CHAPTER 8"Annie bakit?" Tanong ko habang mahigpit paring nakahawak sa baril na nakatutok kay Kuya Dexter.
"Simple lang naman bess dahil sa pera," mataray na sagot nito. "Buhay mo kapalit ng malaking halaga. Binayaran nya ako para maging spy simula ng makilala mo si Kurt, totoong wala akong alam sa gulo nyo at hindi ko narin inalam pa. Ang mahala--"
"Ang mahalaga lang sayo ay pera? Dahil sa pera kaya mo ito na gawa sa kaybigan mo. Kaya mo ako trinahidor?! Alam mo ba ang gawain ng hudas na ito?" Hindi sya kumibo.
"Ano Annie papauto ka? Isipin mo nalang ang 5M na makukuha mo bilang kabayaran," gatong nito kay Annie.
"Ginahasa n-nya ako.. S-simula 9, 10, 11, 12 hanggang ngayon." Kahit nanlalambot ay pinilit ko paring maging matatag. Ayaw ko man balikan ang nakaraan ay wala akong magawa 'kundi' ipaliwanag ito kay Annie para maintindihan nya. "Sya rin ang may gawa ng mga pasa ko." Narinig ko ang pagsinghot ni Annie kaya napanatag ako na hindi nya ako kayang saktan.
"I'm sorry... Nabul-lag a-ako sa pera nya." Naramdaman ko ang pag alis ng baril sa batok ko ni Annie.
"Ayos lang bess," sabi ko bago hinarap si Kuya na ngayon ay kabado na.
"You can't do this to your brother! I'm still your brother, bitch." Sabi nya habang galit na nakatitig samin ni Annie na ngayon ay magkasundo na.
"Tulad nga ng sabi mo. Hindi mo ako kapatid, bastarda lang ako. Tanggap ko naman Kuya Dex, ayos na sakin." Nakangising sabi ko bago pinahid ang luha ko.
"Si Mommy, sya ang pumatay kay Manang flora hindi ako." Natuptop ko ang bibig ko kaya may naging pagkakataon sya para agawin sakin ang baril at itutok sakin.
"Wrong move!" Natatawang saad nya kay Annie ng balak nitong tutokan sya. "Drop the gun, dear." Walang nagawa si Annie kundi maging sunodsunuran. "Kampi sakin ang Mom ko, syempre Mommy ko eh. Ikaw nga kasama mo narin Mommy mo pero ayaw sayo? Ang sad naman pala. Ang lupit-lupit nya sayo palagi." Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya habang luhaan.
"Hi," Napalingon kami kay Ate Cindy na nakawhite dress pa para elegante tignan.
"Kasabwat ka?" Nanlulumong tanong ko. "Ano balak mo narin ba akong patayin ha?" Matapang na tanong ko habang nakasalubong sa matalim nya ring titig.
"Binabastos mo na ako?!" Isang malakas na sampal ang na tanggap ko kay Ate. Ano na naman bang problema nya? Masama bang mag tanong? Hindi ba ako pwedeng maging aware kong mamamatay na ako?
Hinaltak nya ako palabas ng basement. "Halika! Ipapakita natin sa lahat na ikaw talaga ang walang kwentang anak at kapatid dahil pinag-tangkaan mong patayin ang sarili mong kapatid!" Hinatak nya ang damit ko para kwelyohan ako pero pinipigil ko ang kamay ko masisira na kasi ang damit ko. Hindi nila pwedeng makita! Lalo na si Dad hindi nya pwedeng makita ang mga pasa ko. Hindi pa oras, at hindi rin ito ang plano.
Mabuti na nga lang at na takpan ko pa ng make-up ang pasa ko sa pisngi at leeg mula sa pag sampal ni Kuy Dex ng belt nya, hanggang sa pag sakal sakin.
"Ate ano ba?!" Umiiyak na sigaw ko habang gustong kumawala sa pagkaladkad nya sakin. Itinulak nya ako sa gitna dahilan para matuon samin ang atensyon ng mga bisita. Haltak pa nya ang buhok ko bago kumuha ng mike.
Agad nya akong binitiwan ng marinig nya ang yabag ng paa ni Daddy.Nanlilisik ang mata nyang lumapit kay Ate at sinampal ito ng malakas. "Y-you! How could you--Damn you Cindy! You're hurting your sister! Damn you bitch!" Galit na galit na sigaw ni Dad sakanya.
Umiiyak na yumakap ako kaya Daddy para awatin sya sa muli nyang pananakit kay Ate. "K-kahit kaylan n-naman hindi nyo ako tinuring na anak nyo o na parte ng pamilyang ito." Umiiyak na sabi ni Ate habang sapo ang pisnge nyang sinampal ni Dad.

BINABASA MO ANG
Let Me Tell You My Story
De TodoDisclaimer : Ito'y walang kinalaman sa kahit na sino mang tao rito sa mundo. Isa lamang itong hango mula sa malikot na imahinasyon ng author.