7

4 1 0
                                        

CHAPTER 7

"Kamusta ang Deal natin kay Mr. Fuwang?" Boses ni Kuya habang nakikipag usap sa tauhan nya at pinagkakatiwalaang si Picollo. "Anong may problema?! Nabulilyaso ang pagkarga ng mga epektos? Ano?! Patayin mo ang sagabal na yan ha! Malaking pera ang involved dito!" Galit na galit nya itong binabaan ng phone.

Agad ko ring itinago ang phone ko. Nakasave sakin ang usapan na iyon alam ko kasi na magagamit ko ito para mapabagsak sya.

"Are you ready?" Tanong ni Dad ng pumasok sa kwarto ko. Inayos ko ang gown ko bago matamis na ngumiti sakanya.

"Be ready Dad, don't miss the moment." Matamis na wika ko bago yumakap sakanya. Gusto ko sanang humingi ng sorry kay Daddy ngayon kasi masisira na ang pangalang iniingatan nya.

"Oo naman princess, you really look stunning tonight." I gave him a hug. A hug for my goodbye to the old me, because tonight is just the beginning. Isang ngisi ang sumilay saking labi. New Katana is coming ...

Si Kurt ang nag encourage sakin na habang may hininga may pag-asa, at kapag inapi dapat gumanti sa paraang maayos at pawang katotohanan lamang.
Kinausap ko na ang nag hahandle ng party na iplay mamaya ang audio record ng conversation ni Kuya sa tauhan nyang si Picollo. Iniwan ko ang phone ko, pero mahigpit na bilin ko na wag nilang gagalawin ito hanggat wala akong hudyat, at para magawa ito kinaylangan ko ng malaking pera para mapapayag sila.

"Bessy!" Mabilis na lumapit sakin si Annie para makipag beso-beso.

"I'm here," sabi ni Kurt bago ako binigyan ng yakap at bumulong. "Ayos na ba?" Ngumiti ako bago tumango.

"Ang lagkit ng tinginan parang kutsinta!" Nagsmirk lang si Kurt kay Annie. "Abat! Nakakapikon ka ah?!" Hinila ko si Annie para sawayin sa panggugulo kay Kurt.

"Easy lang," mahinahong sabi ko bago hinimas-himas ang likod nya. Iniwan ko na sya ng okay na, at nakipag kwentuhan kay Kurt. Sinabi ko sakanya ang plan A ko at ang Plan B. Plan A, play the audio record at kapag nag failed move kami sa Plan B na ituro nalang ang kuta nila Kuya. Sabi naman ni Kurt Kernel ang tito nya, so, may connection na kami sa mataas na opisyal.

"Walang Plan C?" Takang tanong nya kaya napasibangot ako.

"Hindi naman kaylangang alphabetical talaga. Hindi naman pwedeng hanggang Plan Z tayo." Angal ko bago lumagok ng juice. Stress ako kay Kurt, sana nga maging successful ito.

"Dapat laging may backup plan Katana." Inirapan ko lang sya bago nag hands up, suko na ako.

"Ikaw na umisip ng backup plans," tumango sya bago may inabot na earpiece sakin, at baril. Nanlaki ang mata ko bago takot na tumingin sakaya. "Baliw kaba?" Gulat na tanong ko. Nasa kwarto kami kaya ayos lang.

"We need this, trust me. Hindi mo naman kaylangan gamitin, for emergency lang. Btw, it's a silencer so walang sounds." Napalunok muna ako bago tinanggap ang ibinigay nya. Ilinagay ko ito sa gilid ng hita ko.
Ang cool sana kaya lang nakakatakot parin.

"Saan mo nakuha ito?" Tanong ko.

"Tito Bryant," tipid na sagot nya. Ikinabit namin ang microphone sa dibdib ko para kapag nag salita ako mas rinig, at ang earpiece. May walkie talkie rin kami kapag may naging problema.

"Ikaw na ang magpa-play ng ebidensya habang linilito ko si Kuya." Wala syang nagawa kundi ang pumayag kahit parang ayaw nya ang idea ko na ako ang kakausap kay Kuya. Agad kaming naghiwalay ng bumaba na kami at nahagip ng mata ko na kasama ni Annie si Kuya Dex kaya agad akong kinabahan. Anong plano nya sa kaybigan ko? Mabilis akong lumapit sakanila at hinaltak papunta sa likod ko si Annie.

