Chapter III. The Aftermath

12 5 0
                                    

Someone's POV

"Ilang oras na ba siyang nakahiga diyan?"

"Mga tatlong oras na po Pinuno."

"Kamusta na ba siya? Maayos na ba ang kaniyang pakiramdam? Ang kanyang mga sugat?"

"Maayos na po siya. Pinasuri na din namin siya kay Wepinia noong dinala namin siya dito, ngunit sabi niya ay wala na daw umanong sugat ang lalaking ito at nakakapagtataka po iyon."

"Marahil siguro ay hindi nga siya isang tao, dahil may kakayahan ang kanyang katawan na pagalingin ang mga sugat na natamo nito."

"Posible nga po iyon. Pero, nakakapagtataka po kung bakit sila'y inatake ng nga Dulom? At papaano sila nakalabas sa Averian?"

"Nag-iimbestiga na ang Konseho diyan. Ngayon ay hintayin lamang natin siya na magising at sisimulan na natin siyang tanungin."

___________________________

Ravian

"N-nay, T-tay."

Hindi, huwag niyo akong iiwan. Huwag kayong umalis.

"N-nay, T-tay! HUWAG!"

Bigla akong napabangon dahil sa pangitain na iyon.

Ngunit, nasaan ba ako ngayon? Parang hindi naman ito ang bahay namin?

Ang naalala ko lang ay, bagong taon at masaya kami at may...

M-may nangyaring p-pagsabog at nawalan ako ng malay.

Pero nasaan na ba ang mga magulang ko?

N-nay...

T-tay...

Nasaan na kayo?

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang babae.

"Oh, gising ka na pala? Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng babae.

"Ah, miss? Ikaw ba yung nurse dito? Saan yung mga magulang ko? Okay lang ba sila?" mabilis kong tanong sa kaniya.

"Ah, hindi. At hindi to hospital."

"Eh nasaan ba ako? Ang mga magulang ko? Nasaan sila?"

"About them...Sila ba yung kasama mo sa bahay niyo bago ang nangyaring insidente?"

"Oo sila nga, nasaan na nga sila?! NASAAN NA ANG MGA MAGULANG KO?!"

"Hindi ako dapat ang magsasabi sayo nito ngunit kailangan mong malaman."

"Ano?! Saan niyo sila dinala?!"

"Kinuha sila ng mga Dulom."

Dulom?

"Miss, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Kaya please, nasaan na ang mga magulang ko?"

"Hindi din ako nakikipagbiruan sayo. Kinuha sila ng mga kalaban ng aming angkan. Ang mga Dulom."

K-kalaban?

The Begginers Guide For Survival In Another Dimension [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon