Chapter 2: You are not a family member and will never be
Isang pagdiriwang. Napangiti ako at agad na bumalik sa loob. Kinuha ko ang aking red velvet bodycon dress at sinuot ito. After I put make-ups in my face, agad akong lumabas ng kwarto. Napatigil ako nang maalalang naiwan ko sa loob ang clutch ko. Bumalik ako st kinuha ito saka nagpatuloy sa paglalakad palabas. Nakahintay doon si Dominic na nakasandal sa harap ng sasakyan. Nang makita niya ako ay agad siyang pumunta sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.
"Atienzo's mansion."
Tumango naman si Dominic at sinunod ang sinabi ko. Madilim na. I look at the dark sky above. The stars were shining bright but the moon won above them. Kinuha ko ang phone ko nang mag ring ito. Tinanggap ko ang tawag ni Thalia.
"Ano gawa mo? Ang daming afam dito sa Palawan sis! Jusko ha! Kung sumama kalang sana diba!"
Napailing ako at hindi nagsalita.
"So? I can feel na nasa sasakyan ka. Sa'n punta mo teh?"
Napangisi ako, "Meeting the parents."
"What! That fast?" I can almost imagine her big eyes looking at me.
"How? Pa'no mo siya nakumbinsi?" makikita sa boses niya ang pagkamangha.
I rolled my eyes, "Thally, he doesn't know."
"What!"
Nailayo ko ang cellphone ko nang sumigaw siya sa kabilang linya.
"Stop shouting will you." Inis kong saad at binalik ulit ang cellphone malapit sa tainga ko.
"You're gate crashing? Grabe belib na talaga ako sayo! Ikaw na."
"Shut it Thally. I told you, apat na buwan lang ako dito. I should get him by my words or by my force. Wala na siyang pagpipilian. Love me or love me."
Four years ago, I met him in a bar in Los Angeles. Pinangakuan niya ako ng kasal but because I need to go home before five, na-iwan ko siya d'on. I told him I'll find him. But when I found him, hindi niya naman ako naaalala. Nakakainis.
"Madame, malapit na po tayo."
Tinanguan ko naman si Dominic.
"Dadating ako diyan sa monday. Magpahanda ka ng kabayo. Horseride tayo sa rancho!"
Tumango naman ako kahit wala si Thalia sa harapan ko.
"Yeah, yeah. Ibababa kona. See you on monday then."
Kinuha ko na ang clutch ko at saka bumaba ng sasakyan. Napatingin ako sa paligid. Their house is far from publicity. I look at their mansion. This is huge. Napatingin ako sa malakeng narra na nasa gilid ng bahay nila.
'Ito na nga ang bahay nila.'
The lights in their house were giving life in the place. Ang tangkad ng barriers na nasa harap ko. Hindi ko alam na may ganito palang bahay maliban sa'min. Wala akong naririnig na ingay mula sa loob. I think they're just having a small dinner party. Sininyasan ko si Dominic na umalis na kaya tinupad niya naman ito. Chin up, I walk towards the gate. May humarang namang sa'king guard.
"Hindi po tumatanggap ng bisita ang Pamilya Atienzo."
Napatigil naman ako at saka siya tinaasan ng kilay.
"I'm a family, just a bit late. Fyi, I'm Elrons wife."
Nagtaka naman siya sa sinabi ko at kalauna'y napangisi, "Wala po kayong maloloko dito miss. Madami na ang nagtangkang pumasok dito at sinabing kabiyak sila ni Sir Elron na hindi naman totoo."