"Anong problema mo?" Iritadong tanong ni Kuya bago sumimsim sa wine glass nya.

Anong problema ko? Marami akong problema sakanya. Dapat yata rito sa hudas na ito ipasuri ang utak eh. "Tigilan mo ang kaybigan ko," madiing wika ko bago hinarap si Annie. Kita ko ang paglikot ng mata nya bago nahihiyang tumingin sakin alam nya kasing galit ako sakanya. "Ikaw naman tantanan mo kapatid ko hindi mo sya kilala." Asiwang ngiti ang isinagot nya sakin bago ako iniwan at mukhang aalis na. Nasira ko yata ang mood at na basag ang trip ni Annie. Hindi ko naman sinasadya ayaw ko lang talaga syang mapahamak eh. Ayaw ko lang na pati sya mabiktima ni Kuya, baka magaya pa sya sakin kapag umiral ang kakatihan ni Kuya Dex sa katawan.

Lumingon ako kay Kuya na nakangisi parin sakin. Huminga ako ng malalim bago linagyan ng ngiti ang labi ko. "Kurt," bulong ko. "Let's do this." Wika ko bago lumapit kay Kuya Dex at bumulong. "I miss your hands on my boobs," ako na sinusubukang akitin sya palayo sa party. Balak ko syang dalhin sa basement namin para walang masyadong eskandalo sa party at wala silang alam kapag hinuli na si Kuya Dex. Oo maririnig nila ang audio pero at least kapag nasa basement sya sure kami na wala na syang gagawing hakbang na mas ikapapahamak nya. Kaya ko rin sya dadalin rito kasi nga marami syang alagad na nag babantay at nagmamasid lang.

"Really?" Nakangising tanong nito uto-uto naman si Manyakis.
Hinaltak ko sya at dinala sa basement.

"Delikado yang plano mong ilayo sya sa party," rinig ko pang sabi ni Kurt bago tinanggal ang earpiece ko at itinapon. Mabuti nalang at na uuna si Kuya, so hindi nya nakita.

Agad ko syang itinulak at isinandal sa pader. "Ang wild mo na, at least diba ngayon enjoy mo na. I like that attitude." Kumindat lang ako bago dinampi ang daliri ko sa labi nyang natatakam na sakin.

"Close your eyes," mula sa malanding tonong sabi ko. Good job, Kat. Agad namang sumunod si Uto-uto kaya mabilis akong nag tanggal ng gown. May doble kasi akong panloob, parang sasabak sa barilan. Hindi naman kasi pwedeng nakagown ako tapos kakalabanin ko sya. Hinugot ko rin ang silencer bago itinutok sakanya. "Open your eyes na," wika ko. "Bang!" Natatawang sigaw ko ng maimulat na nya ang mata nya. Wala naman akong balak paputukan sya, for protection lang ito habang hinihintay ang responde.

Ngumisi lang sya sakin. "Magaling kana sana kaso kulang pa sa practice. Kahit na matalino ka, madali ka paring maisahan." Humalakhak sya ng sobrang lakas na parang iniinsulto pa ako sa naging plano ko.

"Hayop ka talaga! this time I'll make sure na magbabayad ka sa lahat-lahat! Matibay ang ibedensya ko laban sayo, Dexter." Patuloy parin ito sa pagtawa.

"Si Kurt ba ang pinagmamalaki mong malandi ka ha? Alam mong kaya ko syang bawian ng buhay." Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa ulo kaya kamuntik ko ng makalabit ang gatilyo.

"Subukan mo lang," banta ko bago mas itinutok sa ulo nya ang baril. Bakit ang tagal ni Kurt?

"Kapatid, kapatid.." Humalakhak ito bago ngumisi sakin. "Ang dali mo magtiwala, tapos ang tanga mo kumilatis." Sasagot palang ako ng may tumutok rin ng baril sa batok ko.

"Sige iputok mo, para sabog rin ang batok mo." Laking gulat ko ng mabosesan ko ang babaeng nagsalita.

Annie?!

Let Me Tell You My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon