Chapter 4

1 1 0
                                    

Chapter 4: I thought you like me, you're a scam

"Are, you uh? Okay?"

Mas lalong nag-usbong ang galit ko nang pina-upo ako ni Elron sa backseat habang inalalayan niya naman ang conyong babaeng pina-upo niya sa front seat. Hindi ko pinansin ang tanong ni Ariessa. She even told me that for the first time in her life, a student called her on her first name. And I don't care, bahala siyang magulat sa pinaggagawa ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at may tinype doon, "Dominic, tell the cook to rest for today. Hindi ako kakain." 

Pagkatapos kong ma-send ay binalik ko ulit ito sa bulsa ko. Napatingin naman ako sa harap at nakita kong nakatingin sa'kin si Elron sa pamamagitan ng salamin. Nang makita niyang nakatingin din ako sa kanya, agad siyang umiwas. Napa-irap ako at tumingin nalang sa labas.

"Malayo pa ang sa kanila?" walang kagana-gana kong tanong na ang tinutukoy ay si Ariessa.

"Malapit na, sayang at hindi ako kasama sa paghatid sa'yo," aniya.

Girl, I want you out of my sight kaya hindi iyon sayang. It's a blessing.

"Gusto mo siya muna ihatid natin?" tanong sa kanya ni Elron na may lambing ang boses.

Napaiwas naman agad ako ng tingin. I want to shout at them, tell them I'm the legal, that I'm the his future. But hell yeah, I can't. Because of his voice, ang malambing niyang boses na binibigay niya sa kanya ay nakakapanghina. It hurts but I need and will always endure it because I am the one who entered this situation. Then maybe, the consequence is slapping me really hard tonight.

"Really? Are you sure? Kasi malapit na tayo sa bahay–"

Hindi natapos ang sasabihin niya nang nag ring ang phone niya na agad niya namang sinagot.

"Hello? Dad? Yes, umuwi si lola? Really? Pa-uwi na ako... Malapit na po ako sa bahay... Sige, bye!"

Akalain mo nga naman ang timing ng lola niya. Ang galing. Ang galing galing.

"Umuwi si lola Mina?"

"Oo, that's why hindi na ako makakasama sa inyo sa paghatid."

"Bukas nalang din ako pupunta sa inyo, tell your grandma I missed her."

"Ofcourse, ikaw paborito nun eh!"

I rolled my eyes, edi kayo na close sa isa't isa. Sabi malapit na dito bahay nila Ariessa, eh bakit parang ang tagal yata. Maya-maya ay tumigil ang sasakyan sa isang malakeng bahay. Napatingin ako sa kanila. Lumabas sa front seat si Elron at pinagbuksan si Ariessa. Wala ba siyang kamay?

"Thankyou."

Lumabas na si Ariessa at nanatili naman ako dito sa loob. Tiningnan ko lang ang ginagawa nila. Hindi nakasara ang pinto kaya naririnig ko ang mga boses nila.

"Thankyou sa paghatid sa'kin ah, wala ka talagang pinagbago." aniya at saka tumawa.

"Pwede ba akong pumasok muna?"

Wait? Kung papasok siya, pa'no ako? Ayaw kong pumasok d'on, I don't want to enter my rival's house.

"Oo naman, but, hindi ngayon, you have to lead her in her home. Gabi na, baka hinahanap na 'yan ng mga parents niya."

Nakita ko naman ang pagkabigo sa mukha ni Elron, "Just a minute?"

Nagsalubong naman ang kilay ni Ariessa, "Elron." she said with a warning on her voice. Napasimangot naman si Elron.

"Fine."

Ibinalik ko ang tingin sa kabilang bintana ng sasakyan. How can she do that? Paanong napapasunod at napapaamo niya ang isang Elron Atienzo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ace My AccessoriesWhere stories live. Discover now