"A strong person is not the one who doesn't cry. A strong person is the one who is quite and sheds a tear for a moment, and then pick up the sword and fights again." - Kurt Sebastian
CHAPTER 6"Bakit ba hindi mo mapag-sabihan yang ampon mo?" Rinig ko na sabi ni Mom ng makalabas ako ng kitchen. Paanong hindi ko maririnig sobrang lakas ng boses nya? Palagay ko sinadya nya lang talagang iparinig. Alam ko naman na ampon na ako. Sinabi na ni Kuya, bastarda lang ako. Kaya pala nagawa nyang insultuhin ang ina ko kasi hindi ko talaga Mom ang Mommy nya. Kaylangan ba talagang ipamukha? Ano pa ba ang hindi ko alam?
"Lumayas ka!" Napatakip nalang ako ng tenga ng marinig ko ang sigaw ni Mom. Pinapalayas ba nya si Dad na namam?
"Oo maghintay ka! Lalayas talaga ako! Tandaan mo alam ko ang dirty little secret mo Mom." Si Ate pala ang pinapalayas nya. Agad akong nag pahid ng luha at lumabas para magpahangin, sandali. Mas pinili ko na mas lumayo pa sa bahay para hindi na ako makita ni Kuya, tiyak na may punishment na naman ako.
Natanaw ko ang asong si Seya kasama si Kurt. Mabilis akong lumapit sa aso at hinimas ito, wala akong kibo at hindi pinansin ang presensya ni Kurt. "Vampire kaba?" Napataas ako ng tingin sakanya.
"Mukha ba akong bampira?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko. "Paano mo naman na tanong kong bampira ba ako?" Dagdag ko.
"Gabi lang kasi kita nakikitang lumalabas," walang ganang na sabi nya.
Pinilit ko na bigyan sya ng isang nakakalokong ngiti. Ito naman ang talento ko eh. Kayang-kaya kong mag panggap na masaya kahit na hindi naman talaga. "Ang sabihin mo miss mo lang ako!" Natatawang sabi ko bago malakas na humalakhak kahit na nangingilid ang luha ko. Nakakainis na luha ito! Pinipilit ko na ngang maging masaya kahit tuwing lalabas nalang eh.
Agad na nag labas ng panyo si Kurt bago inabot sakin. "Dry your tears. For me, sadnesss is just a word, happiness is a choice." Inabot ko ang panyo at mabilis na pinahid sa luha ko.
"Hindi ah! Napuwing kasi ako haha!" Pagsisinungaling ko sakanya na mukhang hindi tumalab. Bakit parang ang daming alam ng taong ito? Never ba syang nagkaproblema ng matindi kaya madali lang sakanya?
"I'm here, and besides tayong dalawa lang naman ang nandito tell me if you need hug." Mas dumami ang pagdaloy ng luha ko. Kahit papaano kasi may mga tao parin palang nag-aalala sakin.
"Ikaw ha! Gusto mo lang yatang makahipo or crush mo yata ako eh?" Suminga ako sa panyo nya habang umiiyak parin.
"Sabi ng Mom ko, hug is the best way of comforting," kalmadong sabi nya baho ako mahigpit na yinakap. "And dagdagan mo raw ng jokes," sabi pa nya. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib nya at humagulhol.
"Alam mo ba bakit hindi yumuyuko ang giraffe?" Tanong nya pero hindi ko sinagot kasi umiiyak lang ako. "Kasi Giraffe - (Hirap) sila yumuko." Hindi ko napigilan ang matawa. Kaya na hampas ko sya sa braso, para kasi akong tanga na iiyak tapos matatawa.
"Saan nakatira ang sapatos?" Umiling lang ako bilang sagot na hindi ko alam. "Basic, syempre sa Palashoe - (Palasyo)" Unti-unting umurong ang luha ko at tanging tawa nalang ang naiwan. Hindi naman kasi ako natawa sa joke nya, sa itsura nya mismo. Kasi naman nag jojoke nga sya pero yung mukha nya poker face parin.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You My Story
RandomDisclaimer : Ito'y walang kinalaman sa kahit na sino mang tao rito sa mundo. Isa lamang itong hango mula sa malikot na imahinasyon ng author.