Chapter 2. A blitzkrieg on New Year's Eve

19 5 3
                                    

Ravian

EDSA. Kahit advanced na masyado ang Philippines, hindi parin nagbabago ang situation dito.

Maybe its because of the last minute shopping trips to prepare for tonight's midnight feast.

Might as well play some tunes para pampalipas oras.
___________________

Mga dalawang oras pa bago ko narating ang bahay namin. After all those years of hardship, hindi ko paren makalimutan na iba na ang pamumuhay namin. Ibang-iba na talaga.

Hindi ko parin nakaklimutan ang palaging sinasabi ng Tatay ko, "Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan." We helped the people mula sa barangay namin, especially those na tinulungan kami. We gave them financial assistance, and some were given jobs sa kumpanya. Even though I am one of the richest people dito sa bansa, hindi ko parin nakakalimutang magpasalamat.
__________________

"Nay, Tay, nandito na po ako."

"Oh anak, salamat naman at hindi ka natraffic sa daan. Halika na at maghapunan muna tayo. Mamayang alas-dose pa naman ang medya noche."

"Sige Nay, akyat muna ako sa kwarto ko. Pakisabi kay tatay na nandito na ako."

"Sige Nak."

Pagkatapos naming mag usap ni Nanay ay nagmadali agad ako paakyat sa kwarto ko. I quickly changed into normal clothes at dali-daling bumaba para sumabay sa kanila kumain.

___________________

"Wow Nay, di parin talaga kumukupas yung galing niyo sa pagluto! Ang sarap po nitong mga niluto niyo. Salamat po dito." sabi ko kay Nanay habang nakangiti

"Wag mo na nga akong bolahin. Sige kain ka pa! Pumapayat ka na sa kakatrabaho mo."  sabi niya habang tumatawa.

"Aba oo nga Ravi, kitang kita na sa mukha mo ang stress. Bata ka pa, wag mong abusohin yung katawan mo ha?"  sabu naman ni Tatay.

"Oo na nga po haha. Sige po kain na po tayo!"

The rest of the dinner went smoothly. Parang isa na to sa pinakamasayang huling araw ng taon na naranasan ko.

After helping Nanay with the dishes, agad na akong pumanhik paakyat ng kwarto ko at natulog muna sandali, at gigising mamayang alas dose para manood ng fireworks display.

___________________

*knock knock

"Ravi, gising ka na ba? Halika na dito sa baba at manonood tayo ng fireworks display!" biglang sigaw ni Nanay sa labas ng kwarto ko na nagpagising sa akin.

"Sige Nay! Mauna ka nang bumaba at susunod lang ako."

"Sige nak."

Dali dali ko namang inayos ang higaan ko at bumaba na.

Habang nasa hagdan ay nakita ko si Taty na papunta sa may likuran ng bahay.

"Halika na nak, naghihintay na yung Nanay mo doon."

"Sige Tay, sabay na ako."

Habang lumalakad kami ni Tatay papunta sa backyard namin ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malamang dahilan.

Ito yung kaba na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw at parang may pinapahiwatig ito na hindi maganda.

I dismissed the thought of something happening wrong today. Dapat ay maging masaya ako ngayong huling araw ng taon, right?
_________________

"Anak, hali na kayo dito ng tatay mo, isang minuto nalang at bagong taon na!"

"Sige po!"

Dali-dali kaming pumunta kay Nanay upang sabay sabay kaming magsaya ngayong bagong taon.

Panibagong mga araw na naman ang kakaharapin ko. Maraming bundok at ilog na naman ang dadaanan ko, pero kakayanin ito lalo na't alam kong narito lang sa tabi ko ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin.
...................

"Mga Kapamilya the final 10 seconds of the year is here so let's countdown!"

Parang mga malalamig na salita ang aking naririnig mula sa speakers ng kapitbahay namin. Parang nakakatakot na hindi ko naman alam kung bakit.

"10!"

Parang may mali eh.

"9!"

May mali takaga.

"8!"

Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ng ganito ang puso ko. Dahil ba to sa sobrang lamon ko ng lechon?

"7!"

Parang may nagbabadya na hindi maganda. Di ko alam bakit ko ba to nararamdaman!

"6!"

Parang ayaw kong marinig ang mga segundong lumilipas. Ayaw ko.

"5!"

Unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko ngunit hindi ko alam kung bakit.

"4!"

Dahan dahan kong nilapitan sina Nanay at niyakap ng mahigpit. Yung yakap na parang aalis ka na sa mundo.

"3!"

Heto na.

"2!"

Nalalapit na.

"1!"

"HAPPY NEW YEAR!"

At kasabay ng ingay ng mga paputok ay ang malaking pagsabog na naging sanhi upang ako ay mawalan ng malay.

N-nay...

T-tay...

The Begginers Guide For Survival In Another Dimension [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon