.

Lumapit narin ako pumunta ng kusina.....

"At ano naman ang inihanda mo para sa almusal natin at naunahan mo pa talaga akong magising"

"Fried Spam in Sweet Chili Sauce and YangChow Fried Rice" sagot ni Steve......

"Ha? "

Ang tanging nasagot ko at hindi ko talaga alam kung ano iyon. Pero pangalan at amoy palang mukhang masarap naman.

"Diba Anak tawag palang pang mayaman na, kaya sigurado akong masarap din iyon. Sayang lang at hindi makakapunta ang mga Kuya mo at may aayusin daw ang dalawa sa bayan"

"Ganun ba Nay, sayang naman.... di bale marami pang next time.... Sa ngayon kayo muna ni Tatay at itong utol ko ang papabilibin ko sa galing ko sa pagluluto" pagyayabang ni Steve.

Habang inaantay matapos ang niluluto ni Steve lumabas muna ako saglit ng bahay para mag masid sa paligid. Tila wala paring nagbago sa lugar namin, maliban sa iilan na yumaman at kitang kita ito sa magaganda at nagtataasang nilang bahay at ito ay dahil sa mga anak nilang seaman.

"Gandang Umaga Inaanak" bati sa akin ni Ninang Tess.....

"Good Morning Ninang".... sagot ko naman.....

Pinuntahan ko saglit si Ninang Tess para kamustahin saglit at makipag kwentuhan. Papalapit na sana ako ng biglang may lumabas na babae mula sa bahay nila. Napatigil at napatulala ako sa ganda nito. Aaminin ko kahit ganito ako naaattract parin ako sa babae at parang magkakaroon na ng karibal si Steve sa puso ko.

"Halika nga dito inaanak at ipapakilala kita sa napaka ganda foster daughter ko"

Hindi parin matinag tinag ang tingin ko sa magandang babaeng nasa harap ko....

"Jerome, inaanak.....siya si Kristine ang foster daughter ko.....nursing student din siya at classmate niya yun foster brother mo...."

.......ang ganda mo naman.... bulong ko sa sarili....

"Hello......Jerome......Magandang Umaga sa iyo" bati sa akin ni Kristine....

.......ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong, ang pula ng pisngi at ang labi....ang ganda ng buhok ang puti at kinis ng balat.....mukhang na love at first sight yata ako.......

"Mas maganda ka sa umaga....ay sorry....magandang umaga din sa iyo" sagot ko naman......

"Ano ba yan, inaanak at lumang luma naman ang mga hirit mo at ang corny pa..... sa akin palang basted na" biro ni Ninang....

"Basted, agad Ninang.....hindi pa nga nanliligaw eh" sagot ko naman....

"Hoy...Jerome....mahiya ka naman kay Kristine....anong ligaw ligaw...tumigil ka, magtapos ka muna ng pag aaral mo"

"Ano ba yan Ninang.....bawas pogi points naman ako agad nyan"

Napansin ko na pangiti ngiti lang si Kristine. Ako naman itong kilig na kilig habang pinagmamasdan siya.

........pag si Kristine naging girlfriend ko gagawin ko lahat mapaligaya ko lang siya....... bulong sa sarili

"Hi Kristine.....Good Morning...."

Bigla kong narinig ang boses ni Steve. Nakita kong nilapitan nito si Kristine at biglang hinalikan sa pisngi.

..........shit! bakit siya hinalikan ni Steve? mag boyfriend ba sila? Nakakainis na itong lalaking ito ha......

"At kaya pala hindi mo naririnig ang tawag namin ni Nanay at nandito ka at mukhang type mo itong bestfriend ko" bungad ni Steve

.......tama ba ang narinig ko? mag Bestfriend lang pala sila....sa wakas at mukhang may pag asa pa ako......

"Tol, gusto ko lang malaman mo na bago mo mapormahan itong bestfriend ko, kailangan mo munang dumaan sa mga kamay ko" dagdag ni Steve.....

"Mga Anak.....Jerome....Steve.....parito na at lumalamig na ang pagkain" biglang tawag ni Nanay....

Nawala sa isip ko at kakain na pala kami........

"Sige Ninang....Kristine.....kain muna kami ha..... See you around Kristine....."

"Tama na pa-cute Tol....tara na uwi na tayo" giit ni Steve

"Tol.....ang ganda naman ng bestfriend mo....."

"Oo...maganda talaga yun, naku wala pa sa kalahati ng ganda niya yun nakita mo kanina......"

"Ganun ba? Sa tingin mo magugustuhan niya ako?" biglang tanong ko....

Napansin ko biglang tumahimik si Steve at hindi na nagsalita.........

Umibig sa Probinsyano (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon