Ella's POV
Going out with Aries is not bad after all. Nakakalibang kasi siya kasama. Nakakalimotan ko ang sakit ko pag kasama ko siya. Sobrang dami niyang kwento about sa mga pinuntahan niya. He went to Baguio and stayed there for three days with his family.
"Ikaw. Hindi ka daw lumalabas sabi ni Tita. Palagi ka daw nasa kwarto mo, nagbabasa. Ok ka lang ba ? Yung results ng tests kumusta?"
Kinabahan ako bigla. Nanlamig ang mga kamay kong nakahawak sa plastic cup na may lamang fishball na binili namin kay manong kanina.
He is looking at me but I didn't look back and just focus my eyes to the people walking here at the park.
"Daldal mo." Yan na lang ang nasabi ko. I don't know how to answer his questions. Alam na alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi. Main reason why I don't want to look in his eyes.
"Ano nga? Look at me" sabi niya saka hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kanya. Napatingin ako sa mata niya.
"May sakit ka ba?" Shiz! Bigla akong napa iwas ng tingin.
Tinanggal ko ang kamay niyang naka hawak sa baba ko. Pero hinawakan niya ulit ito para maiharap ako sa kanya. Hinuhuli niya ang mga mata ko.
"So meron nga?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sakin.Mas magdududa to pag hindi ko sinagot ang mga tanong niya.
"The results..." bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy " Stress lang daw. Alam mo naman sa school diba? Madaming requirements noon bago mag sem-break." I removed his hands from my chin. Yumuko ako saka pinikit ng mariin ang mga mata ko.
I raised my head and found him looking at me.
Para maiwasan ang mga mata niya tumingala na lang ako at tumingin sa kalangitan. 'I lied. I lied again. First to my Mom and now to my bestfriend. Sorry Lord.'
"You sure? Then bakit di lumalabas?" Sabi na eh di agad to maniniwala.
"Ella..." sambit niya ng pangalan ko na may pagbabanta sa tono niya.
Shiz! Napabuntong hininga nalang ulit ako saka ako tumingin ng diretso sa mga mata niya.
"Hindi naman ang pala labas kaya bakit ako lalabas? Wala naman akong gagawin. Wala naman akong sasamahang kaibigan. Kasi ikaw lang naman kaibigan ko diba?" Mabilis na at tuloy tuloy na sabi ko sa kanya, kaya hinabol ko ang hininga ko pagkatapos ko magsalita.
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. 'Yes!Lusot!'
"Sabi ko naman kasi sayo sumama ka sakin para maipakilala kita sa mga kaibigan ko. Mababain naman yung mga yun. Hindi yung puro libro at papel ang kaharap mo" nakangiting sabi niya saka sumubo ng fishball niya mula sa plastic cup niya.
"Hindi naman kasi ako sing friendly mo. Ayokong makihalubilo sa maraming tao. Tsaka sapat na sa'king ikaw lang ang kaibigan ko." Sabi ko saka ko inubos ang fishball ko at tumayo na para sana itapon sa basurahan ang plastic cup ko pero tinawag ako ni Aries.
"Ella! Pakitapoooon." Ngiting ngiti niyang sabi sakin sabay lahad ng cup niya. Pero di ko yun tinangap at tinalikuran siya saka nagtuloy-tuloy sa paglakad kahit tinatawag niya ako.
Humabol siya sakin at kinuha yung cup ko at dumeretso na basurahan at siya na yung nagtapon.
"Sama mo!" Sabi niya nang makabalik siya.
"Tamad ka lang." Umirap ako sa kanya at hinarap ang araw na unti unti nang lumulubog. Nakita ko sa gilid ng mata ko na humarap din siya dun.
" Tara na? Malapit ng gumabi. Late kasi akong nakapunta sa inyo eh. Next time agahan ko. Tara." Aya niya saka ako hinila papunta kung saan man siya nag park.
Hinila lang niya ako ng hinila. Shiz. Hinihingal na ako. Isa to sa mga epekto ng sakit ko. Madali ako mapagod. Ang layo kasi naman ng pinag park'an niya ng sasakyan niya.
Kaya pagkarating namin sa sasakyan niya. Sumandal muna ako sa pinto.
"Oh bilis mo naman mapagod" sabi niya habang kinukuha ang susi sa bulsa niya.
"Sa layo ba naman bg pinag park'an mo, sinong di mapapagod." Hinihingal kong reklamo sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng backseat at may kinuha doon.
Inabot niya sakin ang tumbler niya na nandun." Oh inom ka muna. Mag exercise ka minsan ah. Sama ka sakin sa gym." Inabot ko yun at uminom. Aarte pa ba ko?
"Sige. Text mo lang ako" sabi ko pagkatapos kong uminom. "Tara na?" Aya ko sa kanya. Binuksan niya naman agad yung pinto passenger seat at mabilis na umikot papuntang driver seat at pinaandar ang kotse.
Tahimik lang ako hanggang makarating kami sa bahay. Bababa na sana ako pero pinigilan niya ako at dali dali siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Napangiti na lang ako sa ginawa niya saka bumaba at nagpasalamat.
"Pumasok ka na. Text na lang kita pag pupunta na tayong gym. I had fun today. Mauna na ako" sabi niya then he kissed me on my forehead. Normal samin yun. Palagi niya namang ginagawa. Kaya walang malisya.
"Sige. Ingat ka. Pahinga ka na rin pag uwi mo. At wag bibilisan ag pagpapatakbo. Sige na. Hintayin lang kitang umalis" sabi ko sa knya. Kaya pumasok na siya sa sasakyan niya at bumusina pa ng tatlong beses bago umalis.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang sasakyan niyang unti unti nang nawawala sa paningin ko. Pumasok na ako sa gate ng tuluyan na siyang naglaho. Isinasarado ko yung gate nang marining ko ang tawag ni Mama.
"Anak? Nakarating ka na pala. Kumusta?" Humarap ako sa kanya at ngumiti bago ako sumagot.
"Ok lang naman po, Ma. Nag enjoy naman po ako." Inakbayan ko na si Mama at sabay kami naglakad papasok sa bahay.
"Buti naman kung ganon anak. Sabayan mo na kami kumain ng Papa mo bago ka magpalit." Sabi ni Mama sabay sabay kaming kumain nina Papa. Ako na rin ang nag hugas ng mga pinagkainan naming lahat, para makapagpahinga na sila.
Paakyat na ako sa kwarto ko ng bigla akong nahilo at para akong masusuka. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at dumeretso sa banyo at doon sinuka lahat ng kinain ko.
Nagmumog ako nangmatapos akong magsuka at nanghihinang napasandal sa sink dahil sa hilo at pagod.
'Shiz. Is this the start?'

YOU ARE READING
The Gloaming Of Aries
NouvellesEverything in this world will come to an end, except the word change. Let's look forward to the life of our protagonist, Stella Sirius Azalea. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ this is my first story so please bear with me. thank you.